Naglalakad ako sa garden and I look above, nakita ko yung librarian na tinuturing kong second mother, nagpapasok siya ng libro sa library, so umakyat ako then pumasok ng library then pagpasok ko sa library, nakita kong nag-aayos si Ma'am Asha ng mga libro.
"Ma'am tulungan ko na po kayo"
"Mabuti pa nga hija.."
Tinulungan ko si Ma'am Asha mag-ayos ng libro, paakyat ako sa hagdan para mailagay ko yung mga libro sa pinakataas ng bookshelves nang may narinig akong pumasok na estudyante.
"Waaaah the fu--"
Nadulas kasi ako habang inaayos ko yung mga libro pero laking pasalamat ko kasi may nakasalo sakin.
"Ikaw pala miss"
Then this asshole came? Thanks to him, but not totally. I hate him, una palang na nakita ko siya kanina nang magkabunggo kami, irita na ako sa kanya.
"Bakit ba ang sungit mo?"
"May dahilan ba ako para hindi ako mag-sungit sayo?"
"Meron, kasi gwapo ako"
"Asshole.Look at the mirror again, you might be wrong"
I leave him speechless, yeah mataray ako lalo na pag ayoko sa tao. Lumapit ako kay Ma'am Asha dahil ayokong magtagal dito dahil nandito siya.
"Ma'am alis na po ako"
"Osige, pero sino tutulong sakin dito?"
"Ayun po, yung lalaking yun ang tutulong sa inyo" tinuro ko si gago.
Lumabas na ako sa library tapos nag-iisip ako ng pwedeng tambayan, ayoko bumalik sa room, baka di ako makapagtimpi, sapakin ko pa prof namin.
Sa field kaya? May tao kaya dun?
(Field)
Umakyat ako sa pinakataas na bleachers, masarap naman pala tumambay dito, malamig at presko yung hangin.
"Renee.."
"Oh Jace? Ginagawa mo dito?"
"Cutting"
"Mag-aral ka nga mabuti"
"Sa sarili mo sabihin yan wag saken"
Oo inaamin ko na tamad ako mag-aral, alam ko naman sa sarili ko yun, kaya nga nasa section C ako eh, the so called lowest section, samantalang si Jace nasa section A tapos yung dalawa kong bestfriend na si Jiro and Taf, nasa section B.
"Eh bat' ka nga pala nagka-cutting?" I asked Jace.
"Minor lang naman yung subject namin ngayon eh."
"Ano ba subject mo?"
"Humanities"
"Ah, okay. Sabagay walang kwenta din yung subject na yun"
"Ikaw nga pala, anong ginagawa mo dito?"
"Sinagot ko prof namin"
"Then?"
"Then lumabas ako. Thug life"
Nag-iba yung mood ko at bigla akong napaisip ng malalim.
"Jace."
"Hm?"
"Salamat"
"Saan?"
"Sa lahat ng effort na ginawa mo, nilayo mo ako sa asshole kong ex"
"Wala yun ginawa ko yun para sayo"
"Siguro kung wala ka? Hanggang ngayon nagpapakatanga pa din ako sa kanya"
"Basta nandito lang ako lagi, kahit naman gagago-gago ako eh, may care pa din naman ako sayo, ayokong masasaktan ka pa ulit nang ganun, ayoko na nang may gagago ulit sayo at mas lalong ayoko nang maghahabol ka sa lalaki, maganda ka Renee at marami pang lalaki ang magkakagusto sayo"
"Naalala ko si papa sa mga sinabi mo"
"Wag kang malungkot Renee,pumapanget ka"
"Bwisit ka naman oh! Kala ko ba pag nag-mo-moment ako di ka manggugulo?"
"Pinapatawa lang kita, speaking of tito? Kamusta na nga ba siya?"
"Coma pa din."
"2 weeks na din no?"
"Yeah.Miss ko na nga siya eh"
My Papa, actually uncle ko siya kaso nasanay na akong papa ang tawag sa kanya, I love him more than I love my dad. You'll know the reason why, soon.
"Hindi ka pa ba babalik sa room?"
"Hindi na, cutting na lang tayo"
"Saan tayo pupunta?"
"Prynes bar"
"Vodka?"
"Vodka!"
Naging isang kulob na park na ang Bar samin ni Jace, pero hindi kami party goer, pokpokin na yun kapag party goer eh.
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?