CHAPTER 25

1.8K 70 3
                                    

"Shannon pakipatay ang cellphone mo isama mo na rin ang mga dala mong gadget."

"Okay."

Sumunod si Shannon sa sinabi ni Hier. Bukod sa cellphone ay wala naman siyang dalang kahit na anong gadget kaya hindi na siya nahirapan pa.

"Ito ang gagamitin mo para makontak si Johan."

Tinanggap ni Shannon ang isang cellphone at matamis na ngumiti kay Hier. Ang iniiwasan ni Hier na mangyari ay baka ma-trace si Shannon gamit ang mga cellphone o kahit anong gadget na pagmamay-ari niya.

"Salamat."

"Shannon, nailagay na namin sa kotse ang mga gamit niyo, tara na. Johan, maiwan ka na lang dito sa Frisch."

Tumingin si Shannon kay Johan nang magsalita si Hunter. Hindi naman tumutol si Johan kahit gusto niyang sumama sa paghatid kay Shannon papunta sa bahay ni Hier.

"Bye"

Tumango si Johan kay Shannon samantalang si Shannon naman ay sumakay na sa kotse kasama ang kanyang anak. Nang makarating sa bahay ay hindi akalain ni Shannon na sobrang laki ng kanilang tutuluyan. Lahat ng kanilang mga pangangailangan ay nandoon na.

"This is chef Gina, Nana Hira, at Mang Kiko."

Napatulala si Shannon at Troy nang makita ang tatlo sa kanilang harapan.

"Wow! Robot!"

"Si chef Gina, siya ang magluluto ng lahat ng kakainin niyo, Si Nana Hira ay gagawin ang lahat ng inutos niyo samantalang ilagay niyo na lang sa likod ni Mang Kiko lahat ng mga bagay na kailangan mong buhatin."

"Ahh, salamat."

"Lahat ng mga bagay dito ay ginagamitan ng remote para makontrol mo ang lahat. Mula sa pagsara ng bintana hanggang sa pagsara o pagbukas ng pintuan. Itong kulay pulang buton ay para sa seguridad niyong mag-ina lalo na kapag may nakapasok dito sa loob o may hindi inaasahang bisita, pindutin mo lang 'to at maliligtas kayo sa gulo."

"Sige. Salamat ng marami Hier."

Hindi naman siya pinansin ni Hier at lumabas na matapos ipaliwanag ang lahat.

Sa loob ng tatlong araw na pamamalagi sa bahay ni Hier ay nasanay na siya sa lahat ng bagay samantalang si Troy ay palaging sumusunod kay Mang Kiko at sa iba pang mga robot. Palagi rin silang nag-uusap ni Johan gamit ang cellphone na ibinigay ni Hier, hanggang sa matatanggap siya ng text kay Johan.

'Shannon, aalis kami ng bansa para tulungan si Hunter.'

'Kailan kayo aalis?'

'Bukas'

'Sige ingat.'

'Ingat kayo ni Troy, love you'

Napangiti naman ai Shannon sa teks ni Johan. Ang bawat araw na wala si Johan ay parang taon ang tagal. Nang matapos tulungan nila Johan si Hunter ay akaramdam siya ng sabik dahil sa wakas makakauwi na rin siya sa pinas. Napagdesisyunan naman ni Johan na supresahin si Shannon sa kanyang pagbabalik. Halos dalawang linggo din siyang nasa Lexembourg. Dumating si Johan sa tinutuluyan ng kanyang mag-ina at nakita niya sa hapagkainan na kumakain ng umagahan sina Shannon at Troy.

"Shannon."

Napatingin sa kanya si Shannon at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon