Mag-aapat na buwan na rin ang nakalipas nang halikan siya ni Rare at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya ang pangyayaring iyon. Pumunta si Shannon sa grocery upang mamili ng kanyang pangangailangan, hindi rin naman siya nakatira kasama ang kanyang ina dahil siya ay nagtatrabaho sa isang maliit na opisina sa QC. Hindi pabor sa kanya na magbiyahe lalo pa at buntis siya kung kaya naman ay nangupahan siya malapit sa kanyang trabaho. Habang namimili ay nakita niya ang isang pamilyar na pigura kaya naman mabilis niyang nilapitan ang babaeng nakatalikod sa kanya.
"Ley?"
Humarap si Ley at hindi niya akalain na makikita niya si Shannon.
"Chacha!"
Nagyakapan sila at parehas nilang tiningnan ang isa't isa. Ang kanilang tiyan ay bilog na bilog at animo'y kumain sila ng isang buong pakwan.
"Buntis ka rin?"
"Oo, chacha. Ilang buwan ka na nga pala?"
" 7 months na, ikaw?"
"5 months pa lang"
"Ahh, oo nga pala kamusta ka na?"
"Ito, hiwalay kami ni End"
"What?"
"Yup, hiwalay na kami. Kayo ba ni Johan, kamusta na kayo? Balita ko si Johan nasa ospital."
"Ha? bakit siya nandon?"
"Hindi mo alam? Ano ba nangyari sa inyo?"
"Alam mo namang hindi kami pwede 'di ba?"
"Cha, punta ka kaya sa bahay ngayon para makapag-usap tayo ng maayos. Puro na lang mga asungot ang nasa bahay ko."
"Sige"
"Kaso paano na 'tong pinamili ko?"
"Mamaya paglabas natin dito ihahatid kita sa tinitirhan mo para maasikaso mo ang mga pinamili mo. Tiyaka para makadalaw din ako sa bahay mo tapos punta na tayo sa bahay."
"Sige"
Matapos nilang bayaran ang kanilang pinamili ay agad silang lumabas at dumiretso sa loob ng sasakyan. Laking gulat ni Shannon dahil nakita niya sa harapan si Rare habang hawak-hawak ang manibela. Nakaramdam naman ng pagka-ilang si Shannon at gano'n din si Rare samantalang may kakaibang kutob na nararamdaman si Ley sa dalawa.
'Ano naman kayang problema ng dalawang 'to? Iba talaga ang beshie ko'
Umandar na naman ang dugong pagkatsismosa ni Ley at siya ay umubo.
"Magtititigan na lang ba kayo?"
"Ehem... Ha-ha nagtitigan ba kami? Ano ka ba naman Ley, bulag ka ba? Nakatingin kasi ako sa rosary. Alam mo naman si Mama mahilig sa mga ganyan, saan mo nga pala nabili 'yan? Ireregalo ko kay mama."
Samantalang si Rare naman ay naglabas ng isang malinis na panyo at pinunasan ng maiigi ang 'rear-view mirror' ng sasakyan.
"Medyo malabo kasi kanina kaya tiningnan ko ng maiigi 'tong salamin. Alam mo may OCD ako."
Hindi makapaniwala si Ley, anong akala nila? Bata ang kanilang inuuto? Mga palusot bulok.
'Confirm, may kung ano sa dalawang 'to. Parang biglang may spark! Yari ka sa akin Chacha. Hahaha'
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Ficção Geral"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
