Chapter 16-Boyfriend

149 6 0
                                    

Boyfriend

Yes, inaamin ko, kinikilig ako, pero sampung minuto na kaming tahimik lang na kumakain dito sa restaurant na pinagdalhan niya sa akin. Hindi ko naman kasi alam kung pa'no ko uumpisahan ang pakay ko sa kaniya kaya ko siya gustong makausap. At siya naman itong tahimik lang at ni hindi man lang magtanong. Tapos madalas ko pang mahuling nakatitig siya sa akin.

Fine, uubusin ko na nga lang ang pagkain ko bago ko uumpisahan.

Pero nakakadalawang subo palang ako ay nagsalita na siya.

“Are you going to talk to me about the wedding?” malamig ang tono ng boses niya sa tanong niyang iyon. Alam ko ang tinutukoy niya, pero hindi naman ‘yon ang gusto kong pag-usapan namin.

Natigil ako sa pagsubo ko sana. Tiningnan ko siya kaya nagtagpo ang mga mata namin. Kita ko sa mata niya ang lungkot at sakit na kanina lang ay nakangiti. “Lourd, there is no wedding. Hindi ako magpapakasal kay Howie.”

Nakita ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya. “But, you didn't stop the announcement and you…” hindi ko na siya pinatapos.

“…Lourd, yes, hindi ko pinigilan si Mama, pero hindi mo ba nakita? I was out of my mind nung inakay ako ni Howie sa gitna, at alam mo ba kung sino ang unang hinanap ng mga mata ko that time? It was you, Lourd, I want you to take me out of that nightmare, gusto kong ikaw ang humila sa'kin palayo sa lugar na hindi ko alam kung ano ‘yon, but I saw you, you can’t move just like me. But one thing I’m sure, we have same guts to get out of that place that time.”

“Haydee…”

“Sana noon ko pa sinabi sayo, sana noon ko pa pinaramdam sayo, pero na-insecure ako. Akala ko kakayanin ng puso kong kalimutan ka, akala ko sa paglayo ko, matututunan ko ding alisin ka sa puso ko, pero sa bawat araw na nahihirapan ako, naiisip ko ang dahilan kung bakit kinailangan kong lumayo. Gusto ko ‘pag bumalik ako, at mahal mo pa rin ako, hindi na ako mai-insecure sa sarili ko, na pwede mo na akong ipagmalaki dahil hindi na ako ang dating Haydee na self-centered, na spoiled brat at higit sa lahat, hindi na ako ang dating Haydee na Bully.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong hindi maiyak. Sa tuwing naaalala ko kasi yung mga panahong binu-bully ko siya, parang nararamdaman ko ang sakit nun, dahil ang babaeng minamahal niya, walang kayang isukli sa kaniya kundi ang pagpapahiya sa kaniya.

Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko. I know, kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko. “Haydee, you don’t need to be insecure on your self, dahil minahal kita kung sino ka. Oo, mali ang mga ginawa mo noon, but those are not enough para pigilan ko ang damdaming nakalaan na talaga para sayo. I tried my self to ignore it, but I always end up looking at your angelic face when you’re laughing with your friends. And I can’t stop on loving Haydee Mariella Alarcon.”

Kung dati bumibilis lang ang tibok ng puso ko, ngayon, alam ko, umalis na ang puso ko sa katawan ko. At napunta ito kay Lourd. God! Bakit ko pa pinatagal? Mahal ko siya, at hindi ko na kakayaning malayo pa ulit sa kaniya kahit siguro isang araw lang.

Naramdaman ko ang pagpunas niya ng luha ko. At ang unti-unting paglapit ng kaniyang mukha sa mukha ko. Hanggang sa magtagpo ang aming mga labi. I can feel his lips on mine. At ibayong ligaya ang nararamdaman ko. It’s not the first, pero ito ang pinaka-nakakawala ng kaluluwang halik na aming pinagsasaluhan.

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon