CHAPTER 4

3.1K 102 6
                                    

Author's Note:

I'll make 2 updates everyday if I can. Kailangan ko ng bilisan ang updates.  Ang daming pending stories na kailangan kong tapusin. 

-En

*******

"Okay"

Binuksan ng boss niya ang resignation letter at binasa. 

"Are sure about this?"

"Yes po sir."

"Sayang, Mr. Kim wants you to reasign in the main company."

"Ahh... Please, decline his offer because I am no longer part of this company. Thank you so much sir."

"Okay, you may pack your things"

Agad na inasikaso ni Shannon ang kanyang mga gamit at umalis sa JK mall. Hindi puwedeng malaman ni Johan na buntis siya, magugulo ang lahat at ayaw niyang patayin ang bata dahil wala itong kasalanan sa kung ano man ang nangyari sa kanila ni Johan.

Habang nagmumuni-muni siya ay biglang tumunog ang doorbell kaya naman tiningnan niya kung sino iyon.  Si Ley, ang kanyang bestfriend. Inaya siya ni Ley na mag-outing at nalaman niya na nagkaroon na ng asawa ang kanyang kaibigan. Samantalang noong nakaraan lang virgin pa ang bespren niya tas ngayon may asawa na. Naunahan pa siya, siya itong maharot at ang kaibigan niya ay ubod nang sungit.

Sumama siya kay Ley, siyempre hindi naman halata ang umbok ng tiyan niya flat pa rin mukhang hindi buntis kaya naman ang ginawa niya ay nagdala siya ng mga bikini dahil kilala niya rin ang kanyang kaibigan. Tiyak na short at t-shirt ang dala ni Ley.

Nang makarating sila sa van ay laking gulat niya  na marami siyang nakitang mga guwapo. Tinignan niya isa-isa ang mga lalaki.

'Kung hindi lang ako buntis... Ghad'

Nahinto ang paningin niya sa isang taong nakataas ang isang kilay.

'Bakit siya nandito?'

Hindi niya inakala na makikita niya ang lalaking tinatakbuhan niya, ang lalaking ama ng ipinagbubuntis niya... Si Johan.

"Dito ka—"

Hindi natuloy ni Ley ang kanyang sasabihin dahil agad siyang pinutol ni Johan.

"No, there is no space left there. She can sit beside me" Nakangiting sabi ni Johan na para bang may kung ano sa kanyang isipan. 'Please, magiging good girl na ko basta ilayo niyo po siya sa akin'

"No thanks! Kahit kalahati ng puwet ko ang maupo sa tabi ni Ley, okay lang! Ayokong tumabi sa'yo unggoy!" Inis na sabi ni Shannon. 'Sa lahat ng tao, bakit si Johan pa ang naging kaibigan ng asawa ni Ley? Bakit?'

"One, two, th—"

Nang magbilang si Johan ay kitang-kita ni Shannon ang pagiging seryoso ng kanyang kapatid  kung kaya naman wala na siyang nagawa.

"Oo na punyeta!" Inis na sigaw ni Shannon.

"Good girl, please guys look in front not in her boobs before I took your eyes and threw it outside." Kalmadong sabi ni Johan at ang lahat naman ay tumingin sa harapan.

'Labas ba suso ko?' tiningnan niya ang kanyang dibdib saglit ngunit hindi naman nakaluwa ang suso niya, kita lang ang cleavage niya... Napailing siya, ganon naman talaga siya magdamit kung kaya't wala siyang nakikitang mali.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon