Meet Her

40 0 0
                                    

After that dinner in the park hinatid na ako ni Paulo sa bahay namin.

Umalis din siya agad dahil hinihintay na daw siya ni Sofie. Hindi ko na siya niyaya pa sa loob dahil alam kong nagmamadali talaga siya.

Nang makapasok ako sa bahay dumiretso ako sa kusina dahil Amoy na amoy ko ang niluluto ni Mommy na sinigang. Nakita ko nga si Mommy na nagaayos na ng Plato namin.

"Hi ma!" masiglang bati ko sakanya

"Sorry anak ha.. kakauwi lang ng mama." malungkot na sabi niya

"Ma.. Okay lang alam mo namang simpleng birthday lang ang hangad ko. Kumaen dito sa bahay kasama ka." sabi ko at niyakap ko siya

"Naglalambing naman ang anak ko.. " sabi ni mama "Upo na at kumain na tayo. Oo nga pala, I made your favorite mangocheese cake." masiglang sabi niya

"I love you, ma.." naiiyak na sabi ko at lumapit si mama sa akin.

HInawakan niya ang muka ko at pinunasan ang mga luha ko "Shaniah, I know I am not always present in all the time and be with you, anak. Pero para sayo lahat ito. Sorry.. ano man ang pinagdadaanan mo ngayon anak, I am here. Nandito lang si mama. Mahal na mahal kita." naiiyak na sabi ni mama

"Ma ang sakit.. ang saakit sakit pala magmahal.." patuloy pa rin ako sa pagiyak

"Anak, you will never know love until you got hurt. HIndi palaging rainbows and flowers. Because love needs to be proven. it needs to go through the furnace and be tested through fiire. Hindi llang sa salita nalalaman ang pag ibig. MInsan pati sa pagkadurog ng puso mo malalaman mo ang pagmamahal. Kakambal ng saitang mahal na maha kita ang salitang ang sakit sakit na.." paliwanag ni mama

"Do you had the same feeling nun iniwan tayo ni papa?" inosenteng tanong

"Anak, hindi lahat ng iniiwan ay nangangahulugang hindi ka niya mahal. Yun iba kasi, yun ang kailangan niyong pagdaanan para masukat ang pagmamahal niyo sa isa't isa. Yung sa amin ng papa mo.. Ginawa niya yun kasi yun ang nararapat. yun ang tama.." 

"O siya... Kumain na tayo.. Ayokong masira itong gabi mo.. " dagdag pa ni mama

Natapos ang aming meaningful na ate dinner ni mama at napagpasyahan namin na matulog na. Pero nandito parin ako sa kama ko. HInihintay ko na umilaw ang cellphone ko baka sakaling kahit na ngayong birthday ko lang e maalala nya ko. Maalala niya pa ko.

Pinilit ko nalang ang sarili ko na matulog at sumuko nalang sa paghihintay.

"Shaniah!!!" sigaw ni mama at may malakas pang katok sa kwarto.. WHAT THE?? tang ina may sunog ba??

"Bakit ma?" tamad na sagot ko

"may bisita ka.. dali!!" sigaw ni mama sa labas

Agad naman akong nagmadali to freshen up. After 15 minutes lumabas na ko sa kwarto at dumiretso agad sa sala..

"Hi Shana.." masiglang sabi ni Paulo

Anong ginagawa niya dito? At ngiting ngiti naman ang nanay ko

"Yayayain ka daw niyang lumabas anak.. Nako! Ikaw naman Shana Hindi mo naman sinabi na nandito sa Pinas si Paulo" masayang sabi ni mama

"Ahh p-pwede ka ba Shana?" napakamot pa si Paulo sa ulo niya. Akala mo mga high school kami na nagkakahiyaan

"Anak.. Aalis muna ko ha because I will meet up with our new clients. Mauuna na ko. Paulo, Take care of my daughter." paalam ni mama at tska tinalikuran na kami and head for the door.

Umupo kami sa sofa ni Paulo at hinarap ko siya

"Bat bigla ka namang napadalaw Paulo?" nagtatakang tanong ko

MY CHILDHOOD SWEETHEART'S BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon