***********
Nakaupo ang isang may edad na lalaki sa kanyang opisina at biglang may kumatok, saglit na napakunot ang kanyang noo bago siya magsalita.
"Come in"
Pumasok ang lalaking binayaran niya upang malaman kung nasaan ang walang hiya niyang anak. Nagkagulo sa kumpanya kaya napilitan siyang magpatakbo nito imbes na tahimik siyang nagpapahinga sa kanyang tahanan. Ibinaba ng lalaki ang maliit na sobre na naglalaman ng mga larawan.
"Nasa isang isla ang iyong anak. Ang islang ito ay binili niya kasama ang kanyang mga kaibigan."
Inilapag ng lalaki ang larawan nilang magkakaibigan. Hindi naman nagsalita ang ama ni Johan at nakatingin lang sa mga larawan.
"Ngunit naunang umuwi ang mga kaibigan niya at naiwan si Johan at ang isang babae na ang pangalan ay Shannon"
Ramdam ng imbestigador ang pagbaba ng temperatura sa kapaligiran at ang nanlilisik na mga mata ng ama ni Johan.
"I want you to thoroughly investigate this woman."
"Yes sir"
Umalis na ang imbestigador at naiwan ang ama ni Johan habang tinitingnan isa-isa ang mga larawan. 'This kid never learn'
*******
Bumalik si Shannon sa sala at nakita niya ang high heels na nasa ibabaw ng mesa ngunit wala na doon si Johan. Kaya naman agad siyang pumunta sa kuwarto upang tingnan kung nandoon si Johan at hindi nga siya nagkamali dahil natutulog na doon ang binata.
'Tulog na? Hmmp, akala mo mauutakan mo ako. Hahaha'
Lumapit si Shannon at niyugyog si Johan ngunit hinawakan ng binata ang kanyang kamay tiyaka hinatak papahiga sa kama. Bumagsak ang katawan ni Shannon sa ibabaw ni Johan at pinulupot ni Johan ang dalawa niyang braso sa katawan ng dalaga. Ang kalabog ng puso ni Shannon ay parang sa tambol at sa isang iglap lang namula siya.
"Tulog na tayo"
"Eh, tumayo ka na"
"Ayoko nga kasing suotin 'yon"
"Anong gusto mo susuotin mo 'yon bukas tapos di ka naman marunong"
"Kahit na, ayokong sumali sa Ms. Gay"
"Nakaparehistro ka na at may gamit tiyaka nakapag-rehearsal ka na kanina."
Pinalo ni Shannon ang braso ni Johan.
"Tumayo ka na! Bitawan mo na 'ko!"
"Eh"
"Bahala ka nga, tingnan natin sino ang mukhang tanga bukas habang suot-suot ang high heels. Sige matulog ka na para bukas tatawanan kita"
"Kahit naman magsanay ako ngayon, tatawanan mo pa rin ako bukas."
"Okay, bahala ka."
Huminga ng malalim si Johan at niluwagan ang pagkakayakap kay Shannon at agad na tumayo ang dalaga.
"Tara na kasi"
Muling hinatak ni Shannon si Johan at sumunod naman siya sa dalaga. Nang gabing iyong nagsanay si Johan upang magsuot ng istileto at ramdam niya ang mga paltos sa kanyang paa.
'Putangina naman.'
"Johan, anong tinutunganga mo? Rampa!"
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
General Fiction"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
