CHAPTER 1

7.6K 128 7
                                        

Author's note:

Hope you would like it!

-En

*****

Chapter 1

Nag-umpisa ang lahat sa maliit na kasinungalingan.

"Hindi ko na kaya! Ayoko na, hindi ka pa ba napapagod?"

May isang batang nakasulyap mula sa pintuan at pinapanuod kung paano nag-aaway ang kaniyang magulang.

"Kung gusto mo lumayas ka! Pero akin ang anak ko! Hinding-hindi mo makukuha si Johan! "

'Alis? Mama? Alis?'

Narinig ng mag-asawa ang iyak ng kanilang anak kaya agad silang huminto. Tumakbo ang ina ni Johan at agad siyang niyakap.

"Shhhh... Stop crying."

Ngunit kinabukasan wala na ang kaniyang ina. Umalis ng walang paalam at iniwan siya sa puder ng kaniyang ama.

"Mama di lab Johan. Mama alis. Papa, alis mama?"

"No, mama loves you so much but mama is not happy anymore."

"Papa, pag hindi happy alis?"

"No, sometimes you need to endure it."

"Papa, sakit dito. Papa, wala mama. Papa wala na mama Johan"

Niyakap siya ng kanyang ama.

"No, Hindi yan sakit. You just thought that it's hurt but it was not. Iniisip mo lang 'yan, try to think happy things, just be happy whatever it takes. Find your own happiness, even it hurts you a lot."

Tumatak ang sinabing iyon ng kanyang ama hanggang sa dumating puntong lagi siyang nagsisinungaling sa sarili niya at hindi maglaon nalaman nila na may sakit si Johan, not physically but mentally, he just lied to anyone and forgot everything even his mom.

Kinalimutan niyang may ina siya ngunit dahil may kaya ang kanilang pamilya ay naagapan ito. Hindi man lubusang nakalimutan ni Johan ang ina niya ngunit hindi na niya tinuring ang kaniyang ina bilang magulang niya.

He just contented with his dad and his friends. Lingid sa kaalamanan ng kanyang pamilya hindi lubusang magaling si Johan dahil ang dati niyang sakit ay kaniyang naging defense mechanism upang maiwasan na masaktan ang kaniyang sarili. Hindi man naalis sa kaniyang sistema ang gumawa ng maling ala-ala ngunit masaya siya dahil hanggang ngayon hindi na niya nararanasan ang masaktan pang muli ng mga ala-ala na kaniyng nilimot at binago.

***

Umlis si End kasama ang isang babae.

"Napakatanginang buhay 'to. Wala bang magandang babae ang lalapit sa akin?"

"Gago Johan, hindi ka 'tulad namin na mga chicks ang lumlapit... Kailangan mo ng hardwork!"

Nagtawanan silang lahat sa sinabi ni U at pinakyu lang siya ni Johan.

'Bakit kaya nagkaroon ako ng mga kaibigang mga kulangot. Kulangot sa buhay ko, ayaw maalis alis.'

"Diyan na nga kayo. Mga ulol."

Umalis siya at umupo sa counter, tumabi sa kanya ang isang babae at siya ay nginitian.

'Thanks God! Answered prayer.'

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon