Namutla si Johan sa kanyang nalaman. 'Bakit? Umasa na ako eh. Akala ko talaga may pag-asa kami, bakit naman ganito? Nakakaputangina naman.'
"Iho?"
Bumalik sa katinuan si Johan nang tawagin siya ng ginang.
"Ahh, sige po. Magandang araw, mauna na po ako."
Napakunot ang noo ng ginang sa inasal ni Johan. Dali-daling lumabas si Johan at para siyang sinasakal dahil nahihirapan siyang huminga. Kinalma niya ang kanyang sarili bago pumasok sa loob ng kotse.
"Anong problema Johan?"
Tumingin si Johan kay Hier tiyaka umiling.
"Wala naman."
"Wala? Siguro nalaman mo na talaga ang katotohanan ano?"
"Alam mo ang lahat?"
Tumango si Hier.
"I got their videos in the hotel on the day that she drugged your dad and I found out after their scandal that she regularly went to gynecologist for a regular check-up. I didn't tell you everything because I want you to know the truth from yourself not from me because maybe you would insist that I am wrong. We're friends so I know how sensitive you are, digest everything Johan even if it is hurt."
"Thanks"
Hindi na ulit siya pinansin ni Hier at nagpatuloy sa pag-aayos ng isang maliit na elisi. Kinuha ni Johan ang kanyang cellphone at tinawagan ang assistant niya.
"Invite Chairman Kim in my office and prepare some tea. I will discuss about our new project and it's advancement. I'll be there for 20 mins."
"Okay po sir."
Matapos iyon ay hinatid siya ni Hier papunta sa kumpanya. Nang makarating siya sa kanyang opisina ay sakto namang dumating ang kanyang ama. Nag-usap sila patungkol sa mga proyekto ng kanilang kumpanya. Nakita niyang uminom ng tsaa ang kanyang ama at siya ay ngumiti. Nang matapos silang mag-usap ay kumuha siya ng cotton bud at ipinunas sa parte ng tasa kung saan uminom ang kanyang ama. Ang cotton bud ay inilagay niya sa isang plastik tiyaka niya itinabi. Kinuha niya ang kanyang cellphone tiyaka tinawagan si Hunter.
"Hunt, nasaan ka ngayon?"
"Sa opisna bakit?"
"Dadaan ako diyan mamaya may ipapa-test ulit ako."
"Sige."
Pilit tinanggal ni Blue sa kanyang isipan ang lahat upang makapagtrabaho siya ng maayos ngunit hindi niya kaya. Kaya napagdesisyunan niyang puntahan si Hunter sa opisina. Binilinan niya ang kanyang assistant nang araw na iyon at mabilis siyang lumabas ng kumpanya. Sumakay siya sa kotse at mabilis niya itong pinaandar. Tumingin siya sa gilid at nakita niya ang cotton bud na naka plasik. Nang makarating siya sa kumpanya ni Hunter ay wala siyang inaksayang panahon, mabilis siyang pumasok sa opinisina ng kanyang kaibigan.
"Hunt, may data ng DNA ni Shannon doon sa ospital na pinagdalhan mo diba?"
"Oo, bakit? Ano bang gagawin mo?"
"Paternity test."
Inilabas ni Johan ang cotton bud na nakaplastic.
"Ah, sige. Bali ito at 'yong kay Shannon? Ang ipa-paternity test?"
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Fiction générale"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
