Chapter 10-Leaving

144 4 0
                                    

Leaving

Maaga akong nagising. Pero mas maaga pa pala si Lourd sa akin dahil pagdilat ko ng mga mata ko ay nakita ko agad ang nakangiting mukha niya.

“Good morning, Mahal ko.” Bungad niya. I know, namula na naman ako dahil sa endearment na sinabi niya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at bumangon na.

Talagang komportable na siya sa pagtawag niya sa akin ng “Mahal Ko”. Ugh, bakit ba kung kailan gusto ko ng iayos ang lahat ngayon naman siya naging ganito sa akin. “Natulog ka ba o hindi? Ba’t sobrang aga mo yatang gumising? It’s just 6 o’clock in the morning.” Sabi ko habang inaayos ko ang hinigaan ko.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod. “Natulog ako, at mahimbing ang tulog ko kaya maaga din akong nagising. Hindi tulad ng dati kong tulog, I thought I had an insomnia, but when you are in my arms, I felt complete.” Damang-dama ko ang hininga niya sa tainga ko at nakikiliti ako sa init na hatid nito. Kaya naman ako na ang lumayo sa kaniya.

“Ah, maliligo na muna ako bago kumain.” Sabi ko nalang at kinuha ko na agad ang dala kong towel sa bag ko at maging ang damit na basta ko nalang binitbit at hindi ko na tiningnan kung anong klaseng damit man iyon.

Hindi naman na siya umangal o nagsalita pa n’ong pumasok na agad ako ng banyo.

Naiinis lang kasi ako sa sarili ko dahil para akong nauubusan ng mga sasabihin ‘pag nandyan siya. Ayaw kong saktan siya ulit, pero mas masasaktan siya kung paaasahin ko siya sa isang bagay na hindi ako sigurado. I called Mama yesterday, at walang kahirap-hirap na ginawa niya ang gusto ko. Nagtaka man siya sa desisyon ko, hindi na rin siya nagtanong ng kahit ano. Kaya naman pumayag nalang din siyang i-spend ko ang isang buong araw kahapon kay Lourd. I know I need to spend more time sa family ko, dahil iyon naman ang gusto ko, pero kailangan ko rin mag-mature. I need to be independent, at huling hiling ko na kina Mama ito. Kailangan kong gawin ito hindi lang para sa sarili ko kundi pati sa mga taong nakapaligid sa akin.

Pagbaba ko ay napatingin agad sa akin si Lourd at laglag ang panga. I know why, dahil sa suot ko. Well, sabi ko nga kanina, hindi ko na alam kung ano ang nabitbit ko sa banyo kanina, kaya eto ang resulta, loose shirt pero may striped siyang butas sa magkabilang gilid kaya kita pa rin ang balat ko. At isang maiksing shorts na may design na butas sa tapat ng legs ko.

“Can you wear something that can hide your skin? Kahit na tayong dalawa lang ang nandito, ayaw ko paring ganyan ang suot mo.” Biglang sabi nito nang makabawi.

Aba, makapag-demand parang boyfriend lang ah? “Don’t worry, magpapalit din ako mamaya, before tayo umalis, but for now, I just want to eat first, I’m starving really.” Sabi ko at dire-diretso ako sa hapag.

Naghanda siya ng scrambled egg, bacon, ham and fried rice. May hot choco pa at umuusok pa ito sa tasa.

“Ikaw ba ang nagluto ng mga ito?” tanong ko habang siya ay napapailing nalang.

Sumubo muna siya bago nagsalita. “Yeah, because I don’t want anyone prepares for your breakfast but me.” seryosong sabi niya ng hindi man sumusulyap sa akin.

Napangiti naman ako sa asal niya. And he’s so sweet. “Thank you. But that’s impossible, may yaya ako.” Nakangiting sabi ko naman.

“But when I’m around, I want you to eat the one that I prepared.” Hirit pa niya.

Ngumiti nalang ako at tahimik kaming kumain. At pagkatapos ay nagbihis na ako nang medyo disente. Ewan ko ba, dati naman akong nagsusuot ng mga ganun, kaya nga ako may damit na ganun pero isang salita lang niya, ayun at sinusunod ko na. Haayyy, malala na ito. Kailangan ko ng tapusin bago ko pa maisipang hindi ituloy ang plano ko.

Tahimik din kaming nagbiyahe. Minsan ay sumusulyap ako sa kaniya. Pero madalas ko siyang mahuling sumusulyap sa akin tapos nagbabawi din ng tingin at binabalik agad sa daan ang tingin niya.

Pero nang makarating na kami sa tapat ng bahay ay may naramdaman akong bigat sa dibdib ko. Parang ayaw ko ng umalis at bumaba sa sasakyan niya. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko ang mabibigat niyang hininga.

“Ah, L-Lourd…” okay, I need to calm myself.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Thank you for letting me, for letting me show my feelings for you, and sorry dahil pinigilan ko si Mommy na sabihin kay Tita Hanah ang lahat na dahilan kung bakit hindi ka nila nabig…” I stop him through my kiss.

Bahala na, basta huli na ‘to. I love him that is why I need to do this. “Don’t say sorry. Just say you love me. That’s enough for me.” sabi ko nang humiwalay na ako. “I need to go, remember, being with you was the best thing happened in my life.” I smiled at him before I jump out of his car. Hindi niya ako dapat makitang umiiyak. And I don’t want to see him hurt again.

Narinig ko ang pag-alis ng kaniyang sasakyan.

Dumiretso ako sa kuwarto ko at laking gulat ko nang nandoon sina Mama at Papa. “Ma, Pa? A-akala ko nasa Isabela kayo until now? I-I thought bukas pa ang uwi niyo?” gulat na tanong ko.

Tumayo si Mama at inakay ako paupo sa paanan nang aking kama. “Haydee, honey, we’re worried about your decision. Is this really what you want?” worried na tanong ni Mama. I know, ngayon lang kasi ako lalayo sa kanila kahit na sila ang laging wala, alam naman nilang nandito lang ako at kasama ko ang mga yaya ko.

Tumango ako. “Ma, Pa, I need to grow and I want to do it on my own. I’m sorry if I became so selfish about your attention, but I want your permission to let me go on my way.” Sabi ko sa kanila at palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Hindi na napigilan ni Mama ang pagtulo ng luha niya. Samantalang si Papa ay tahimik lang sa isang tabi. “But, how about, Lourd?” biglang tanong naman ni Mama habang pinupunasan niya ang kaniyang luha.

Tumungo ako. “Ma, don’t tell him about this, hangga’t hindi ako nakakaalis patungong US.” Matigas kong sabi pero halos bumigay na ang boses ko.

Tumango lang si Mama at niyakap ako. “When you get there, don’t forget to call us, honey. And make sure you eat your meal correctly.” Ayan na naman si Mama, well, dahil sa kagustuhan ko silang makasama hindi ko napansin na ginagawa nila ang lahat para sa akin. Masyado akong nabulag ng pagiging spoiled ko at self-centered ko.

Ngumiti ako kay Mama. “Don’t worry, Ma, Pa, I’ll always call you whenever I have time there.” Sabi ko naman.

“Tomorrow’s your flight, honey, take more rest today.” Matigas na sabi ni Papa. I know, kahit hindi niya sabihin, maging siya ay nag-aalala.

Tumayo ako at lumapit sa kaniya at niyakap siya. “I’ll be fine, Pa.” sabi ko.

At nang kumalas ako ay nakita ko ang pamumula ng mata ni Papa. “Our baby’s not really a baby now.” Sabi pa niya na siyang nagpalabas ng kanina pang luhang pilit kong pinipigilan.

“Pa? Don’t make me cry, I’m not leaving yet?” Sabi ko sabay tawa.

“We’re sorry, honey.” Sabi pa ni Papa at lumapit na din si Mama at hinawakan niya ang isang kamay ko.

“I understand, Pa, and I also sorry, for giving you both headaches.” Sabi ko nang nakangiti na.

“You’re really leaving, Baby?” tanong ulit ni Mama.

“Ma? I need to, don’t worry, I’ll keep in touch.” Sabi ko nalang. Alam kong kinukumbinsi nila akong manatili nalang. Pero buo na ang desisyon ko.

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon