Hindi pinahalata ng ama ni Johan na miski siya ay naguguluhan sa lahat ng pangyayari. Wala siyang naging sagot sa nasabi ng babae samantalang si Shannon naman ay namutla sa kanyang narinig bago magtanong.
"Kilala niyo po ba kung sino ang tunay kong ina?"
"What? Tunay mong ina?"
"Ako 'yong inampon ni mama."
"Ahh, ang tunay mong ina ay dating sekretarya ni Harold. Ang alam ko Pimentel ang apelyido at kapatid ng unang nobyo ni Jamaica."
Hindi naman makagalaw sa kinatatayuan ang ama ni Johan dahil ang babaeng tinutukoy ng ginang ay ang dahilan kung bakit nasira ang kanyang pamilya.
"Salamat po."
Ngumiti lang ang ginang at umupo sa unahan, kitang-kita ang pagtulo ng kanyang mga luha.
Gusto mang magpakasaya nina Johan at Shannon ngunit hindi nila magawa. Malaki ang pasasalamat ni Johan sa kanyang ninang dahil sa ibinalita nito.
"Kayong dalawa, pagkatapos malibing ni Jamaica mag-uusap tayo."
"Okay po dad."
Hindi umimik si Johan sa sinabi ng kanyang ama. Ibinalita ni Johan ang nangyari sa kanyang ina sa mga kaibigan niya. Dali-daling sumuporta sina King, Hier, Yller, U, Hunter, End at Rare.
"Condolence Pre."
Hindi umalis sa tabi niya ang kanyang mga kaibigan. Tinutulungan pa sila sa pag-aasikaso sa lamay pati na rin sa pag-aalaga kay Troy.
"Shannon, sa bahay muna si Troy para may kalaro si Xavier habang marami kang inaasikaso dito."
"Salamat Ley."
"Ley"
"Johan, bakit?"
"Isa lang ang pakiusap ko... Sana huwag mong ilapit si Troy kay King, parang awa mo na."
"Aba gago—"
"King nasa lamay tayo.
Natigil naman si King sa sinabi ni U at sinamaan niya lang ng tingin si Johan. Ang iba naman ay nagpipigil ng tawa dahil sa pakiusap ni Johan, sino ba naman kasi ang magulang na gugustuhing matutong mangurakot ang kanilang anak? Si King kasi 'yong tipong kapag sinamahan mo hindi mo napapansing ninanakawan ka na niya.
"Oo nga pala, hindi kami magkapatid ni Shannon."
Ang lahat ay nabigla puwera na lang kina Rare at Yller.
"Paano nangyari 'yon?"
"Ganto kasi U, matapos akong isilang nagkaproblema ang matres ni mommy kaya kinailangang tanggalin 'to. Kaya naman itong si Shannon ay hindi ko tunay na kapatid sa ina dahil ampon lang siya ni mom."
"Ahh, para makasiguro tayo at matibay ang ebidensya na hindi anak ng mom mo si Shannon ay ipa-DNA test natin sila."
"Okay sige, magandang ideya 'yan Hunt."
"May gusto kasi akong malaman kaya puwede ba kong humingi ng tulong."
"Oo naman Shannon, ano ba ang gusto mong malaman."
"End, gusto kong malaman kung sino talaga ang tunay kong magulang at bakit nila ako ipinamigay."
Nang marinig ito nina Yller, Rare, Hunter, at U ay biglang pumasok sa kanilang isipan ang kambal na iniwan sa tapat ng bahay ni Blue. Buti na lang at hindi ipinaampon ni Loaisa ang kambal, mas maganda pa rin ang naging desisyon niyang iwan ang anak niya sa tapat ng bahay ng kanilang Blue. Malaki naman ang pasasalamat ni End dahil hindi ipinamigay ni Ley ang kanilang anak.
BINABASA MO ANG
Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)
Ficción General"Don't judge me like you know my story because it doesn't yet even started." -Shannon ****** Book Cover by: findinghumanity
