"Johan"
Tumingin si Johan sa kanyang ama na kasalukuyang nakakunot ang noo. Walang ibang magawa ang kanyang ama kundi ang makiayon para sa proyekto ng JK malls.
"Dad"
"I'll go ahead, keep safe."
"Alright!"
Umalis na si Mr. Kim at dumiretso sa kanyang sasakyan. Nakaabang naman sa sasakyan ang driver at ang kanyang assistant. Hindi kumbinsido si Mr. Kim sa mga nangyayari kaya naman nang makapasok siya sa sasakyan ay agad niyang inutusan ang kanyang assistant.
"Cao, Atty. Nuwz said that Shannon and Rare are already married, I want to know if it is true or not and investigate what is the relationship of my son to that woman and her daughter."
"Yes, Master Kim"
"I need an outcome tomorrow."
Hindi na nagsalita pa ang assistant ni Mr. Kim at nag-umpisa ng asikasuhin ang pinapagawa ng kanyang amo. 'Isang gabi lang ang palugit ko? Anong akala mo Sir, madali kumuha ng mga impormasyon? Pwedeng isang linggo man lang?'
Kahit anong hinanakit ng assistant ni Mr. Kim ay wala siyang magawa dahil alam niyang nagpasya na ang matanda. Hindi niya akalain kung paano tumagal ng tatlumpung taon ang kanyang ama sa tabi ni Mr. Kim. Malaki ang utang na loob ng kanilang pamilya kay Mr. Kim dahil noong mamatay ang kanyang ama ay si Mr. Kim na ang tulong sa kanila at nagpaaral sa kanya kung kaya naman kahit mahirap ang pinapagawa ng kanyang amo ay wala siyang kibo at patuloy lang siya sa pagsunod sa utos.
******
Nang matapos ang kasalan ay sandaling nanatili sila sa hotel kung saan ginanap ang malaking pagsasalu-salo.
"Goodnight daddy."
"Goodnight Troy. Shannon, maghihintay ako sa sofa patulugin mo na ang anak natin at mag-uusap tayo."
Tumango si Shannon at si Johan naman ay umupo sa sofa tiyaka pinanuod ang kanyang mag-ina. Pilit man niyang pigilan ang kanyang luha ngunit patuloy pa rin ito sa pag-agos. 'Is this the chance that I prayed for? I hope so...'
Nang matapos patulugin ni Shannon si Troy ay agad siyang umalis sa tabi ng anak niya at nakita naman niya si Johan na matiyagang nakaupo sa sofa. Lumapit si Shannon tiyaka umupo sa tabi ni Johan.
"Tara sa labas tayo mag-usap baka magising si Troy."
Sumunod si Johan sa yapak ni Shannon papalabas ng kuwartong iyon. Tumuloy sila sa pinakalabas ng hotel at huminto sa hardin ng hotel.
"Shannon, I want to be with Troy everyday."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Stay at my house, don't worry my dad doesn't know about that property."
"Okay."
"Tiyaka gusto kong maging isang buong pamilya tayo. Wala namang nakakaalam na magkapatid tayo bukod sa mga kaibigan at magulang natin. Gusto kong sumugal."
"Ako rin naman, gusto din."
Napahinto si Johan dahil sa totoo lang hindi niya alam kung papayag o hindi si Shannon, natatakot rin siyang maulit ang nakaraan... Noong panahong tinanggihan siya ni Shannon. Alam nilang mali at hindi puwede ngunit gusto nilang ipilit kung ano ang kanilang nararamdaman kahit isang beses lang.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
General Fiction"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
