Chapter 13-Howie

142 4 0
                                    

Howie

            “Lourd, babe!!!.”

            Sabay kaming napalingon ni Lourd sa nagsalita. Aaminin ko, dahil sa narinig kong ‘yon, pakiramdam ko, namatay ako.

            “Ay, mga mukha niyo, para kayong namatayan, di'ba dapat masaya? Uy, ano? Bagay ba? Biro lang ah, baka kasi may magalit.” Biglang sabi ni Ate Lorea. Ate ni Lourd. Matagal ko din siyang hindi nakita. Samaan pa ng dalawang taong pagkakawala ko dito sa Pilipinas.

            Lumapit siya sa amin at niyakap ako ng mahigpit. Wohooo…akala ko may karibal na ako. Nakahinga ako doon. “Ate, Lorie, I missed you.” Sabi ko ng kumalas na din siya.

            Ngumiti siya. “Naku, miss din kita pero may isang tao kasing sobrang miss na miss ka..” sabi ni ate at sumulyap ito kay Lourd na halos ayaw ng tumingin sa akin. Nakita ko pa siyang namula. Cute… “By the way, pinapatawag ka nga pala ng parents mo, welcome party mo ‘to nandito ka sa loob.” Patuloy ni ate Lorie. “Hey, Lourd, ikaw ang escort niya, ba't di mo siya ihatid don?” tinaasan pa ni ate Lorie ng kilay si Lourd. Ang cute nilang magkapatid.

            “Stop talking, Ate, actually before you showed up, palabas na kami.” Sagot naman ni Lourd.

            Ate Lorie rolled her eyes at him kaya natawa nalang ako. “Tara na nga lang sa labas.” Sabi ko nalang at nauna na akong naglakad.

            Pero bago pa ako tuluyang makatapak sa pinagdadausan ng aking welcome party ay naramdaman ko na ang kamay ni Lourd sa kamay ko. “Just hold my hand.” Bulong niya. Pero hayan na naman ang puso ko na OA sa pag-tibok.

            Tiningnan ko siya at nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam pero akala ko okay na ako, pero mas lalo kong napagtanto na, ang isa pang hindi nagbago sa akin ay ang nararamdaman ko sa kaniya.

            “Ladies and gentlemen, the Heiress of M2H Corporation, our daughter, Haydee Mariella Alarcon.” Si Mama iyon. Akala ko konting pagsasalo ‘to at welcome party ko lang, pero bakit parang iba?

            Kahit na iba ang feeling ko, nginitian ko pa rin ang mga bisita bago kami tuluyang nakalapit kila mama.

            “Welcome Back, Honey.” Sabi ni Papa at niyakap ako. Strange, anong meron?

            Naramdaman kong bumitaw na si Lourd sa kamay ko, ayaw ko pa sanag bitiwan ang kamay niya, pero nang tumingin ako sa kaniya, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at tiningnan sila Mama at Papa. “Ma, Pa, a-anong meron? I –I thought it’s just a simple party?” bulong kong tanong sa kanila.

            Nagkatinginan sila. Pero mayamaya pa ay si Mama na ang nagsalita. “Honey, I hope you’ll understand.” Pagkasabi niyon ni Mama ay muli niyang itinapat sa bibig niya ang microphone at muling nagsalita. “Since we are not getting any younger, and since, Haydee is our only daughter, and she’s not yet ready to handle all our companies…” kinabahan na ako sa sinasabi ni Mama kaya napahigpit ang hawak ko kay Papa. Pero tahimik lang naman siya sa tabi ko. “…But before she was born, my husband and I had an agreement with my bestfriend Lourdes Montaniel, na ang mga panganay namin ay ipapakasal namin sa isa’t-isa, since we only have Haydee, Lourdes have two sons and a daughter…” napasinghap ako sa sinabi ni Mama. Arranged marriage? What the…No! As in NO! “….So may we call on, Howie Lance Montaniel to come over here, my daughters Fiancé.” Nakangiting sabi ni Mama.

            Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako o hindi, I don’t know na may Kuya pala si Lourd, pero, bakit? Hindi ko naman inayawan ang alok ni Papa. NO! Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko naman kilala at lalong hindi ko naman mahal. Iisang lalaki lang ang nagmamay-ari ng puso ko, at hindi ko matatanggap ‘to.

            Nakita kong lumapit ang sinasabing kapatid ni Lourd na si Howie, kamukha niya ito, halos magkasing-tangkad lang sila ni Lourd, overall, perfect siya, pero hindi sapat ‘yon para pumayag ako sa gusto nila.

            “Pa, Ma, what’s this? NO! You can’t force me to marry someone I didn’t know.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napalakas na ang boses ko, natigilan ang mga taong nagsisipalakpakan.

            “Haydee, it’s for your future.” Sabi ni Mama.

            “Future?” I laugh at her between my tears. “Manghuhula ka na ba, Ma? It’s not for my future; it’s for your business’ future. Ma, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, at basta mo nalang malalaman na ikakasal ka na, ano kaya ang mararamdaman mo? Oh! Ganun nga pala ang ginawa nila Lolo sa inyo ni Papa. Well I guess, hindi naman dapat na ipasa niyo din ito sa akin. It’s not your generation anymore, Ma. And I have my own decision; I have my own life at wala kayong karapatan o kahit na sinong magulang na pangunahan ang desisyon ng mga anak nila. Parents are the one, who’ll support their children, to guide them.” Natahimik sila mama, pero nakita kong nangingiti si Howie sa gilid. “Everyone, thank you, sa pagdalo, but sad to say, hindi po ako sang-ayon sa mga sinabi ng Mama ko. I’m sorry Tita Lourdes, and sayo din Howie.” Nakita kong ngumiti si Tita Lourdes, at si Howie naman ay nag-thumbs up pa sa akin.

            Dumiretso ako sa loob ng bahay. I don’t want to talk to them, wala silang karapatang pangunahan ang mga desisyon ko sa buhay. Hindi nila dapat iyon ginawa. Ayaw ko silang makitang napapahiya, pero mas ayaw ko ng ginawa nila.

            “Nice to meet you, anyway.” Napatigil ako nang biglang may magsalita.

            Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang nakangising si Howie. “Nice to meet you…too. H-hindi ko alam na may isa pa palang kapatid si Lourd at Ate Lorie.”

            “Well, now you know. By the way, kagagaling ko lang din ng US, at nagulat din ako, sinabi lang sa akin ni Lourd kanina. Actually hindi din ako pabor dito…” may sasabihin pa sana siya pero pinutol ko na.

            “Wait, alam ni Lourd ang tungkol dito?” tanong ko.

            “Yeah, sa kaniya ko nga lang nalaman kanina eh.” Kibit-balikat na sabi niya.

            Nakakainis, kaya pala kakaiba na ang kilos niya kanina. Ni hindi man lang niya ako binalaan. Kung ganun humanda kang Lourd ka. Aalis na sana ako nang magsalita ulit si Howie.

            “I know what Lourd’s feel for you.” Anito.

            Napatigil ako at parang tumigil ang pintig ng puso ko. Muli ko siyang binalingan.

            Ngumiti lang siya sa akin. “But I don’t think he deserves you.”

            Pagkasabi niya nun bigla nalang siyang pumihit patalikod at umalis. Ano’ng ibig niyang sabihin? Hindi naman sa nagmamayabang pero, no way! May gusto rin ba siya sa akin?

Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon