Binuhat ni Rare si Shannon at agad na isinakay sa kotse.
"Jones Hospital, bilisan mo!"
Agad na pinaandar ni Yller ang kotse at mabilis na nagmaneho. Habang nasa loob ng sasakyan ay naramdaman ni Rare ang pamamasa ng kanyang hita kaya naman agad niyang tiningnan iyon at kitang-kita niya ang dugong umaagos mula kay Shannon.
"Tangina bilisan mo Yller! Dinudugo na siya!"
Itinodo ni Yller ang pag-apak sa silinyador ng kotse. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nakarating na sila sa ospital at agad na isinugod sa 'emergency room'
"Hanggang dito na lang po kayo. Kami na pong bahala sa pasyente"
Pinigilan silang dalawa ng nars kaya naman ay naghintay sila sa labas.
"Tawagan mo si Johan"
Tinawagan ni Rare si Johan ngunit nakapatay ang cellphone niya.
"Tangina talaga! Yller sana cellphone na lang din si Johan."
"Bakit?"
"Para papatayin ko rin siya! Tangina talaga"
"Hahaha, gago. Tawagan mo lang ang tita mo."
"Ha? Tita ko?"
"'Yong mama ni Shannon, diba tita mo siya. Hahahaha"
"Ulol mo"
Maya-maya pa ay may tumawag kay Yller at nagpaalam siya kay Rare dahil may importante siyang kliyente na dapat asikasuuin. Isang oras ang nakalipas bago lumabas ang doktor kaya agad namang lumapit si Rare.
"Doc, how is she?"
"As of now she is fine. She almost had a miscarriage but don't worry your wife and baby is fine"
Napahinto naman si Rare sa narinig niya.
"Your wife? Sounds good but unfortunately she is not. I am her... Brother"
Gusto man niyang bawiin ang kanyang sinabi ngunit alam niyang ito ang paraan upang malaman kung ano ba talaga ang kalagayan ni Shannon dahil hindi sasabihin ng doktor kung ano ang iba pang mahalagang detalye lalo na kung ito ay personal sa hindi kamag-anak ng pasyente.
"Oh, I'm sorry. Your sister almost had a miscarriage because of stress so you should look for the things that makes her happy and lessen her burden."
Yumuko ang doktor at nagpasalamat naman si Rare. Inilabas ng mga nars si Shannon at pumunta sa kuwarto upang makapagpahinga. Sumunod naman si Rare sa kanila at binantayan ang natutulog na si Shannon. Kinuha ni Rare ang kanyang cellphone at pinapunta ang isa sa kanyang mga tauhan. Ilang saglit lang ay may kumatok at pumasok ang isang napaka gandang dalaga.
"Boss"
"Phoebe, buy some fruits and other necessities for her."
Yumuko ang dalaga at lumabas na sa kuwarto samantalang si Rare ay nakaupo lang sa isang tabi habang pinagmamasdan ang walang malay na si Shannon. Kinuha naman ni Rare ang cellphone ni Shannon at agad itong binuksan.
'Hindi pa rin nagpapalit ng password'
Tinawagan niya ang ina ni Shannon upang ipaalam ang balita.
"Hello, Shannon nasaan ka ba? Umuwi ka na dito—"
"Hello po tita si Rare po 'to."
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Aktuelle Literatur"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
