Breakfast in Bed

97 0 0
                                    

Pagkatapos namin pumunta sa orphanage ni Gian dumiretso na kami sa bahay..

Dumiretso kami sa sala..

"aaahhhhh" ang magunat grabe.. "nakakapagod itong araw na to" umupo ako sa sofa habang sinasabi ko iyon. Naramdaman ko ang paglapit ni Gian sa harapan ko

"Ano naman ang ginagawa mo jan?" masungit na tanong ko sakanya..

"akin na yang paa mo.."  sabi niya habang nakaharap sa akin

"ha?!!!" hindi na ko nakareklamo pa uli dahil kusa na niyang kinuha ang paa ko at sinimulan ang pag masahe..

"hihihi Gian.. hahaha nakiki-liti ako.. dahan dahan lang" halos di ko na alam ang gagawin ko sa sobrang kakilitian na nararamdaman ko..

"hahaha nakakatawa ka talaga Shaniah.." tumawa naman siya at napapailing

Tinitigan ko maigi ang kanyang muka.. grabe ang gwapo pala ng taong ito.. muka siyang masungit at ubod ng yabang kung titignan mo.. pero sa totoo lang habang tinititigan ko siya .. gumagaan ang pakiramdam ko.. at nakakalimutan ko si Paulo.. Aayy nako Shaniah.
tumigil ka nga.. hindi.. hindi.. mali yan Shaniah.. mali yan..  Muli ko na namang tinignan ang muka ni Gian habang minamasahe ang paa ko..

ang ganda niyang pagmasdan habang nakafocus.. :))

"Shaniah aahh.. uyyy tinitignan niya ko.." pang aasar niya sakin..

"Bwisit ka!" binawi ko na sakanya yun paa ko at hinampas hampas na naman siya .. at habang ginagawa ko yun tumayo siya at sinimulan akong kilitiin..

"Aahhhhh... Gian... tama na,.. ahahahaha ayoko na.. hahahahaa.." di ko na mapigilan ang di sumigaw.. di ko na malaya na nasa lapag na kami ng carpet  at nakaibabaw na siya sakin.

Pag dilat ko ng mga mata ko nakatingin lang siya sakin. ang mga malalalim niyang mata. parang vacuum .. parang hinihila pa ko papalapit sa kanya.. hinihintay ko ang mga susunod na mangyayari pero nakatuon ang focus ko sa malakas na malakas na pagwawala ng puso ko..

kaunting kaunti nalang ang layo ng muka namin sa isat isa. nagkakatinginan kami sa labi ng isat isa.. ang pula ng mga labi niya.. parang ang sarap halikan.. shoooccksss!! ang perv ko na.. nang maramdaman ko ang paghinga niya sa mga labi ko.. pumikit ako at hinintay ko na ang paglapat ng labi niya sa labi ko,..

"Shaniah.. Maligo ka na.. Ambaho mo na...  hahahahhahaa." bumulong siya sa tenga ko.. at humagalpak pa sa tawa ang animal... bwisiiiiit!! nakakahiya ka Shaniah.. nakakahiya ka.. kung pwede lang lamunin ako ng lupa ngayon.. tinitigan ko siya ng masama.. walang hiya ito.. pinapahiya ako

agad agad naman akong tumayo at amang aalis na para maligo ngunit hinapit niya bigla ang bewang ko at niyakap ako mula sa likod. naradaman ko ang init ng pag hinga niya sa tenga ko..

"Hindi ko gagawin ang bagay na yun ng hindi ko nakukuha ang totoong oo mo, Shaniah. Mahal kita at handa akong maghintay para sayo.." bulong niya sa tenga ko..

Halos huminto ang oras sa ginawa niya. parang ang init init ng muka ko at nakatulala nalang ako sa kawalan.. Ang sarap ng yakap niya.. kakaiba. secured. safe. :)

"Sige na maligo ka na.. at magluluto na ko.." sabi niya sakin.. Nung una halos hindi ako makagalaw pero nun naramdaman ko na kumalas na siya sa pagkakayakap umalis na din ako at hindi ko na siya nilingon dahil hiyang hiya ako..

Naligo na ko at nagbihis. Parang ayoko pag bumaba para kumaen dahil nahihiya akong makita siya. ganito ba talaga pag ay boyfriend.. halos mawawala na yung puso ko at parang lumilipad ako sa mga ulap? pero teka... totoo ba yung sinabi nya na.. MAHAL NIYA KO??

O parte parin ito ng pagpapanggap namin.. ang gulo pero.. masaya.. kakaibang saya..

Pagbaba ko .. nakahain na ang mga pagkain..

"Kain na Babe." sabi ni Gian at hinila ang upuan para makaupo ako.. ang sweet.. shemay ang landi ko na..

Umupo ako at kumain na din kami..

"Gi-gian.. yung.. ano.. yun sinabi mo kanina.."sabi ko ng hindi makatingin sa kanya..

"alin dun babe?" nakakunot ang kanyang noo sa akin..

"yun ano... yun.. hmm wag na nga lang..." sabi ko sakanya

"Na mahal kita..? nagdududa ka ba Shaniah?" diretsong tanong niya sakin..

"hmm.. ahhh ano naguguluhan ako sau e..kasi di ba nun bata tayo.. ayaw mo sakin.. tska yun sa fire..fire exit.." sabi ko sa kanya

Bumugtong hininga muna sya bago siya sumagot "Shaniah..I will do everything para makuha ka. makuha ang attention mo.. pero kahit ilang beses ko gawin yun... Kay Paul parin ang mga mata mo." mariin na sabi niya sakin..

Pagtapos nun hindi na kami nagusap pa.. Umakyat na ko sa kwarto ko pagtapos ko maghugas ng pinagkainan namin..
habang siya naman ay lumabas papuntang sala dahil may tumatawag sa cellphone niya.. nakita ko pa siya na nakatalikod at mukang seryoso sa kausap niya.. di ko na pinakinggan pa at tumuloy na lang ako sa kwarto at natulog na.

Kinabukasan...

Nagising na naman ako sa masarap na amoy ng pagkain.. pero bakit ganun amoy na amoy.. sa kithen ba ko nakatulog... hmm nakakatakam...

"Shaniah... wake up sweetheart.."  boses ni mama yun aa..

Unti unti akong dumilat. at nakita ko si mama na may dalang tray ... hahahaha breakfast in bed..

"Ma! namiss kita..."umupo ako at niyakap siya..

"Nako ang anak ko dalagang dalaga na.. "nakangiting bati niya sakin.." kumaen ka na.." utos naman niya sakin..

Sumubo naman ako agad .. hmm "Ma ang sarap.. hahaha grabe.. ang sarap sarap talaga"

"Hindi ako nagluto niyan anak.."natatawang sabi niya sakin

"ha??!!" natigilan ako sa pagsubo..

"Ang anak ko talaga.. Ikaw hindi ka manlang nagsabi sakin na may boyfriend ka na pala.. Si Gian ang nagluto niyan.. nasa baba siya.. Sabi ko ako nalang muna ang magaakyat.. Kinausap niya ko at siya ang nagsabi sakin na kayo na nga daw.. Anak, mahal na mahal ka niya.. at nakikita kong totoo ang kanyang sinasabi.. " niyakap ako ni mama.

"Anak, When you love.. you love.. no buts no ifs.. dahil pag natrap ka sa mga tanong na yun..you will just forever left wondering.. Just love Shaniah.."naiiyak na sabi ni mama..

"O sige na.. baba na ako at papaakyatin ko na ang boyfriend mo dito.. " kinurot na muna niya ang pisngi ko bago umalis..

pag alis ni mama inayos ko ang sarili ko dahil paakyat na si Gian.. ANG SARAP SA FEELING... CLOUD NINE.. !!

MY CHILDHOOD SWEETHEART'S BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon