Habang nag-eempake si Shannon ay nanunuod lang si Johan habang buhat-buhat niya si Troy. Hindi namanlayan ni Johan na nakatulog na si Troy.
"Johan."
"Hmm?"
"Ihiga mo na dito sa kama si Troy"
Dahan-dahang ibinaba ni Johan ang kanyang anak.
"Johan, ikaw na mag-empake ng mga gamit ni Troy para mas mabilis tayo. Alas-dos na ng hapon, baka gabihin tayo."
"Sige."
Lumabas si Johan at pumunta sa kuwarto ni Troy ngunit muli siyang bumalik sa kuwarto ni Shannon.
"Shannon, nasaan na ang maleta ni Troy?"
"Ay, sorry. Ayun 'yong maleta sa ibabaw ng aparador. 'yong kulay pink, tapos kuhanin mo na rin 'yong bag. Marami kasing damit si Troy baka hindi kasya sa maleta."
Kinuha ni Johan ang ang maleta at bag tiyaka bumalik sa kuwarto ni Troy. Ang unang problema ni Johan ay kung paano mag-empake. Parati kasing mayroong nag-eempake para sa kanya kung minsan nama'y kapag umaalis sila ng kanyang mga kaibigan ay hindi na siya nag dadala ng kahit anong damit dahil may mga damit siya sa lahat ng pagmamay-ari niya mga villa, rest house o pati na rin sa condo ng kaibigan niya ay nag-iiwan siya ng mga gamit doon upang may gagamitin siya kapag nagkataon. Noong nag-aaral pa lamang sila ay mahilig na silang magkakaibigan na maghiraman pwera lang kay Rare dahil may OCD siya at ayaw niyang nahahawakan ng iba ang nga personal niyang mga gamit.
Unang inilabas ni Johan ang lahat ng gamit ni Troy, inirolyo niya ang mga damit at inilagay sa loob ng maleta.
'Eh, hindi maganda tingnan. Bakit mukhabg siniksik lang?'
'Ano ba ang unang ilalagay? Damit o short? May palda at dress pa. Sama-sama ba lahat?'
Sunod niyang ginawa ay inilatag niya ang mga damit at hinipid sa loob ng maleta. Nakabuyangyang lang ang lahat at hindi niya tinupi.
'Aish! Pano ba gawin 'to?'
Halos mabaliw siya sa kakaisip kung paano ang gagawin sa mga damit. Naalala niya kung paano tupiin ni Shannon ang mga damit kanina kaya naman ginaya niya iyon, gayundin ang pagtupi ng mga short. Ngunit hindi niya alam kung paano magtupi ng palda at dress. Hindi namalayan ni Johan na bumukas ang pintuan at sinilip siya ni Shannon.
"Anong ginagawa mo bakit ka nakatulala?"
"Ha? Hindi ko ano."
"Ha?"
"Hindi na mag-eempake si Troy dahil bibilhan ko siya ng mga bagong damit."
"Bakit naman? Sayang naman tong mga damit ni Troy masusuot pa naman."
"Gusto ko kasi bago para sa bagong simula. Itong mga damit pwede naman natin itong ibigay sa mga nangangailangan"
"Ikaw bahala. Ako na d'yan. Pipiliin ko lang 'yong mga paborito niyang suotin."
"Sige."
Pinanuod ni Johan si Shannon at lahat ng napiling gamit ay nagkasya sa isang bag. Naiwan na ang maleta at inayos ni Shannon ang mga damit na ipamimigay. Tinawagan naman ni Johan ang kanyang assistant upang isaayos ang lahat. Ginising ni Johan si Troy dahil sila ay aalis na at sabik na ang bata para sa magiging bago niyang tahanan.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Fiksi Umum"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
