I’m all alone
Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan at nabibingi na ako sa katahimikan. At talagang napakatahimik ng lalaking ‘to? Sabagay mas okay na ‘yon kesa naman maging madaldal siya, hindi bagay sa kaniya. Although kahit saang anggulo eh guwapo siya, para sakin mas malakas ang appeal niya ‘pag tahimik siya at seryoso. WAIT! Did I just say that? Bakit ko siya pinupuri? Erase! Erase! Erase!
At dahil yata sa pag-iling ko kaya nagising ang kaluluwa ng katabi kong driver. “What’s wrong?” tanong pa niya pero hindi naman siya tumingin sakin. Bwisit! Huh? Ano bang nangyayari sakin?
“Nothing! Naiinip lang ako kasi walang maingay.” Sabi ko nalang at humalukipkip.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagngisi niya. Mas dumoble pa ang bilis ng pintig ng puso ko ngayon dahil sa simpleng ngiting ‘yon. My gosh, what is really happening to me?
At dahil siguro sa kainitan ng ulo ko, hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe at eto at naramdaman kong may kung anong malambot na bagay ang tumatapik sa pisngi ko.
Pero bigla nalang akong napaayos ng upo ng malamang si Mr. Manhid ang kanina pang nanggigising sa akin. “S-sorry, nakatulog ako.” Sabi ko nalang at inayos ko na ang buhok kong alam kong parang pugad na ng ibon sa gulo.
There it is again, his smile. “It’s okay.” Maiksing sambit niya at kitang-kita ko ang ngiti niya na umabot hanggang mata. Gosh, ang ganda nga talaga ng mga mata niya. Huh? I said don’t say good things about him.
“I gotta go, and thanks for the ride, don’t worry, hindi na mauulit ‘to. Pasensya na sa abala.” Sabi ko nalang ng hindi siya tinitignan sa mga mata at akmang bubuksan ko na ang pinto ng kaniyang kotse ng bigla nalang niya akong hinawakan sa braso kaya napalingon ako sa kaniya. “What?” tanong ko pero hindi ako galit.
“Hindi ka man lang hihingi ng sorry sa ginawa mo kanina?”
Napasinghap ako. I know, I did something worst kanina, pero ayaw kong mag-sorry sa kaniya.
“I get it. Natutuwa ka kapag nakikita mong nasasaktan at nahihirapan ako. Ano bang ginawa kong mali para ipangalandakan mo sa lahat kung gaano ka kagalit sa akin? Because when you started treating me like your toy, I began to ask, what’s the reason why? Until now, I got no answer.” Hindi ko siya maintindihan at lalong hindi ko na rin maintidihan ang sarili ko. May nakikita kasi akong lungkot sa mga mata niya habang nakatitig ako sa kaniya.
I can’t move, I feel like, I was caught off guard. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong niya. Walang pumapasok sa isip ko. “I-I need to go.” Sabi ko nalang at bigla naman na niyang binitiwan ang kaniyang kamay na nakahawak sa braso ko.
Agad akong bumaba at walang lingon-likod na dumiretso papasok sa may gate dahil agad naman iyon binuksan ng guard namin. But that was so strange, he knows where I live? Of course, magkaibigan nga pala ang mga magulang namin.
Pero bago pa ako tuluyang dumiretso sa loob ng bahay, nakita kong malungkot ang mukha niya bago tuluyang pinaandar paalis ang sasakyan niya.Ano’ng meron?Hindi naman siya ganun dati? Nagkibit-balikat nalang ako at binalewala ang mga iniisip ko. I was just imagining things na imposibleng mangyari sa totoong buhay lalo at…I admit, I’ve been so harsh on him since then.
Pero napatigil ako, ano ba talaga ang dahilan kung bakit ganun nalang ang mga ginagawa ko sa kaniya? What’s the reason why I’m that so bad on him?
Wala akong napalang sagot sa mga tanong ko kahapon kaya heto ako ngayon. Hindi pa rin mapalagay sa mga tanong na ‘yon na bigla nalang gumulo sa isip ko.
Nandito ako ngayon sa tambayan ni Mr. Manhid. Good thing he’s not here yet. I need to think and refresh my mind. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
Almost an hour pa akong nanatili dito ng maisipan ko ng tumayo at 15 minutes nalang din kasi ay ang susunod ko ng subject. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa lugar na ‘yon ay may humarang na sakin na isang grupo ng kababaihan.
“Oh! There you are, the most popular daughter of this school and most especially the famous anti-Lourd girl.” Nakapameywang na sabi ni Klesha. Iww, ambantot ng pangalan. I know her, naging classmate kami dati sa isang subject pero isa kasi siya sa mga pro-Lourd at tinitilian pa ito pag nakitang paparating na ito.
“Uhuh? I know that, but please, don’t ruin my day. You stupid bitches!” sabi kosa kanila at akmang didiretso na ako ng lakad ng bigla niyang hablutin ang braso ko.
I can feel it. I know it hurts dahil namumula ngayon ang braso kong hawak niya. “Sino sa tingin mo ang bitch sa atin? Sa mga ginagawa mo kay Lourd ano sa tingin mo ang tawag dun? Oh! Ano bang tawag sa mga ganun? KSP? Hmmm…I’m sorry to say this pero maging ang mga kaibigan mo mukhang bumaliktad na.” sabay tingin niya sa isang grupo na may hawak-hawak na tarpaulin at may nakasulat na “We love you, Lourd Henry Montaniel.”
“Haha, you don’t have friends now my dear Haydee, so better watch your actions.” Sabi pa ni Aileen. Well, halos lahat ng mga estudyante dito ay kilala ko na. Pero siyempre, I don’t care what they are talking about; all I care for now is my next class.
I fake a smile at them. “Done? Okay, thank you for those words. Really appreciate it.” Pero hindi pa ako tuluyang nakakaalis ay may nagsaboyna ng tubig sa harap ko. At hindi lang siya simpleng tubig. Gosh, a water from manong Janitor at nakita ko pang hinahabol nito ang mga estudyanteng kumuha ng timba niya.
Okay, I’m a mess now; I can’t go to my next class with this. Pero ang mas masakit, lahat sila nagtatawanan. Lahat sila nakatingin sa akin. Wala akong kakampi, I’m all alone here. They’re laughing at me. At may isa pang grupo na tinapunan ako ng balat ng saging sa mukha. That hurts, but there’s this one thing that I realized. I know what Lourd feels when he was bullied by me.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...