Hindi makapaniwala si Johan sa kanyang narinig, hindi kaya ng kanyang konsensya na madamay ang batang nasa sinapupunan ni Shannon kaya naman tinapik niya ng tatlong beses ang kanyang relo.
*******
Samantalang habang nag-aasikaso si Hier ng kanyang imbensyon ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang cellphone.
'911'
Hindi alam ni Hier kung sino ang nasa panganib kaya agad niyang binuksan ang malaking 'monitor' sa kanyang harapan at nakita niya ang kulay pulang tuldok. Nang tuntunin niya ay laking gulat niya na ang kulay pulang tuldok ay nasa bahay ng pamilya ni Johan.
'come here in 5 mins'
Nang matanggap ng kaibigan ni Hier ang kanyang mensahe ay agad silang nagsidatingan. Napakunot ang noo ni Hier bago nagtanong.
"Nasaan si Blue, End at Hunter?"
"Baka may importanteng inaasikaso. Ano ba problema?"
"Hindi ko pa alam kung ano talaga ang problema King, kaso si Johan humihingi ng tulong."
"Kaya mo bang i-hack ang CCTV kung nasaan si Johan?"
"Kaya naman Yller, saglit lang"
Halos maduling si U sa kanyang nakikita, manghang-mangha talaga siya sa tuwing nagtatrabaho si Hier. Hindi niya maintindihan ang mga nakasulat sa 'monitor' hanggang sa makita na lang niya ang maraming bidyo at pinindot ni Hier ang CCTV sa opisina ng ama ni Johan kung saan nagtatalo ang buong pamilya.
"No! This is not his child! Trust me, I don't want to abort it."
Nang marinig nila ang sigaw ni Shannon ay agad silang naalarma.
"Hier, can you make a little distraction in their company? Gave us 30 minutes we can handle this."
"Okay, Rare."
Maya-maya pa ay may tumawag sa cellphone ng ama ni Johan at agad na natigil ang pagtatalo ng pamilya nila, samantalang pinatawag ni Rare ang kanyang tauhan upang dalhin ang flashdrive at laptop na nakalagay sa maliit na tokador sa gilid ng lamesa niya.
"Hier, mauna na kami. Didiretso kami sa bahay ni Johan... Tara Yller sumama ka"
"Sige pre. Una na kami"
"Make it sure it is a good show"
"Oo na King. Matagal na naming ginawa 'to dahil alam naming magkakaproblema ng ganito"
Umalis na sina Rare at Yller samantalang nag-aabang naman sa isang magandang palabas ang iba nilang kaibigan. Nang makarating sila sa mansyon ay agad silang sinalubong ng tauhan ni Rare bago makapasok sa loob.
"Boss"
Iniabot niya ang iniabot niya ang pinapakuha ng kanyang boss at tumuloy na sa loob sina Rare at Yller. Nang makapasok sila ay agad nilang ipinarada ang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng mansyon. Nagbigay galang naman ang mga kasambahay at ilang tauhan sa mansyon, kumatok ang matandang tauhan sa pintuan bago pumasok.
"Master, Sir Frisch and Atty. Nuwz are here."
"Come in"
Eleganteng pumasok sina Rare at Yller tiyaka yumuko sa ama ni Johan upang magbigay galang. Si Johan naman ay palihim na ngumiti nang makita ang kanyang mga kaibigan at nahihinuha na niya na may kinalaman ang kanyang kaibigan sa tawag na sinagot ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Ficción General"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
