CHAPTER 6

2.6K 70 2
                                    

"Johan, tara labas tayo"

"Sige sandali, magbibihis  lang ako."

"Okay naman 'yang suot mo ah"

"Pinagpawisan na'ko, ang baho ko na. Saglit lang talaga"

'Hmmp, ang arte naman' Hindi pa man nakakasagot si Shannon ay agad na tumayo si Johan at nagmamadaling pumasok sa kuwarto upang magbihis. Nang lumabas si Johan sa kuwarto ay agad na napalagok ng sariling laway si Shannon.

"Ta... Tara na"

"Why are you stuttering?"

"Nautal ba ako? Hindi naman, hindi"

Napangiti si Johan sa pagsisinungaling ni Shannon. Agad na hinawakan ni Johan ang kamay ni Shannon tiyaka lumabas sa resthouse. Naglakad sila hanggang makaabot sila sa mabatong parte ng pampang.

"Saan tayo pupunta"

"Doon"

Tinuro ni Johan ang mataas na bangin na kung saan marami ang tumatalon.

"No, magpapakamatay ka ba?! Ikaw na lang ang tumalon diyan."

"Hahaha"

Akmang tatakbo na si Shannon nang biglang siyang hatakin ni Johan tiyaka siya binuhat na parang isang sakong bigas.

"Ibaba mo ako! Ayoko na! Please."

"No"

Mangiyak-ngiyak si Shannon habang papunta sa kanilang paroroonan. 'Kung alam ko lang, hindi ko na sana siya inaya palabas. Gusto niya palang magpakamatay bakit idadamay niya pa ako?'

"Hindi ka ba nabibigatan sa akin, ibaba mo na ko"

"Ibaba kita? In your dreams"

"Nakakahiya! Maraming nakatingin sa atin."

"Sana inisip mo yan bago ka magtangkang tumakas kanina"

"Johan!"

"Kahit tawagin mo pa ang buong pangalan ko, uh-uh. Tatalon pa rin tayo doon"

"Maawa ka naman sa akin"

'Sana naawa ka sa akin habang inuutusan mo ko maglinis kanina. Hahah'

Hindi na nagsalita pa si Johan at patuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating sila sa parteng hindi na gaanong mabuhangin.

"Ang bigat mo"

"Hoy! Johan ang kapal ng mukha mo! Sino ba nagsabing buhatin mo ako."

"Siyempre ang akala ko talaga magaan ka"

"Oh, please shut up! Magaan naman ako, lampa ka lang"

"Baka kung iba ang bumuhat sayo hindi ka nila maiangat"

"Urgh"

Ramdam ni Johan ang pagpalo ni Shannon sa kanyang likuran. Tiniis ni Johan ang kirot at patuloy lang siya sa paglakad hanggang makarating sa kanilang destinasyon. Agad na napalunok si Shannon nang ibaba siya ni Johan.

"Ayoko talaga"

"Trust me, kaya mo"

"No"

"Yes Shannon, you can do it"

Napapikit ng mariin si Shannon tiyaka lumapit sa lalaking nagbibigay ng life vest.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon