Nang matapos ang araw na iyon, kahit gustuhin man ni Johan na makita si Shannon ay pinigilan niya ang kaniyang sarili kung kaya't hindi na sila nagkita pang muli.
"Mr. Kim your schedule is to visit JK mall in alabang."
"Okay, wait for ten minutes."
Lumbas ang sekretarya niya sa kanyang opisina, agad siyang napahilamos gamit ang kaniyang palad.
'Bakit ba kasi ako pa? Puwede naman si Dad ang mag-asikaso ng lahat! Akala ko ba tiga-pirma lang ako dito.'
Simula nang ipasa sa kaniya ang pusisyon bilang CEO at pagiging presidente ng kanilang kumpanya noong isang taon, pakiramdam ni Johan na wala na siyang oras para sa kaniyng sarili.
Noon, magdamag siya sa mga 'club'...
Babae dito, babae doon.
Ngunit ngayon... Pakiramdam niya ay nawalan siya ng oras sa mga bagay na iyon. Ilang buwan na ba simula nang makilala niya si Shannon? Mahigit sa dalawang buwan na niya itong hindi nakikita. Mainam ring hindi na sila nagkita sapagkat magiging dahilan lamang ito ng kaniyang matinding pagkakasala.
Lumabas sa opisina si Johan at sumunod ang kanyang sekretarya. Nang makasakay sa sasakyan ay agad namang pinaandar ng kaniyang driver ang kotse at pumunta sila sa JK mall sa alabang. Dinagdagan ng trapik ang init ng kanyang ulo at kitang-kita ng kanyang sekretarya ang kunot sa noo niya.
Nang mkarating sa JK mall ay agad siyang pumasok sa loob at ang mga guwardiya ay nagsiyukuan sa kanya samantalang sinalubong sila ng mga manager at namumuno sa mall na iyon.
"Dito po ang daan niyo sir, mga empleyado po ng mall ang dumadaan diyan."
"Hindi ba ako empleyado ng mall? Nagtatrabaho rin ako tulad niyo, what I hate most is that you guys give special treatment to me. Tao rin ako at empleyado rin ako ng mall, always remember that"
"Sorry po."
Hindi niya tinanggap ang paghingi nang tawad ng kaniyang empleyado at patuloy siyang naglakad sa dinadaanan ng mga emplayado na konektado sa likod ng mall at doon lahat pinoprseso ng mga dokumento at iba pang gawaing pang-opisina. Ang mga empleyado ay hindi maistorbo sa kanilang mga ginagawa.
"Stop working."
Nagsitigil ang lahat nang marinig ang boses ng manager na nasa kanyang kaliwa.
"Magandang umaga po."
Nagsiyuko ang mga empleyado bilang respeto kay Johan.
"Magandang umaga din sa inyo."
Saglit na yumuko si Johan at nginitian ang kaniyang mga empleyado.
"Ang guwapo pala ni sir."
"Sana lagi siyang bumibisita, para sipagin ako at hindi antukin sa pag-encode"
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Johan ang mga papuri mula sa kanyang mga empleyado.
"Magpatuloy na kay—"
"Good morning"
Natigil ang lahat at napatingin kay Shannon, si Shannon ay 'accountant' ng JK mall sa alabang. Mababakas ang pagkabigla sa mukha nina Shannon at Johan.
"Good morning sir"
Nagbigay galang si Shannon kay Johan, sino bang mag-aakala na boss niya si Johan.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Fiksi Umum"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
