Lost child

75 2 0
                                    

Uwian na namin sa school and I feel so sad kasi wala si Gian. Yung feeling na nasanay ka na lgi siyang nndyan then all of a sudden mawala.

Tumatawag naman siya from time to time since he left for Thailand. Madalas kami nagffacetime. Hehehe OA ko na noh. Parang kakaalis lang niya kahapon then to day I feel so lovesick. Ugh!

Nalalaloka na talaga. Wala sa sarili akong nagpunta sa caf para hintayin sila Pearl at A! I asked them to watch a movie with me.

Habang hinihintay ko na sila.

Babe Calling..

Agad ko namang sinagot ang tawag niya

"I miss you babe." malambing na bati niya at halos sumabog na ako sa sobrang lakas ng kalabog sa dibdib ko. Ano ka ba Sha?!! Boyfriend mo na yan.. Lukaret

"I miss you more kung alam mo lang how lovesick I am" sabi ko naman

"I wish matapos na agad ang meeting namin at makuha namin yung deal para makasama na kita. " paliwanag niya

"Sana nga. Oo nga pala, manonood kami ng sine nila Pearl today. Hope you don't mind." paalam ko sakanya

"Of course I don't. Enjoy yourself.. and Shaniah, Always remember that I really love you. Sana kahit na anumang nagawa ko sa past mapatawad mo sana ako." seryosong sabi niya

"uy bakit naman ganyan  ka magsalita?" kinakabahang tanong ko

"Wa-wala naman. Babe, may babalikan pa naman ako pagbalik ko di ba..?" masuyong sabi niya

"O-oo naman.. Babe wag mo naman akong pag isipin okay? Basta mahal na mahal kita. I love you.. Saranghe! mua mua" pabirong sabi ko nalang dahil ayokong pansinin ang pagiging seryoso niya ngayon. Natatakot ako sa mga sinasabi niya.

"I love you since I met you. Sige babe.. I will call you later. Ingat ka. " paalam niya

Pinutol ko na ang usapan namin. Nakita ko agad na pumasok si Alvin sa caf at lilinga linga. Tinaas ko naman ang aking kamay para kawayan siya

"GIRRRL!!" matalim na tili niya. Agad siyang lumapit para makipagbeso sakin.

"Oh ano tara na." Akmang tatayo na sana ako

"Nako girl.. bff.. Besh.. Beshie.. o kung ano oang aga kaek ekan yan.. Shutanames! ma forgivesung mo sana ako xopotembang.. Di me makakagorabels at malulucresia ako..duty ko sa jospital.. Sorry talaga.." paliwanag niya

kay guys eto un translation (Girl.. bff.. besh.. beshie.. o ano man yan Putang ina! Mapatawad mo sana ako, kapatid di ko makakasama sainyo dahil may duty pa ako sa ospital..) ohh ano gets niyo na..

Yan si Alvin may degree na yan na Doctorate sa kakaimbento ng mga gay lingo niya at Cum Laude pa

"Hmm.. ano ba yan.. sige.. Keri ko na ito, te." sabi ko naman sakanya..

"Oh baklush, Gorabels na ko at magdduty pa ko. Walang borlogan ito. Pagoda Harrison na naman ang lola mo jukas." sabi niya sabay hair flip pa ang gaga

Nagpaalam na si Alvin at tuluyan na syang umalis. Nakatanggap naman ako ng text galing kay Pearl.

Pearl: Sha, Wait mo nalang ako sa mall. Medyo malalate ako e.

Pagkatanggap ko ng text ni Pearl at agad kong inayos ang aking gamit at nagpunta sa parking lot kung saan nakaparada ang sasakyan ko.

"Ano ba namang buhay to.." pagrereklamo ko nang mahulog ang susi ko. "Gian. Miss na miss nakita." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

Miss na miss ko na si Gian. Yung amoy niya. Yung tawa niya. Yun mga mata niya. Yun korni niyang jokes. Lahat. Yun buong pagkatao niya na bumubuo sa pagkatao ko ngayon.

Nandito na ko sa kotse at nagddrive papunta sa mall. Hindi ko agad naialis ang mata sa Billboard.

Cherish the moments until you still can

Bigla kong naalala yun mga sinabi ni Gian kanina. Sana naman ay wala lang ito. Napaparanoid lang ako. Imposible naman na iwan at hindi na niya ko balikan. I trust him.

Alam ko na kahit na kailan ay hindi niya ko iiwan dahil nangako siya sakin. Pag nagmamahal ka dapat nagtitiwala ka. Good vibes dapat lagi.

Siguro nga ay napapraning lang ako sa mga naiisip at nararamdaman ko. Tamang pag eemo lang siguro talaga si Gian kanina. ARTISTA talaga yun

Nandito ako sa J.Co waiting for Pearl to arrive. This is my favorite donut. Ang sarap niya kasi. Hindi sa nagppromote ako ha. Masarap talaga siya. Tamang tama lang. Unlike.. kris.... ayy sorry baka idemanda ako ng krisp... ooppps hmp.. basta yun na yun.

Habang nageenjoy ako sa pagkain ng donuts naring ang phone ko at nakita ko na nagtext si Pearl. Nasan na kaya ang bruha

Pearl: Shaniah sorry di na ko makakahabol. Di ko pa tapos yun mga plates ko.

Punyeta. Tae naman ohh.. Bat ganun?!! Minsan di lang jowa ang paasa e. Pati mga Tropa paasa.. Langya..

yung tipong nasa meeting place ka na tas sasabihin di kayo tuloy.. Hmmm.. nakakakulo ng dugo.

So no choice ako kundi magisang maglakad lakad sa mall.. PUTAkte naman talaga. Tinapos ko na agad ang kinakaen kung donut at inayos na ang aking mga gamit.

Magsshopping nalang ako. Humanda kayong mga babaita kayo. Maiinggit kayo sa mga outfit ko. Hahaha.. I said to myself.

Nakailang ikot at bag na rin ang napamili ko. Bleeh to Alvin and Pearl. Loser. Napikon kasi talaga ko sa pangiindian nila sakin. Habang naglalakad lakad ako.

"wag ka ngang umiyak." sigaw ng isang babae sa isang bata na umiiyak sa harapan niya. Ano ba naman itong babae na ito. Aanak anak di naman marunong mag alaga

"What?! Hindi ako speak in fluent tagalog e. And don't shout. That's mean" paliwanag ng bata sa kanyang kausap. Anak niya ba yun?! At juice colored.. ENGLISH ACCENT

"Stop following me, brat!" sigaw pa niya sa bata kaya lumapit na ako.

"I am not a brat. Just help me find my dad." sabi niya at mas lalo pang umiyak

Sasagot pa sana ang babae pero lumapit na ako at kinausap ang bata. Nakita ko pa siyang nag stuck ng tongue out sa bata.. bwiset..

"What's your name? I can help you" malumanay na sabi ko

"I am sofia. I am lost. Help me find daddy P. pls." sabi niya. Naks mukang nawawalang anak ni Piolo ito. Maganda ng bata at tantya ko nasa 5 years old na siya.

"Sure. I am Shaniah. Come and let's go to the information center. They can help us find your dad" paliwanag ko sakanya.

Agad kaming nakarating sa information center at habang papasok kami rinig na rinig ko at pagtaas baba ng boses ng isang lalaki sa loob

"Mang Ising, saan nyo po ba iniwan si Sofie?!!"  padarang na tanong ng lalaking nakatalikod sa amin

Sir.. sorry po.. sorry po.. Hi-hindi ko.. naman po.. sinasadya.." nagmamakaawang sambit ng matandang babae..

"Hindi nyo mapapa-" hindi na niya naituloy pa ang kanyang paglilitanya

"Daaad!!" masiglang tawag ng bata sa lalaking nakatalikod sa amin.

Humarap siya at niyapos ng mainit na yakap ang kanyang anak.  Tumayo ang lalaki at humakbang papalapit sa akin.

Nangmakalapit na siya ay hindi na maalis ang pagkagulat sa kanyang muka.

Hindi namin inaasahan na magkikita kami, Hindi ko inaasahan na makikita ko sya. Parang tumakas ang lahat ng dugo ko sa katawan ko at naestatwa na ko sa kinakatayuan ko. Siya ba talaga ito.. At ang bata.. tinawag siyang DAD?!!

Nakatay parin siya sa aking harapan at mukang hindi niya mahanap ang kanyang sasabihin sa akin.

"Sha-shana..." maliit na boses na kumawala sa kanyang bibig

Hindi ako agad nakasagot. at pilit na pinoproseso ng aking isip at puso ang nangyayari

"P.. Pau- Paulo.. " mahinang sabi ko

MY CHILDHOOD SWEETHEART'S BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon