CHAPTER 12

2.2K 73 2
                                        

Ilang araw na rin mula noong inihatid ni Rare si Shannon sa kanyang tinitirhan at sa tuwing naaalala ito ng dalaga ay hindi siya makapaniwala.

Sariwang-sariwa pa sa kanyang isipan nang pumasok si Rare sa kanyang tirahan at nagsuot ng tsinelas na pambabae si Rare.

"Pasensya na, wala kasing lalaking bumibisita sa akin dito kaya puro pambabae ang tsinelas ko."

Saglit na napangiti si Rare sa kanyang naisip, 'ako pa lang ang lalaking nakapasok dito? Mabuti naman'

"Okay lang"

Hindi kalakihan ang tinitirhan ni Shannon at wala namang reklamo ang binata dahil kahit may kaliitan ang lugar ng dalaga ay ramdam niya ang init sa loob hindi tulad ng bahay niya, malaki nga ngunit malamig... Ramdam na ramdam niya na nag-iisa lang siya.

"Maupo ka muna, maghahanda lang ako ng makakain sa kusina."

Studio type ang tinitirhan ni Shannon kaya sa puwesto ng binata sa sala ay kitang-kita niya ang likuran ng dalaga habang nag-aasikaso sa kusina.

"Aww!"

Biglang napatayo si Rare at dali-daling pumunta kay Shannon, nakita niya ang daliri ni Shannon habang tumutulo ang dugo. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at hinawakan ang daliri ni Shannon titaka inilagay sa loob ng kanyang bibig. Dahan-dahan niyang sinipsip ang dugo pagkaraa'y dinilaan niya ang sugat. Napalaki ang mata ni Shannon nang maramdaman ang dila ni Rare na naglalaro sa kanyang daliri habang sinisipsip ito.

"A... Anong ginagawa mo"

Hindi sumagot si Rare dahil ang isipan niya ay kung paano niya makukuha ang dugo ng dalaga, iba't-ibang brutal na pamamaraan ang sumagi sa kanyang isipan. Gusto niyang makuha ang lahat ng dugo ngunit kapag biglang sumagi sa kanyang isipan na kapag ginawa niya iyon ay hindi niya muling makikitang ngumiti ang dalaga.

"I'm full, I need to go"

Walang anu-ano'y lumabas si Rare at hindi siya tinapunan ng tingin.

Bumalik sa katinuan si Shannon nang marinig ang tunog ng kanyang cellphone at nakita niya ang pangalan ng kanyang ina kaya naman sinagot niya ang tawag.

"Ma?"

"Umuwi ka sa bahay, mag-uusap tayo. Umuwi ka ngayon, bilisan mo"

Agad na sumunod si Shannon at umuwi siya sa bahay ng kanyang ina. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang lumapit.

"Ma, what—"

Hindi niya natuloy ang pagsasalita nang maramdaman niya ang paglapat ng palad ng ina niya sa kanyang pisngi. Sa unang pagkakataon nasampal siya ng kanyang pinakamamahal na magulang.

"Bakit? Anak naman, tumawag sa akin ang lalaking iyon! Nabuntis ka ni Johan, magsabi ka ng totoo"

Hindi akalain ng ina ni Johan na tatawagan siya ng dati niyang asawa at ipinaalam ang nakakadiring balita. Natigilan sila nang may kumatok sa pintuan at paglabas nila ay nakita nila ang dalawang lalaking nakauniporme.

"Good morning madam, Master Kim wants to see you."

Pamilyar ang ginang sa dalawa dahil sila ay tauhan ng dati niyang asawa. Mariing pumikit ang ginang at pinunasan ang kanyang luha. Sumama naman silang mag-ina sa dalawang lalaki at nagtungo sa mansyon na nagsilbing impyerno sa buhay ng ginang. Hangga't maaari ayaw niyang bumalik sa impyernong iyon ngunit wala siyang magawa kundi ang sumunod.

Fucker Series #4: JOHAN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon