*********
Nagising sina Johan at Shannon habang magkayakap. Inayos ni Johan ang buhok ni Shannon dahil nakasabog ito sa mukha ng dalaga. 'Ganito siguro ang pakiramdam ni End sa tuwing sumasalubong sa kanya si Ley sa umaga... Ang gaan sa pakiramdam'
"Ay puta"
Nabigla si Johan kung kaya't napamura siya ng wala sa oras samantalang nagtakip ng ilong si Shannon. Umupo si Shannon at tumingin ng masama kaya Johan.
"Ang baho ng hininga mo! Kadiri! Magsipilyo ka nga"
"Ano bang aasahan mo sa taong nakainom kagabi?"
"Basta mabaho talaga... Tara na mag-asikaso na tayo"
Dali-daling pumasok sa banyo si Shannon at nilagyan ng toothpaste ang kanyang toothbrush samantalang sumunod sa kanya si Johan. Sabay silang nag-toothbrush ng ngipin habang naghaharutan.
"Haaaaah!"
Hiningahan ni Johan si Shannon matapos mag-toothbrush.
"Pwede na mabango na. Kanina nakakasulasok sa baho"
"Paamoy na ako ng sa'yo Shannon"
"Haaaaaah!"
"Yan mabango na rin... Pero may alam ako para mas maging mabango hininga mo"
"Talaga? Paano?"
"Halikan mo 'ko ng 30 seconds with tongue. Solid 'yon mabangong mabango na yung hininga mo. Biruin mo yung bango ng hininga ko ililipat ko— Aww!"
"Baliw!"
Lumabas si Shannon upang kuhanin ang sabon niya sa bag at muli siyang bumalik sa banyo.
"Hilamos na tayo"
"Tapos na ako"
"Ha? Wala kang ginamit na sabon"
"Tubig lang ginamit ko"
"Ha? Maghilamos ka ulit."
"'Yan ang problema sa inyong mga babae ang daming ginagamit na mga ganyan tapos may tigyawat pa rin. Ako hindi pa ko tintigyawat"
"Ang dami mong sinabi, ayaw mo lang maghilamos eh."
"Tapos na nga ako, naghilamos na ako. Tingnan mo sabon mo, Gluta White Shimmering Splendid, pero mas makinis mukha ko sayo"
"Tsk! Lumabas ka na nga! Iniinit mo ulo ko eh"
Natatawang lumabas si Johan sa banyo at hinayaan niyang magritwal si Shannon. Matapos mag-ayos ni Shannon ay nakita niya sa kuwarto si Johan na natutulog. 'Ganon ba ako katagal sa banyo? Haist.'
Lumabas si Shannon at binuksan ang refrigerator, buti at nasabihan na ni Johan ang care taker ng rest house niya na mamili ng mga pwedeng lutuin. Kumuha si Shannon ng itlog at corn beef tiyaka dalawang patatas. Una munang inayos ni Shannon ang bigas upang maisaing tiyaka siya nagprito ng itlog at nagluto ng corn beef.
Nag-init siya ng tubig matapos magluto, sakto namang may instant coffee mix sa pantry kaya nagtimpla siya ng kape. Matapos maghain ay bumalik siya sa kuwarto upang gisingin ang natutulog na prinsipe.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Fiksi Umum"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
