CHAPTER 2

4.3K 100 4
                                    

"Sorry, hindi kita kilala"

Agad na tumalikod si Johan ngunit nang paalis na siya ay agad na hinawakan ng ginang ang kaniyang kamay. 

"Johnny, johnny...  Yes mommy? Eating Chocolates? No mommy. Telling lies?—"

"It is not funny mom."

Agad na pinutol ni Johan ang kinanta ng kaniyang ina. Iyon kasi ang palaging kinakanta sa kaniya noong bata pa siya. Matapos umalis ng kaniyang ina noon ay nagkita silang muli noong nalaman ng kanyang ama na mayroong mali kay Johan.

'Kung puwede lang kitang kalimutan'

"So, kuya kita.  Tangina"

Napatingin siya kay Shannon na kasalukuyang lumuluha.

"Anong nangyari?"

Hindi maintindihan ng ginang kung bakit umiiyak ang kaniyang anak.

"Nangyari? Wala naman.  Walang nangyari...  Right kuya?"

"Tangina"

Natigil ang ginang nang marinig niyang nagmura si Johan. 

"Nagmumura ka anak?"

Mapait na ngumiti si Johan. Matapos ang lahat makikita niya ang kanyang ina sa ganitong sitwasyon pa. 

"Huli ka na sa balita. Mauna na ako"

Agad na umalis si Johan at dumiretso sa Frisch Club.

'Tangina kung minalas-malas ka nga naman.'

****

"Ma, pupunta muna ako sa Condo ni Ley."

"Hindi ka ba muna magpapahinga?"

"Hindi na muna. Nag-aalala ako baka kung ano nangyari sa babaeng 'yon"

Pumasok siya sa loob ng bahay at nagbihis tiyaka kinuha ang susi ng kotse nila tiyaka umalis. 

Napailing si Shannon sa nangyari. Pinunasan niya ang kaniyang luha sa pisngi. 

"Bakit ba ang tanga mo! Minsan na nga lang mangyari na madiligan ka... pero shit! Sa kapatid mo pa!"

Nang makarating siya sa condominium ay agad siyang pumunta sa unit ni Ley. Buti na lang alam niya ang passcode ng unit kaya mabilis siyang nakapasok sa loob.

"Ley?"

Pumasok siya sa kuwarto ngunit wala ang kanyang kaibigan

"Ley?"

Ang sunod niyang pinuntahan ay ng bnyo ngunit wala pa rin ang kaibign niya.

"Hindi umuwi si Ley? Aba naglandi rin si gaga!"

'Hmmmm'

Kumuha si Shannon ng isang upuan at sinakto niya iyon sa harapan ng pintuan.

"Ang tagal namang umuwi! Nakipag sex pa ata bago umuwi."

Biglang umayos nang upo si Shannon nang marinig ang paglagatik ng pinto at nakita niya si Ley na papasok sa loob.

"At saan ka galing aber?"

Agad niyang kinastigo si Ley.

"D'yan lang"

'Sige lang, magpalusot ka pa bruha. Bakit kaya nakatakip ng panyo ang leeg niya? Ano siya, flight attendant?'

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon