Isang linggo, isang linggo na ang nakakaraan pero ganoon pa rin ang sitwasyon ni Mama. Pero iniisip ko, paano kaya kung naaalala na niya ang lahat? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Paano niya dadalhin sa sarili niya ang mga nangyari? Iniisip ko palang nahihirapan na ako, paano pa kaya kung siya? Kung ako ang nasa katayuan ni Mama?
Mag-isa akong nagbabantay kay Mama ngayon dahil nagprisinta ang dalawang mahalagang lalaki sa buhay ko na sila mismo ang mamili ng mga pagkaing masususastansya. At dahil medyo na-bore ako kahit na may TV sa kwarto ni Mama ay lumabas muna ako at nagpahangin sandali.
Mga sampung minuto lang ay muli akong nainip at naisipan kong bumalik nalang sa silid ni Mama. Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay may narinig na akong nag-uusap mula sa loob.
“Hanah, you can’t just act like you don’t remember everything. You can’t do it forever. Sasaktan mo lang lalo ang anak natin. Haydee wants a home. And she wants you to come back home as you, hindi ‘yong itinatago mo sa kaniya ang totoo. Kung ayaw mo na akong makasama, then I’ll leave but please, sto…”
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin pa ni Papa at tuluyan ko ng binuksan ang pinto na siyang ikinagulat nilang dalawa. At ngayon ko lang din namalayan na kanina pa pala naglalandas ang aking mga luha sa aking mga mata. “Ma…” tanging nasabi ko.
“Haydee…I’m sorry, honey.” Lumapit si Papa sa akin at akmang yayakapin ako pero umiwas ako at agad na tinungo ang higaan ni Mama at niyakap siya.
Hindi ako galit. I know gusto lang ni Mama na hindi ako mahirapan kaya siya nagsinungaling. Pero ngayong nalaman ko kung ano ang totoo, masaya ako, masayang-masaya ako dahil hindi naman pala siya nakalimot. She’s totally fine, at wala na akong dapat na ipag-alala. “I missed you so much, Ma.” Sabi ko sa pagitan ng aking paghikbi at mahigpit pa ring nakayakap sa kaniya. Parang ayaw ko na siyang bitawan dahil baka kung ano na naman ang mangyari.
Mayamaya ay naramdaman ko ang pagtanggal ni Mama ng kamay kong nakayakap sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko at mataman na tinitigan ako. “Haydee, I’m sorry…” pumiyok pang turan ni Mama.
Umiling ako. “No, Ma wala kang dapat na ihingi ng sorry. Ang mahalaga ngayon ay okay ka na at puwede ka ng umuwi ng bahay.”
“No, hindi mo ako naiintindihan, ako ang may kasalanan ng lahat. Sinadya kong ibangga ang kotse dahil labis kong sinisisi ang sarili ko. Dahil kung hindi dahil sa akin, sana masaya na sina Lourdes at Marco kung hindi ko kinausap ang Lolo mo na ipagkasundo kaming dalawa ng Papa mo. I was the one who’s selfish. Hindi ko inisip ang mararamdaman ni Lourdes. Kaya gusto ko nalang tapusin ang lahat para hindi ko na sila mahadlangan. Pero sa huli, tayo pa rin ang pinili ng Papa mo…”
“Hanah, minahal kita. Mahirap man paniwalaan iyon pero ‘yon ang totoo. Closure lang ang kailangan namin ni Lourdes para matapos na ang lahat kaya ako nakipagkita sa kaniya. And I know that kiss was the last. Nasaktan kita alam ko, pero mas nasaktan ko si Haydee. I’m sorry, honey.” Sabay baling ni Papa sa akin.
Muli akong umiling. “Puwede po ba akong humiling?” I ask. Tumango lang sila. “Pa, can you hold Mama and promise her again what you promised to her on the church during your wedding? Please?” nagsusumamong tanong ko.
Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Papa kaya mas lalong nagdiwang ang puso ko. Hinawakan ni Papa ang kamay ni Mama. “Hannah, I know I hurt you a lot, naging dahilan ang kahinaan ko sa muntik ng pagkasira ng ating pamilya, but thanks to our daughter, Haydee,” he paused and turned his head and look at me with smile on his lips and hold my hand too. “Thank you, Haydee for not giving up. I love both of you at hindi ko na alam kung pareho kayong mawawala sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...