Leaving?

81 0 0
                                    

Nakauwi na kami ni Gian from Subic. Nandito na ko sa kwarto ko ngayon at hindi pa rin ako makapaniwala na KAMI NA TALAGA. Ewan ko ba. It just happened. Hindi naman niya ako pinilit. I just loved.

Tulad ng sabi ni mama. just love and don't mind the whatifs. Ang pagmamahal nga ay hindi pumipili ng edad, ng pagkakataon, mayaman man o mahirap. It is like a disease, kahit na anong iwas mo tatamaan at tatamaan ka pa rin. If it would be a disease it would also be a cure. Cure nga talaga ang pagmamahal sa ,ga pusong pagod, pusong sugatan, pusong nasaktan, pusong puno ng galit at mga negatibong pakiramdam sa buhay.

Wow since when I had become a reflective person. Hehe. Di kasi ako makatulog. Naiisip ko pa rin si Gian. Ang kulit nga nya kanina e.

flashback

"tayo na ba talaga?" masayang tanong ni Gian

"My Gosh. Pang nth time na tanong mo na yan. Paulit ulit ka." natatawag sagot ko sakanya

"Yes.. Yes.. wohhooo.. Oh damn.! babe you don't know how happy I am..

Napatigil ako sa pagmumuni muni ko ng maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko..

Babe calling..

Sinagot ko naman ako ang phone ko and I heard his baritone voice over the line.

"I can't sleep babe." malambing na sabi ni Gian.

"ohh bakt naman.?" kinikilig na tanong ko sakanya

"ikaw kasi e.. " panunumbat nito sa akin

"Hala.. bat ako sinisisi mo ako?" inis na tanong ko sakanya

"Kanina ka pa kasi takbong takbo sa isip ko e."natatawang sabi niya

"ohh shiz ang Korni ha.. " natatawang sabi ko

"Kunwari ka pa kinilig ka naman e."natatawang sgot nia

"ewan ko sayo. patayin kita jan." pagtataray ko sakanya

"ano?!" seryosong tanong niya

"Papatayin kita ng pagmamahal ko" natatawang sagot ko.

"Nice one. Nadali mo ako dun ah. Galing ng babe ko. Shit nakakabakla but Fuck kinikilig ako. I love you, Babe." malambing na sabi ni Gian

"I-i love you too." nahihiyang sagot ko naman

"Nahiya ka pa.. " pangaasar niya

"Hi-hindi a.. kapal muks ka.. Sige na matulog na tayo maaga pa pasok natin sa school bukas." pagtataboy ko sakanya

"hahahha.. Okay. Good night, babe." sabi ni Gian

Pinutol na namin ang tawag. I never expect that I would fall for Gian. We never had good moments together when we were still on our childhood days. Wala nga kaming matinong pag uusap. Lagi niya akong binabara. It was as if I was not existing. Masakit ako sa mata niya. But then, Love struck us.

Truly, love moves in mysterious ways. Expect the unexpected. There are times that you will really search for love, yung ibang tao nga taon bago nila ito mahanap, but then realization will hit you, the love that you've been searching for is right there in front of you.

The next day, nandito kami ng mga kaklase ko sa gym having our volleyball practice game. Part kasi ito ng foundations of MAPE class namin.

Kanina pa kami laro ng laro. Ewan ko ba hindi naman kasi ako major in MAPE. May mga subjects talagang minor pero feeling major.

"GO SHANIAH..." Sigaw na kilalang kilala ko. Kahit hindi ko tignan alam kong si Pearl at Alvin yun. Ako na kasi ang magsserve.

Sinerve ko na ang bola sa kabilang team at mabilis nila itong naibalik sa amin. Tumakbo ako at tumalon para iblock at nagawa ko naman ito ng tama. Binalik nila uli sa amin ang bola. Tumakbo ako para habulin uto at ibalik sa kabilang team. nagiging maganda na ang palitan namin ng bola. Nang muli itong ibalik sa amin, Tumakbo at tumalon malapit sa net para ispike ang bola.

Nagawa ko ito ng tama ngunit hindi ko na malaman pa ang nararamdaman ko uneasiness and shortness of breathe when my feet reached the ground. The last sound I heard is the sound of the referee's whistle at nagblanko na ang lahat.

Nagising ako sa maliwang na ilaw na nararamdaman ng mata ko.  I opened my eyes slowly. All I can see is that I am surrounded by white walls and a man holdin my hand.

"Babe. gising ka na. Okay ka lang ba? may masakit ba sayo? Teka I will just call the doctor." natatarantang sabi ni Gian

"Chill, I'm fine. You don't need to worry." nanghihinang sabi ko sakanya

"anong I don't need to worry? You passed out, Shaniah. Tinawagan ako nila Alvin sa school kanina dahil daw nahimatay ka and you almost turned violet for Pete's sake. " naiinis na sabi niya

tinitigan ko lang siya and I process the whole situation na sinabi ni Gian sa akin. yun pala ang nangyari after the  volleyball game.

"I'm sorry. I just got worried." paliwanag ni Gian and buried a kiss on my forehead.

"It's okay." nakangiting sabi ko sakanya at niyakap ko sya.

Dumating na ang doctor dahilan ng pagkakaalis ng yakap ko kay Gian.

"Doc, is there any problem with my fiancee? " tanong ni Gian.. Woo Fiancee daw.. shemay

"wala naman, may history ka ba ng asthma, Miss Rodrigues?" tanong nito sa akin

"Hmm as far as I can remember, doc meron po pero baby pa ko ako nun e.  4 years old po ata ako nun. pero simula po nun mag aral ako. Nawala na po." paliwanag ko kay doc

"To tell you the truth, Ms. Rodrigues hindi naman nawawala ang asthma. Nasayo pa rin ito pero wala lang nagttrigger para muli itong bumalik. In your case, may nakapagtrigger dito at mukang three times at balik nito sayo. Kaya rin naman nagvviolet ang iyong mga nails. nawalan ka kasi ng oxygen" dagdag pa niya

"ano po ang dapat niyang gawin doc to prevent it?" tanong ni Gian with his concerned voice

"Actually, mahirap sabihin ang main prevention para dito kasi there are times na allergies ang nagttrigger and sabi naman ni Shana bata pa siya nun last attack niya. Based from what happened to her today, I think it would be better if she would avoid stressful activities." paliwanag ng doctor "pwede ka ng umuwi kung kaya mo na."

"thanks doc." sabi namin ni Gian

Nang tuluyan ng umalis ang doctor ay nagsalita si Gian

"How can I leave you in this kind of situation?" pansariling tanong niya and he sighed

"Aalis ka?" nagtatakang tanong ko at sa tanong lang na yun parang pinuputol putol na ang puso ko. Hindi ko maiwasan ang hindi mangamba o matakot sa tanong ni Gian sa kanyang sarili.

MY CHILDHOOD SWEETHEART'S BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon