CHAPTER 10

2.2K 68 4
                                    

"Hatid na kita pauwi?"

Umiling si Shannon bilang pagtanggi sa alok ni Johan. Ngayong nakabalik na sila ay pilit tinatanggap ni Shannon na simula sa araw na 'yon wala na silang koneksyon sa isa't-isa. Tumunog ang cellphone ni Johan at nakita niya ang mensahe ng kanyang ama at pinadidiretso siya sa kanilang kumpanya.

"Sige mauna na ako"

Agad na tumalikod si Johan at hindi na hinintay ang sagot ni Shannon. Sa di kalayuan pinagmamasdan lang silang dalawa ni Rare at bahagyang kumunot ang kanyang noo nang makitang iniwanan ni Johan ang dalaga. Agad na pumasok sa loob ng sasakyan si Rare at nagmaneho patungo sa harapan ni Shannon. Nagtataka ang dalaga kung sino ang nasa loob ng sasakyan, laking gulat niya nang unti-unting bumaba ang bintana ng sasakyan at bumulaga ang mukha ni Rare.

"Sakay"

Hindi maintindihan ni Shannon kung ano ang sinabi ni Rare. 'Ano? Bakit niya ako pinasasakay?'

"Ha?"

"Sumakay ka na, inutusan ako ni Johan na ihatid ka."

"Ahh"

Hindi naman na kumontra si Shannon at sumakay sa likuran ng kotse.

"Sa harap ka"

"Okay"

Lihim na napangiti si Rare dahil hindi siya nahirapang makipag-usap kay Shannon at sinusunod lang siya ng dalaga. Nang makaupo sa harapan si Shannon ay agad na pinaandar ni Rare ang sasakyan.

Dahil sa  nakakabinging katahimikan ay hindi mawaglit sa isipan ni Shannon na baka napilitan lang si  Rare dahil sa nakisuyo si Johan, ayaw niyang makaabala kahit kanino lalo na sa mga taong malapit sa kapatid niya.

"Uhmm, pasensya na ah"

Saglit na tiningnan ni Rare ang katabi niya at muli niyang itinuon sa kalsada ang kanyang atensyon. Muli namang nagsalita si Shannon at mababatid ang kalungkutan sa kanyang boses.

"Baka may gagawin ka pa at nakaistorbo pa ako sa'yo. Puwede mo akong ibaba sa pinaka malapit na terminal"

"Sino nagsabing nakakaistorbo ka?"

Bigla nalang nanahimik si Shannon, dala na rin ng kaba at kaunting takot kay Rare ay hindi niya maiwasang maluha. Sobrang tahimik ng lalaking kasama niya idagdag pa doon ang mabigat at malamig niyang presensya. Naalerto si Shannon dahil nag-iba sila ng daan.

'Lord, bata pa po ako. Huwag po niyo muna akong kuhanin. Gusto ko pang manganak'

"Don't worry I won't eat you"

Agad na napalagok ng sariling laway si Shannon nang marinig ang sinabi ni Rare.

'I won't eat you unless you want it'

Umangat ang sulok ng labi ni Rare sa kanyang naisip at agad niyang inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang kainan ng sorbetes.

"Wait for me."

Hindi nakasagot si Shannon nang lumabas sa kotse ang binata at bumili ng sorbetes. Nang makabalik siya ay may hawak siyang dalawang sorbetes.

"Salamat"

Tinanggap ni Shannon ang sorbetes at kumain silang dalawa sa loob ng kotse. Dahil sa nakabibinging katahimikan ay binuhay ni Rare ang radyo sa sasakyan.

'Wise man say, only fools rush in... But I can take, falling in love with you'

Nang marinig ni Rare ang tugtog ay inilipat niya ang estasyon ng radyo.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon