EPILOGUE

4.1K 100 24
                                    

Naransan mo na bang magkagusto sa tao ngunit wala kang magawa?

Nagmamasid ka lang sa malayo at nag-aabang ng tamang pagkakataon.

Unang beses niyang makilala si Johan ay noong bata pa sila. Silang dalawa ay palaging nagkalaro ng bahay-bahayan. Siya ang nanay at si Johan ang asawa niya samantalang ang mga manika naman ang kanilang mga anak.

Wala silang iniinda na problema at ang tanging iniisip nila ay kung paano nga ba kapag sila'y lumaki na.

Magkakasama pa ba sila?

Maglalaro pa kaya sila?

Maaalala pa kaya nila ang isa't-isa?

Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi na hinintay ng tadhana ang kanilang paglaki upang kaharapin ang mga iyon dahil noong maghiwalay ang magulang ni Johan at siya'y nagkasakit, may iisang tao siyang naibaon sa kanyang ala-ala.

Si Athena...

Siya ang batang babaeng pinakanaapektuhan sa lahat. Natulog siyang maganda ang kanilang samahan ngunit isang araw paggising niya ay hindi na siya kilala ng kaibigan niya. Nang malaman niya sa kanyang yaya na nagkaroon ng sakit si Johan dahil sa 'trauma' at ipinasok ang kaibigan niya sa SPED school ay pinilit niya ang kanyang magulang na mag-aral sa eskuwelahan malapit sa pinag-aaralan ni Johan. Hindi nakakalimot si Athena, tuwing uwian ay sinasabihan niya ang kanyang sundo na dumaan sa eskuwelahan ni Johan upang masilip ang kanyang kaibigan. Hindi niya namalayan na nakaugalian na niya ang pagdaan kung saan nag-aaral si Johan.

Matiyaga siyang nakatingin mula sa gate at pinagmamasdan ang malungkot niyang kaibigan. Hanggang sa makita niya kung paano nagkaroon ng bagong kaibigan ang batang lalaki. Hindi siya sumusuko dahil naiintindihan niya na kung hindi dahil sa mga nangyari sa pamilya ni Johan ay baka siya ang nasa tabi at masayang nakipaglalaro sa kanya. Sa araw-araw niyang pagmamasid ay isa lang ang kanyang dalangin... sana ay lingunin siya ni Johan ngunit dumaan ang taon ay hindi iyon natupad. Hanggang sa dumating ang panahon kung saan puwede ng mag-aral si Johan sa regular school. Lubos niya iyong ikinatuwa ngunit sa hindi inaasahan sa isang 'all boys school' nag-aral si Johan. Lumipat siya ng paaralan katabi ng eskuwelahan ni Johan. Parati siyang nag-aabang sa gate upang masulyapan si Johan. Sa isang buwan niyang paghihintay sa labas ay suwerte kung makita niya si Johan ng tatlong beses sa loob ng isang buwan. Lubos siyang nasasaktan ngunit sa ganitong paraan lang mapapanatag ang kanyang kalooban. Hanggang sa hindi niya napapansin na ang pagtingin niya bilang kaibigan kay Johan ay napalitan ng pagmamahal. Hindi na niya nasundan ang binata nang ito'y magkolehiyo dahil nag-aral si Johan sa ibang bansa at siya ay naiwan dito sa Pilipinas.

Lumipas ang panahon at alam niyang matagal ng nakabalik si Johan ngunit hindi niya alam kung magkikita pa ba sila. Hanggang sa muli niya itong nakita sa isang Club at doon may nangyari sa kanila ngunit paggising niya ay wala siyang katabi. Mapait siyang ngumiti at napaisip kung hanggang kailan nga ba siya maghihintay at kung ano pa ang kaya niyang ibigay dahil naibigay na niya ang lahat at wala ng natira para sa kanyang sarili. Sa loob ng dalawampu't pitong taon ay walang lalaking napalapit sa kanya ngunit sa isang gabi lang ibinigay niya ang lahat sa lalaking hindi kayang suklian ang kanyang nararamdaman.

Ano pa ba ang halaga niya? Hindi niya akalain na mahirap magmahal sa tao hindi naman kayang suklian kanyang nararamdaman. Ngunit kahit gaano kasakit wala siyang magawa dahil handa siyang magtiis hanggang sa maubos niya ang lahat. Hindi kayang suklian ng lalaking mahal niya ang lahat ng sakripisyo niya ngunit binayaran siya ng isang sanggol. Nagbunga ang lahat, at binigyan siya ng isang pagkakataon. Isang anghel na nagkatawang tao ang lumapit sa kanya at sinagot ang kanyang dasal.

Alam niyang mali, naging ganid siya dahil hindi na niya kayang maghintay ng walang kasiguraduhan kung kaya naman nang lumapit ito at nagpakilalang kaibigan ni Johan ay agad niyang tinanong kung ano ang pangalan ng lalaki.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon