Kinaumagahan masakit pa ang mga mata ko sa kakaiyak na ginawa ko kagabi.
Friday ngayon. Papasok na ako sa school. Niligpit ko na rin angvmga gamit ko sa condo at uuwi na ko sa bahay naman sa Paranaque.
9am ang unang klase ko ngayon. Nakakapanibago dahil walang sunod ng sunod. Walang nangungulit. Walang nagdadala ng bag ko.
Agad Kong tinahak ang classroom. Nakita ko doon ang ilang Kong mga kaklase
"Nako buti at pumasok ka na Shaniah. Eto mga reviewer at notes. Iphotocopy mo nalang. Wala kasi tayong Prof dahil kailangan nating magreview.Pre Finals na next week." paliwanag ni Hana
"si-sige salamat. ibabalik ko nalang mamaya." wala sa loob Kong kinuha ang kanyang mga papel at umalis doon.
Papunta ako sa library ng biglang may dalawang tao na yumakap sakin
"Namiss ka namin." Sabay na sabi ni Pearl at Alvin.
Bumuhos ang luha ko.
Nandito kami nila Alvin at Pearl sa isang Pepper Lunch. At naikwento ko ang nangyari sa amin ni Gian
"Nasaan siya ngayon?" tanong ni Alvin
"Hindi ko alam." malungkot na sabi ko.
Hinawakan nila ang kamay ko at nginitian ako. Siguro sa mga ganitong panahon maaasahan talaga ang mga kaibigan.
"Subukan mo kayang tanungin si Rita Helmi." suggestion ni Pearl
"Oh ano naman gagawin ni Shaniah doon sa tita mo?" mataray na tanong ni Alvin
"Di mo talaga ginagamit yang utak mo e. Hello siya ang dean malamang may alam siya Kay Gian BOBLAKS" mataray na sagot ni Pearl
Pagbalik namin sa school agad Kong tinapos ang activity na pinapasagot ni Prof.
Dumiretso agad ako sa building ng BUS. Ad. Kumatok ako sa pinto at nang marinig ko ang pag anyaya ng dean ay pumasok ako at bumati
"What brings you here Shaniah?" masayang tanong niya. Medyo close kasi kami dahil tita siya ni Pearl
"Mam.. Pumasok po ba si .." Hindi ko na naituloy dahil nagsalita na sya
"Si Rivada.Yung boyfriend mo."
nakangisi niyang sagot. "Well
, Ewan ko ba dyan sa batang iyan. He is already finished in his undergrad course. I ask him to take MA pero ayaw niya naman. May gusto lang daw siyang balikan kaya siya nandito." sabi niya habang inaayos ang kanyang mga documents na nasa table niya "He'd changed a lot. napakaseryoso sa negosyo. Hindi na siya yun barumbadong bata noon. Hindi pa siya nagrereport since he flew to Thailand." nakangiting sabi niyaang ana magtagal kayo."
Nagpaalam na ko pagtapos ng ilang minuto. Pumunta ko sa parking lot at sumakay na sa sasakyan ko.
Hindi parin maalis sa akin na magalala at hanapin siya.
Dumiretso ako sa Makati kung saan nandoon ang building ng company ni Gian.
Pinapasok ako ng guard at binati ako ng mga tauhan niya.
"Mam I am Harvey Aria. you're his fiancée right?" magalang na tanong niya
"Y-yes. Nanjan ba sya?" nahihiyang sabi ko
"Nako mam. Umalis na po so Sir Gian kagabi. Nagtataka nga po kami dahil kakabalik lang po niya galing Thailang tapos aalis na siya agad."paliwanag niya
"Kailan siya babalik?" binilisan ko ang pagsasalita ko dahil iniiwasan Kong mabasag ang Boses ko.
"Hindi ko po Alam mam e." sabi ni Harvey.
Pagtapos nun ay nagpaalam na ko. Umalis na ako sa building na iyon.
Talaga bang umalis na siya? Hindi na ba talaga niya ko babalikan?
Umuwi ako sa bahay namin umaasa na nandoon siya. Ngunit wala.
Alam kong nasaktan ko siya. Ng sobra sobra. pero ganoon pala talaga
Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao pag wala na siya sa buhay mo.
kinuha ko ang bike ko sa garage namin at pinuntahan ko ang bahay niya.
Nang makarating ako doon. makailang tawag ako pero walang lumalabas. Maski ang mga sasakyan niya wala na rin doon.
Sinubukan Kong batuhin ng bato ang kanyang bintana. Ngunit may lumabas na matandang babae sa kanyang pintuan
"Naku hija. Umalis na si Gian kaninang madaling araw. Pero may iniwan siya para sayo." sabi ng matanda at pinagbuksan ako ng gate.
"Halika. dali mo." pag anyaya niya sa loob.
tama nga si manang wala na si Gian. Halos wala ng laman ang bahay ni Gian. Pero may isang malaking portrait ang umagaw ng attensyon ko.
Portrait namin ni Gian noong nasa Subic kami at nagsasayaw sa may cottage ng lake.
Napatitig nalang ako dito at napaisip.
HE IS GONE
BINABASA MO ANG
MY CHILDHOOD SWEETHEART'S BROTHER
Romancehave you ever had someone whom you have known for almost your whole life.. you know each others secrets.. you know each others past you know each others favorites BUT THEN... IT CAME TO AN END...