I need to find Myself
Hindi na ako nakapagsalita. Dahil sa sinabi niya hindi ko na alam kung paano ko pa siya kakausapin kaya kumain kaming tahimik. Hindi na rin kasi siya umimik.
Andami niyang dalang mga pagkain. Mga prutas at kung anu-ano pang hindi ko na maisa-isa pa. Nauna akong natapos sa kaniya.
Pagtayo ko, halos mapatalon pa ako ng bigla siyang magsalita. “Ang hina mo palang kumain? No wonder you’re so sexy. Alagang-alaga ang katawan mo.” Walang prenong sabi nito.
Tiningnan ko siya pero bumaling na agad siya sa pagkain niya at prenteng ngumunguya. Sa totoo lang, parang ayaw ko ng itext sila mama na hindi ako uuwi mamayang gabi sa bahay. Pero, nakakaguilty din kasi, kanina kasing tinext ko siya wala man lang tutol ang mga ito. At talagang enjoy pa ang sinabi ni Mama. “Mamimitas lang ako ng mangga.” Inis na sabi ko sa kaniya at mabilis akong tumakbo papunta sa Orchard.
Hindi naman ako aakyat. Hello! May panungkit naman kaya. Tinanong ko si Lourd kanina kung bakit walang katiwala ang bahay niya. At ang sagot ay meron daw, kaya lang sinabihan daw niyang mag-day-off muna ngayon. Haaayyy! Talagang plano na niya ito.
After ten minutes ng panunungkit ko, dalawa palang ang nakukuha kong bunga. Hilaw kasi ang gusto ko at ayaw ko ng hinog. At hindi ko alam na mahirap palang manungkit, nakakangalay ang nakatingala. Pero nakaramdam ako ng mga matang nakatitig sakin. At paglingon ko ay nakita ko si Lourd na parang, amazed na amazed siya sa ginagawa ko.
“You look hot.” Biglang sabi niya. Na alam kong ikinapula na naman ng pisngi ko kaya nag-iwas na ako ng tingin sa kaniya.
“Stop staring at me and help me here.” Sabi ko at tumalikod na sa kaniya bago ipinagpatuloy ang panunungkit.
Tahimik naman niya akong tinulungan hanggang sa isang basket na ang nakuha namin. Balak ko itong iuwi at sa bahay na kainin.
Pagkatapos naming mamitas ay nilibot namin ang buong Manggahan. Ang lawak pala nito. may lawak itong limang ektarya sabi ni Lourd.
Ilang oras palang kaming nag-i-stay dito pero pakiramdam ko matagal na. Dahil pakiramdam ko, dito na ako nakatira. At gusto kong dito na tumira kasama ang magiging pamilya ko.
Napapikit ako at nag-imagine. Pero tanging mukha ni Lourdang nakikita ko kaya napadilat ako. At mas lalong lumaki ang mata ko ng napakalapit na pala ng mukha ni Lourd sa mukha ko.
“Stop doing that or I’ll kiss you again.” Sabi niya at siya na din mismo ang umatras.
Napabuntong-hininga ako. Grabe, hindi ako huminga dun. Hindi na natigil ang pagbilis ng puso ko dahil sa kaniya. Magkakasakit na yata ako sa puso.
We spend the day together. Marunong din pala siyang magbiro. Hindi halata sa itsura, para kasing mas bagay sa kaniya ang seryoso, pero gumuguwapo siya pag tumatawa.
Ng gumabi na ay ipinasya naming sa loob nalang ng bahay mag-stay. May pasok bukas pero aabsent na muna ‘to. Minsan lang naman hindi pumasok eh, at kasama ko pa siya sa kalokohan.
“Ayaw ko ng matapos ang araw na ‘to.” Biglang sabi ni Lourd habang ako ay seryosong nanonood ng TV. Kakatapos lang din namin kumain.
Napatingin ako sa kaniya na seryosong nakatitig sa akin at hindi sa TV. “Lourd?” tawag ko sa pangalan niya.
“I don’t know, but I feel something will happen. At ayaw ko ang pakiramdam na ‘to, na parang, hanggang dito nalang ‘to. I’m not forcing you to be part of my life, but I want you to. Haydee…” pinutol ang sasabihin niya.
“Lourd, I’m sorry.”
“Don’t say that, damn it!” napatalon ako sa mura niya. Kita ko ang sakit sa mga mata niya. Pero hindi pwede. I don’t deserve him.
“Lourd please, let’s just be friends.” Halos pumiyok ako pagkasabi niyon.
May namuo ng luha sa kaniyang mga mata. At parang may nagbara sa lalamunan ko. I can feel him, shit! “Haydee, bakit kailangan sayo ko paulit-ulit maramdaman? Hindi ba puwedeng, pagbigyan mo muna tayo? Kahit ngayong gabi lang, kunyari mahal mo din ako? Kasi ako, mahal na mahal kita.”
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Kung nasasaktan siya, ako din, pero ito ang tama, kailangan ko munang ayusin ang problema ko, kailangan ko munang matuto. At kung ako pa rin ang mahal niya pagdating ng panahon, magiging Masaya ako, pero kung hindi, magiging Masaya pa din ako, dahil alam kong nakaya niya ang magmahal ng iba ng hindi ko na ulit siya nasasaktan. “Lourd, please, I don’t want to hurt you.”
“But you’re hurting me now.” Basag ang boses na sabi niya. Oh God! Ano bang gagawin ko? Mahal ko siya pero hindi iyon sapat para makalimutan ko mismo sa isipan ko ang mga nangyari noon. Kung sa kaniya wala lang iyon, sa akin meron. Dahil ako mismo, hindi ko pa napapatawad ang sarili ko.
“Lourd, I need to find myself. Kung ikaw madali mo akong napatawad sa kabila ng mga nagawa ko sayo, pero ako, hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko.” Sabi ko habang kinakalma ko na ang sarili ko.
“Then don’t say sorry to me. Na parang aalis ka rin.” Sabi niya.
Napasinghap ako sa sinabi niya. Pero hindi pwede. Kailangan kong gawin ‘to. Tumango nalang ako sa kaniya. “Hindi naman ako aalis eh, saan naman ako pupunta? Hello, gabi na kaya.” Sabi ko pa at pinilit kong tumawa.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.” Seryoso pa ring sabi niya.
“I know! At hindi mangyayari ‘yon, kung mangyayari man ‘yon, may mabigat na dahilan.” Sabi ko sabay lunok ng kanina pang nakabara sa lalamunan ko.
“Tabi tayong matulog?” biglang sabi niya.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. “L-Lourd, a-ano…k-kasi…” ano ba, bakit ba nauutal ako, ano ba kasing iniisip ko?
Ngumiti siya. Sa wakas ngumiti na rin siya. “Hey! Wala tayong gagawin, gusto ko lang makasiguro na hindi mo ako tatakasan ngayong gabi. I just want you in my arms.” Pagkasabi niya nun dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. He’s going to kiss me again, but now, I’m going to kiss him back.
Nakapikit na ako ng wala akong maramdamang labi niya sa labi ko. Pagdilat ko nakita kong hawak na niya ang remote na kanina ay nasa likod ko at bigla niyang pinatay ang TV.
Ngumiti siya sa akin. “Matulog na tayo, gabi na. kailangan nating umuwi bukas dahil baka ‘pag nagtagal pa tayo dito mas lalong hindi ko mapigilan ang sarili ko at ibahay ka nalang dito.” sabi niya at tumawa bago tuluyang tumayo.
“Lour Henry Montanniel!” sigaw ko sa pangalan niya at hinabol siya paakyat sa kwarto. At siya naman ayun, nagpahabol naman hanggang sa makarating na kami sa isang silid. Kitang-kita ko ang luwang nito. ang makalumang style nito tapos ang mga gamit, talagang gayang-gaya ang mga lumang kagamitan noong sinauna na makikita nalang sa mga totoong lumang bahay na priniserve ng mga nagmana ng mga iyon.
At dahil natulala na ako sa ganda ng silid ay hindi ko na namalayan na nakalapit na sa akin si Lourd. Tumindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng niyakap niya ako mula sa likuran at ramdam ko din ang mainit na hininga niya sa tenga ko.
“L-Lourd, s-sa kabilang silid nalang ako matutulog.” Sabi ko pero hinayaan ko lang siyang yakapin ako.
“Matutulog lang tayo, trust me.” sabi niya sa tenga ko at saka niya ako binitawan.
Okay, I trust him, pero pano kung sarili ko mismo ang hindi ko pinagkakatiwalaan? Damn it, kasama ko ngayong gabi, si Lourd Henry Montaniel, at sa iisang silid pa. and take note, walang ibang tao dito sa bahay. Wooohhh…kailangan ko ng hangin.
BINABASA MO ANG
Ako'y Sayo, Ika'y Akin Lamang-Completed
RomanceNasa kaniya na ang lahat, maganda siya, mayaman, head turner, pero iisang lalaki lang ang napapansin niya. At 'yon ay ang paborito niyang i-bully na si Lourd Henry Montaniel. Pero paano kung kahit na anong klaseng pambu-bully ang gawin niya ay walan...