CHAPTER 9

2.1K 79 4
                                    

Sinundan lang nila sina Johan at Shannon hanggang sa makarating sa M and N. Nakahanda na ang lahat, wala na ring liwanag na nagmumula sa araw. Ang nagbibigay liwanag na lang ay ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw na nagmumula sa likuran at harapan ng entablo pati ang puting ilaw na nakapalibot sa buong lugar. Naupo sila sa gitna upang hindi mahalata ng kaibigan nila ang kanilang presensya samantalang sina Johan at Shannon ay dumiretso sa likod ng entablado. Binigyan sila ng kanikaniyang numero at ang numero ni Johan ay sampu.

"30 minuto na lang magsisimula na tayo, maghanda na kayo"

Nang marinig iyon ni Shannon ay inutusan niyang magpalit ng damit si Johan. Nakasuot si Johan ng boxer na 'sing kulay ng kanyang balat at ang pekeng dede na inorder nila online. Inilabas ni Shannon ang malaking kumot at inutusan ang assistant ni Johan na takpan ang binata upang makapag bihis. Matapos magbihis ay muling nabighani ang kanyang assistant. Ang katawan ni Johan ay balingkinitan idagdag mo pa ang pading na inilagay sa kanyang balakang na animo'y isa siyang ganap na babae. Dahil sa make-up na inilagay ni Shannon ay hindi halata ang muscle niya sa braso, para siyang dalagang madalas mag-gym.

Ang kulay ng gown ni Johan mula sa itaas ay patay na rosas at pagdating sa dulo ay pula. Mukha siyang isang prinsesa na mababasa sa mga kwento at nagkatawang tao.

"Dukutin ko 'yang mata mo eh"

Napakurap ang kanyang assistant at naglaho ang pangarap nang marinig niya ang boses ni Johan.

"Okay, pila na kayo. Alam niyo na ang gagawin"

Sumunod sila sa sinabi ng isa sa mga tauhan ng patimpalak at agad namang isinuot ni Johan ang high heels na nagsisilbing parusa sa oras na iyon.

Samantalang sa ibabaw ng entablado ay umakyat ang isang babae at lalaki na nagsilbi punong abala ng patimpalak sa gabing iyon.

"Magandang gabi sa inyong lahat! Ako si Mommy G"

"Ako naman si Papi Moh"

Nagkatinginan ang dalawa at sabay sabing...

"Pormal naming inuumpisahan ang Ms. Gay Pangkalawakan 2020!"

Nagsipalakpakan naman ang mga nanunuod. Nagsimula ang patimpalak sa isang dasal, nang matapos ay nagsimula muling magsalita ang punong abala sa entablado.

"Ating salubungin ng masigabong palakpakan ang ating mga kandidata."

Rumampa sa entablado ang lahat ng kasali sa patimpalak na iyon. Para namang kinakapos sa hininga sina Hunter, U, Rare, Yller at King habang hinihintay na lumabas si Johan. Pakiramdam nila ay niloloko sila ng kanilang mata dahil kahit anong gawin nila mukhang babae sa paningin nila si Johan.

"Tangina, kung babae talaga si Johan baka inasawa ko na."

"Kadiri ka Yller, pero ang ganda niya kung sakaling maging babae siya."

"Hindi ka nagkamaling isinama mo kami dito U"

Napangiti ang lahat sa sinabi ni Hunter at ang kamera ni King ay nakatutok kay Johan, binigyan niya ng magandang bidyo si Johan upang mainggit ang mga kaibigan nilang hindi nakasama. Matapos rumampa ay bumalik ang mga kandidata sa likuran at isa-isa naman silang ipinakilala ng dalawang punong abala ng patimpalak na iyon. Nagmadaling magbihis ang mga kandidata gayon din si Johan at bawat damit na isinusuot ni Johan ay bagay na bagay sa kanya.

"Goodevening everyone my name is Shane Alvares 27 years old stunner from Mabalacat Pampanga!"

Nag-umpisa ng magpakilala ang mga kandidata. Hindi nila binigyang pansin ang mga nagpapakilala hanggang si Johan na ang rumampa sa entablado at humarap sa maraming tao.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon