CHAPTER 11

2.1K 73 2
                                    

"Frisch Club tayo"

Nakita nang lahat ang mensahe ni King bukod kay Johan na ngayon ay tutok na tutok sa kanyang trabaho. Walang oras si Johan upang tingnan ang kanyang cellphone kaya naman mainit ang ulo ni King dahil hindi dumating ang kanyang magaling na kaibigan. Kung sino ang nag-aya siya ang magbabayad, balak ni King ay pabayarin si Johan upang makalibre ng alak ng tatlong buwan ngunit wala ang kanyang kaibigan.

"Pa'no ba 'yan King? Taya ka"

"Saglit lang Rare, baka parating na siya"

"Alam mo King hindi mo mauutakan si Johan, kuripot 'yon eh. Kailan ba siya naging taya sa inuman?"

"Noong college, remember he treat us here for three days"

"Wag kang mangarap, kaarawan niya kasi no'n at binigyan siya ni tito ng pang-inom"

Napaisip sila sa sinabi ni Hunter, Oo nga. Kaarawan ni Johan noon at inilibre silang magkakaibigan sa Frisch Club ng tatlong araw. Umasim naman ang mukha ni Rare sa narinig niya.

"Mga ulol, ako nanlibre no'n. Nagpaawa siya dahil wala daw siyang kasama sa birthday niya kaya sabi ko ako na bahala sa tatlong araw sa Frisch Club"

Nagkatinginan silang magbabarkada sila sinabi ni Rare.

"Talaga? Gago 'yon ah!"

"Huwag kang mag-alala Rare, babawian natin si Johan"

Nagsitawanan naman sila sa sinabi ni King. Napakunot ang noo ni Hier dahil hindi niya makita si End at Blue.

"Saan si End at Blue?"

"50 pesos"

Naglapag ng singkwenta si Hier sa lamesa at napailing. 'Kahit kailan talaga King, wala kang kupas'

"Si End busy sa asawa niya samantalang si Blue nasa emergency sa ospital"

"Ikaw kaya King? Kailan ka magiging busy?"

"Pag naging busy si Johan."

Nagsitawanan silang lahat, si Johan kasi ang kabigan nilang laging nakaagapay at nakasuporta. Para bang walang trabaho dahil bigla-bigla na lang sumusulpot sa kahit anong lakad ng barkada kumbaga sa paaralan lagi siyang pumapasok at hindi siya lumiliban sa klase.

"Tawagan mo nga si Johan"

Napakamot naman ng ulo si U sa inutos ni Yller. Hinanda nila ang cellphone at pinindot ang 'loud speaker'

"Hello, Mr. Sy I am Johan's assistant. How may I help you"

"What is your name?"

"Kevin po"

"Okay, Kevin. Where is Johan?"

"The CEO is currently in his office and working for three days without sleep"

Nagkatinginan silang magkakaibigan, naiintindihan nila ang ganoong sistema, madalas silang kulang sa tulog pero hindi pa nila naranasan na hindi matulog ng tatlong araw.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon