CHAPTER 16

2K 71 1
                                        

Nagising si Johan habang nakahiga sa kama. Pamilyar na siya sa itsura ng kuwartong kanyang kinalalagyan puting kisame, puting kama, puting paligid, malinis at maaliwalas. Nang umupo siya ay pumasok si Blue, sumunod naman ang isang doktor at ilang mga nars.

"Johan, papunta na dito ang dad mo at nasabihan na rin namin siya sa nangyari sayo."

"Salamat Blue, kamusta na nga pala sila?"

"Umuwi na ang mga mokong"

"Ahh ganon ba? Eh 'yong step sister ko daw?"

"Hindi pa rin siya makakauwi siguro bukas pa. Kasama niya ang mom mo."

"What? Patay na ba siya? Bakit kasama na niya ang mom ko?"

Hindi sumagot si Blue at ngumiti lang siya, pumasok naman ang ama ni Johan kasama ang pinaka pinagkakatiwalang tauhan nila sa mansyon ng Kim.

"Dad"

Ngumiti sa kanya ang kaniyang ama at sinenyasan ang doktor upang lumabas ng kuwarto at sabihin kung ano ba talaga ang nangyari kay Johan.

"What happened to him?"

"Master Kim, your son got provoked. Before, we had a hard time to let him recognize her mother and we had a positive feedback on his behavior but unfortunately now he sheltered himself again. I got a lot of information about what really happened to him and you gave him a hard time on your company. He is awake for 2 nights and sleeping is really important, the things about her step sister gave him a shock"

Hindi inakala ng ama ni Johan na tutungtong sa ganito ang lahat dahil maganda ang mga resulta na nangyayari ng kanyang anak. Ang buong akala niya ay magaling na si Johan ngunit hindi pa pala.

"Do you have any plans right now?"

"I suggest that we should rehabilitate your son for six months to improve himself."

"Okay, thanks"

Bumalik sa loob ng kuwarto ang doktor at sinabi kay Blue na pumayag si Master Kim patungkol sa gagawin kay Johan. Pumasok naman ang ama ni Johan upang kausapin ang kanyang anak at isang inosenteng ngiti ang ibinigay ni Johan sa kanya.

"Johan"

"Yes Dad?"

"You need to rehabilitate for six months. So do you have any request?"

"Uhm, I heard that last week Ul came back and she gave a lot of stress to my friend's wife. I wanted to be with them for a month. I want to help them get to clear things up before I go to rehabilitation"

"Johan, you can't. Problema nilang mag-asawa 'yon at bawal kang ma-stress"

"But Dad, kapag nagkataon baka malungkot si End at hindi niya kayanin. Alam mo rin naman ang sitwasyon niya, magkakaibigan kami kaya kahit anong problema dapat nandoon ako para sa kanila. Mas masaya ako kung alam kong masaya sila. Noong magkaproblema ako nandoon sila. Ayoko namamg suklian ang pagkakaibigan namin ng hindi magandang pagtrato sa kanila"

"Kailan mo ba iisipin ang sarili mo? May problema ka rin naman. Kailangan mong magpagaling"

"No, mas madadagdagan ang bigat sa dibdib ko kapag hindi ko sila natulungan."

"Uhmm, Uncle ako na po ang bahala kay Johan. Huwag po kayong mag-alala"

"Hay, Sige ikaw na muna ang bahala sa anak ko. Maraming maraming salamat Blue"

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon