CHAPTER 7

2.3K 66 3
                                    

Nang makarating sila sa M and N ay agad na dumiretso si Shannon sa lamesa na nasa gilid upang magtanong.

"Dito po ba magpaparehistro para sa Ms. Gay Pangkalawakan?"

"Yes po, magpaparehistro ka po ba?"

Napahagikgik si Johan sa likuran dahil inakala ng babae na si Shannon ang magpaparehistro. 'Mukha ba kong bakla? Ihampas ko kaya sa babaeng 'to  ang dede ko? Ghad!'

Ngumiti si Shannon at umiling sa babae, medyo namumula ang leeg ni Shannon dahil pinipigilan niyang mainis sa babaeng nasa harapan niya.

"Hindi ako, siya"

Tinuro ni Shannon si Johan na nasa likuran. Maluha-luha si Johan dahil pinipigilan niya ang kanyang pagtawa.

"Ahh, sayang naman. Bakit kaya nagkakaubusan na ng mga guwapo sa mundo."

Rinig nilang dalawa ang pagbulong nang babae habang inilalabas ang isang papel.

"Pasagutan na lang, huwag po kayong mag-iiwan ng blangko tapos pirmahan mo dito sa ibaba"

'For fucking goodness'

Mapait ang hilatsa ng mukha ni Johan habang sinasagutan lahat ng mga kailangang sagutan, karamihan ay puro mga personal na impormasyon lang. Nang isauli ni Johan ang papel ay may ibinigay na numero ang babae, ang numero niya ay sampu.

"Bumalik ka rito mamayang alas-singko ng hapon at alas-siyete ng umaga para sa 'rehearsal', konti na lang ang oras mo para makapagpraktis dahil ngayon ka lang nagparehistro. Ikaw na ang pinaka huling kandidata na tatanggapin namin."

"Okay"

Tumalikod si Johan tiyaka hinawakan ang kamay ni Shannon at tuluyan nang umalis.

"Kain na tayo, nagugutom na ako"

Pumasok sila sa isang kainan at naghanap ng puwesto si Shannon samantalang kumuha naman ng pagkain para sa kanilang dalawa si Johan. Nang maihain na ni Johan ang pagkain ay nilantakan na ito ni Shannon.

"Oo nga pala, mamaya mamimili tayo ng gagamitin mo para bukas ng gabi."

"Sino mag-aasikaso sa akin bukas?"

"Siyempre ako! Tiyaka i-tetape natin yang si Junie"

"What the fuck? Are you fucking kidding me?"

"Huwag mo kong ma fuck-fuck. Ganon talaga para hindi bumukol yang si Junie, alangan namang mag-gown ka tapos may nakaumbok sa harapan mo."

Napahilot sa sentido si Johan at wala siyang magawa kundi ang makisabay sa agos. Nang matapos silang kumain ay saglit silang nagpahinga tiyaka tuluyang umalis sa restawran.

"Punta muna tayo sa bilihan ng pampaganda"

Gustuhin mang tumakbo ni Johan ngunit hindi niya magawa. Hindi akalain ni Johan na sandamakmak na make-up ang bibilhin ni Shannon.

"Ano 'to? Parang pallet ng water color. Tangina"

"Hahahaha, eyeshadow yan."

"Bakit ito nakahiwalay?"

"Foundation kasi yan"

"Para saan 'to? Bakit kailangan ng cream? Parang sa paggawa lang ng bahay tapos finishing na.... Ang dami namang brush"

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon