I love him
“Kahit kailan, wala akong balak na gantihan ka, ang gusto ko, ikaw ang gumanti...” he paused. “…ng halik sa akin, Mahal ko.” Aniya sabay ngisi.
Pero ang utak ko lutang pa din. Wala pa din matinong tumatakbong salita sa utak ko dahil sa halik na ‘yon. Parang noong una. Pero mas malala ngayon dahil na rin sa mga sinasabi niya.
“I’ll wait for you.” Iyon lang ang sinabi niya at nagmartsa na palabas ng bahay. Pero parang may ibang kahulugan ang sinabi niyang iyon. Nagkibit-balikat nalang ako.
Okay, so siya ang kasama kong pupunta ng Isabela? Hello? Isang buong araw kaya ang biyahe. At siya lang talaga? Kasi ang alam ko, wala siyang driver at pinapayagan siya ng parents niyang magmaneho ng mag-isa unlike me na palaging may driver. So siya ang driver ko ngayon?
Grabe, sa dami ng mga tanong ko hindi ko na alam kung anong mga damit ang mga pinaglalagay ko sa bag ko pagkatapos kong maligo at sobrang bilis din ng ligong ginawa ko.
Damn it! Ngayon lang naging ganito kabilis ang pintig ng puso ko. Yung parang gusto na niyang magtumbling palabas sa dibdib ko. Ganito ba talaga ang epekto ng Mr. Manhid na ‘to? Parang hindi naman?
Ipinilig ko nalang ang ulo ko habang inila-lock ang silid ko bago ako bumaba. May maiiwan namang mga katulong. Na kanina ay missing in action dahil talagang walang nagpakita sa akin. At ngayon, heto na sila naghihintay na lang ng pag-alis ko. And as usual ‘pag kunot ang noo ko ay wala silang imik at tahimik na binuhat ang bag ko.
At paglabas ko, nakita kong nakasandal si Lourd sa kaniyang itim na Landrover LRX habang naka-headphone. Why is he so good looking in any angle? Nagkibit-balikat nalang ako. Dahil madali lang naman ang sagot doon.
Habang inilalagay ang bag ko ng maid namin sa likuran ng sasakyan ay dumiretso ako sa passengers seat ng hindi siya kinikibo.
“Whoa! Can’t you say excuse me?” sabi pa niya na tinaasan ko lang ng kilay. Para na akong pipi dahil ayaw kong magsalita.
Ewan ko ba, nakakapipi pala ang halik niya. At sa naisip ko, ayon, uminit tuloy ang pisngi ko.
I heard him chuckle habang ini-start ang engine ng kotse. “Stop doing that.” Sabi pa niya.
Kunot-noong tiningnan ko siya. “Stop doing what?” iritadong tanong ko kahit na alam kong mas lalo akong pumula dahil nakita ko ang ngiti niya at lalo na ang kaninang labing nakalapat sa labi ko. Kaya naman nag-iwas agad ako ng tingin at siya naman ay tumingin na din sa kalye.
“Stop blushing.” Seryosong sabi nito na mas lalong nagpakabog sa puso ko.
Bumilis din ang paghinga ko. Sa simpleng pagkakasabi niya nun ay nagkakaganito na ako. Ano ba talaga ang nangyayari? “I’m not blushing!” giit ko ng hindi tumitingin sa kaniya dahil alam kong nagsisinungaling ako.
“Yes you are, so you better stop it now.” It’s a command. Hindi iyon pakiusap. Ngayon ko lang siya makakausap ng matagal kaya siguro ganito ang nararamdaman ko. Naninibago lang siguro ako.
“I said I’m not. At bakit ba kung namumula ako?” bumaling ako sa kaniya.
“Because it turns me on.” Sagot niya. Na muling nakapag-painit ng mukha ko kaya ibinaling ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana.
My goodness grace! Ngayon ko nga lang siya nakakausap ng ganito, as in ng matino pero ang utak ko parang ang laswa ng iniisip tungkol sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin sa turn on-turn on na yun. Nagiging green tuloy ako. Lord sorry. At napapikit pa ako ng mariin.
“I wonder kung ano ang iisipin nila Mommy ‘pag hindi tayo natuloy.” Biglang sabi ni Lourd na siyang nagpamulat sa akin. As in lumaki talaga ang mata ko pagkarinig ko ng sinabi niya.
“What do you m-mean?” nauutal ko na tuloy na tanong. Okay I admit, ako na ang advance ang utak.
Itinigil niya ang kotse sa gilid. Actually, hindi pa kami nakakalabas ng Manila. Tumingin siya sakin ng nakangisi. “You and me, tayong dalawa lang. Mas makikilala natin ng husto ang isa’t-isa kung tayong dalawa lang ang mag-i-spend ng kahit isang buong araw lang ngayon.”
Lord, please, bakit hindi ako nagulat sa sinabi niya? Bakit natuwa pa ako? Ano ‘to? “Like a date.” Biglang lumabas na salita sa labi at napatakip ako ng bibig na para bang hindi niya narinig kung ano ang nasabi ko na.
Napatawa ito. “We can say it’s like that. But we’re not even friends, so it’s strangers trip.” Sabi niya at muli na niyang pinaandar ang sasakyan.
I don’t know pero hindi na ako makaramdam ng bigat sa loob ko. Pakiramdam ko nga ang saya ko dahil sa suhestiyon niya. Hindi naman sa hindi ko na gustong makasama ang mga magulang ko, dahil uhaw pa din ako sa kalinga nila, kundi dahil alam kong wala namang masama kung i-try ko. At hihingi na rin siguro ako ng sorry sa lahat ng mga kagagahang ginawa ko noon sa kaniya.
Imbes na sa NLEX ang daan naming, sa SLEX na ngayon. I don’t know where is he going to take me. pero wala na akong pakialam. I feel like, I’m safe with him. wala din naman kasi akong gagawin sa bahay kung aangal ako sa gusto niya. Why not try some adventure na kasama ang dating kaaway ko. Well, ako lang pala ang nang-aaway sa kaniya dati.
At dahil tahimik na naman ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. At naramdaman ko nalang ang pagtigil ng sasakyan atng engine nito.
“We’re here.” Narinig ko ang boses niya. Ansarap sa tenga. Parang gusto ko pa ulit matulog. Joke!. Iminulat ko ang mata ko at iginala ang paningin sa labas. And I saw an ancestral house. Malaki ito, mukha itong isang mansion noong unang panahon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makababa ng sasakyan. Nakuha na din pala niya ang bag ko sa likod. “Ah, nasan tayo?” hindi ko na napigilang magtanong.
Napakamot ito ng ulo. “Mukha bang creepy? Regalo kasi ‘yan ni Lala sakin noong highschool graduation. Akala ko noong tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong design ng bahay na gusto ko ay wala lang, and to my surprise, she gave me this. Actually, si Tita Hanah din ang architect ng bahay na ‘yan, and it looks like the old houses. Gayang-gaya yung mga details. C’mon, let’s see what’s inside.” Hindi natanggal ang ngiti sa mukha niya habang sinasabi niya iyon hanggang sa hilain niya ako patungo sa bahay na iyon.
Strange feelings dahil hindi ko maramdaman sa sarili ko ang pagtutol sa pagkakahawak ng mga kamay namin.
I remember, I felt this feeling before. And it was happened when I first talk to Lourd, the day when I first make his life miserable. But the day where my heart stops to see any man but him.
Oh my God! I love him! Damn it!
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...