Habang lumalaki si Trixie ay mas napapalapit siya kay Johan gayun din si Shannon.
"Baby tawagin mo siyang—"
"Tito"
Napahinto si Shannon sa pagputol sa kanya ni Johan. Dumalaw si Johan sa bahay ni Shannon at ngayo'y aalis sila upang mamasyal. Tatlong taon na si Trixie kung kaya naman kailangan nilang turuan ang bata sa pagtawag sa mga pangalan ng mga taong nakapaligid sa kanya.
"Tito Johan."
Napahagikgik naman si Trixie habang buhat-buhat ni Johan.
"Toto ohan"
"Ti"
"Ti"
"To"
"To"
"Tito"
"Tito"
"Yo"
"Yo"
"Han"
"Ha"
Umiling si Johan dahil mali ang sinabi ng kanyang anak.
"Hann"
"Han"
"Yohan"
"Yohan"
"Tito Yohan"
"Tito Yohan"
"Wow! Very Good!"
'Kung sana hindi mo sinabi na tito ka niya edi hindi na mahihirapan pa si Trixie, mas madali kayang sabihing papa kaysa sa Tito Johan.'
Sumakay sila sa kotse at ramdam ni Johan ang hindi pagsang-ayon ni Shannon sa kanyang desisyon na tawagin siyang Tito. Pumunta sila sa isang parke, masayang naglaro doon si Trixie at ang tagapag-alaga ni Trixie ay hirap na hirap sa paghabol sa kanya. Samantalang inaasikaso naman nina Johan at Shannon sa kanilang pupuwesto.
"Johan, bakit mo sinabing tito ka niya?"
"Anong gusto mong sabihin ko? Tawagin niya akong papa? Tapos malalaman niya na magkapatid tayo? Ano sa tingin mo ang magiging epekto sa anak natin kung nagkataon?"
"Pero ama ka niya—"
"At kapatid mo ako. Hindi magandang pakinggan kapag nalaman niya ang totoo."
"Bakit kasi ganito?"
"Shannon, magpasalamat na lang tayo at nandiyan si Rare upang umasikaso ng lahat. Hindi alam ni Dad na anak ko talaga si Trixie at si Rare ang nandiyan upang pumalit sa pusiyon ko. Medyo masakit para sa akin pero mas importante na malaya kong nakakasama ang anak ko kaysa sapilitan siyang ilayo sa akin."
"Siguro nga Johan, mas magandang ganito ang lahat. Pero alam mo bang pinangarap ko rin na sana hindi na lang kita kapatid o kaya sana hindi na lang nagtagpo ang ating landas para hindi ganito kahirap ang lahat."
"Shannon, alam kong mahirap. Ako rin naman nahihirapan sa ganito pero wala tayong magagawa, ramdam ko rin naman na parehas ang nararamdaman natin sa isa't-isa pero—"
"Hindi puwede."
Napatango si Johan at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Shannon tiyaka unti-unti niyang binitawan ang kamay ng kanyang kapatid. Tuluyan na siyang bumitaw na mayroon silang pag-asa upang maging isang ganap na pamilya. Lumipas ang isang taon ngunit hindi na nagbago ang kanilang relasyon, si Johan ang tito ng kanilang anak.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
General Fiction"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
