Renee's Pov
I've been calling Starr all day, it's been a week since nung huling usap namin at ung araw na yon, yun yung plano niyang ligawan sana ako, mukhang mauunahan pa nga siya ni Blake eh, pumayag kasi ako mag date kami last week, para na rin sa business, alam mo na baka bigyan ako huge discount, but that's just one time.
Nung nagdate nga kami wala akong iniisip kundi si Starr, lutang ako at di makapagfocus, pero hindi ko pinapahalata kay Blake iyon dahil baka sabihin niya wala akong gana sa date namin.
"Renee!" nagulat naman ako kay Jiro.
"Bakit ba?" iritableng sabi ko
"Alam ko na kung saan nakatira si Starr"
Nagising ang diwa ko at nagmadali akong umalis sa kinauupuan ko, hindi na ako nag abala pang mag almusal dahil mas importante sakin na makita at makausap ko na si Starr.
Pagdating namin sa may condo, dumiretso na agad ako sa receptionist.
"Hi Goodmorning! Starr Portalejo please" Tinignan naman niya ako mula ulo hanggang paa.
"At sino ka? What do you need with Mr.Right?" Huh? Pinagsasabi nito?
"I need to talk to him, anong room niya?" Kalmado pa ako.
"Are you his girlfriend? Sibling? Relatives? If not pwede ka na umalis" ay wow taray ha.
"Ikaw babae ka, kung ayaw mong humalik sa sahig, sasabihin mo sakin kung nasaan si Starr!" award ang baklitang batuhan.
Sinabi naman agad niya ang room number, akala ko pa naman gagamitin ni Jiro yung pagka charming niya, yun pala tatarayan din niya.
Nagdoorbell na ako ng ilang beses pero hindi siya nagbubukas ng pinto, I even tried knocking pero wala talaga. Nandito ba talaga siya?
"Ma'am?" Ay kabayo! Gulat naman ako.
"Ah bakit po?" Nilingon ko yung maid na may dalang tray.
"Matagal na pong hindi lumalabas si Sir sa condo niya, natatakot na nga kami baka kung ano na nangyari sa kanya. Ito po ang keycard, kayo na po ang bahala"
"Thank you"
Nagpaalam na siya sakin bago umalis, buti pa tong maid dito sa taas, mabait.
Pagkapasok ko ay ang daming kalat sa loob, puro red cups at bote ng alak, nagparty ba siya dito?Nakita ko naman siyang nakahilata sa couch niya, he looked miserable, anong nangyari kay Starr? I held him up at kumuha ako ng basin at bimpo para punasan siya.
"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha!" Bigla siya dumilat at parang nagising ang diwa dahil sa sermon ko sa kanya
"R-renee?" Napabalikwas pa siya.
"What's wrong with you Starr?!" Nagblink pa siya ng ilang beses para ma confirm na hindi siya nagiilusyon
"Bakit ka nandito?" Napaiwas siya ng tingin
"Isang linggo kang hindi nagparamdam sakin tapos yan lang sasabihin mo?! Pinahanap pa kita kay Jiro!"
"I-i'm sorry.. please go. Just leave me alone, makakalimutan din kita" anong pinagsasabe neto?
"Hoy! Pagkatapos mong magpaalam sa pamilya ko na liligawan mo ako? Ganyan gagawin mo? Siraulo kaba?!" Naiinis na talga ako.
"What's the point? You liked someone else" Napaiwas siya ng tingin, is he talking about Blue? Eh matagal na ko naka moved on don simula nang nakakasama ko ulit tong bituin na to!
BINABASA MO ANG
Who Am I? (On Going)
Teen FictionA girl who lives in lies, how will she know the truth? Would anyone will tell her? Or she could figured it out herself? How can she escape? Or will she? What if she doesn't?