WAI 33: Yes or No?

34 0 0
                                    

Blue's Pov

Nagplano kami ni Achi ng pambawi kay Taf, pero kasama ako dun, magdouble date kaming apat kasama si Renee, I'd finally gonna ask her!

"Sa tingin mo bro? Ano isasagot ni Renee sakin?"

"Kung ano man sagot niya sayo, isa lang naman pwede mong gawin, tanggapin"

"Salamat sa suporta ha, gandang advice kingina ka!" dinagukan ko nga siya.

Ako ang nagaya kay Taf, pero hindi niya alam na kasama si Achi, its gonna be a surprise pero sana hindi magalit samin si Taf.

Nandito na kami sa resto bar kung saan kami magdate na apat, iniwan namin ni Renee si Taf sa isang table at sinabing kami ang oorder, alam ni Renee ang plano ni Achi pero di niya alam ang magiging plano ko ngayon.

"Upo ka muna Renee" nagtaas ako ng kamay, senyas na pra lumapit sakin ang waiter. "Steak and White wine for me, sayo?"

"I'll have.. chicken alfredo with beer please"

Then pagkaalis ng waiter, nagkwentuhan muna kami ni Renee about life, and about Taf and Achi, kung ano kaya ang mangyayari sa kanila, kung tatanggapin pa ba siya ni Taf or what? Pareho namin silang kaibigan at di namin gustong may masaktan ang isa sa kanila.

Natanaw na namin na dumating si Achi sa table kung saan nakaupo si Taf, she looked betrayed at disappointed pero hindi niya inalisan si Achi, maybe she realizes na its time to make things up with Achi, I think? Mukha naman silang okay at di sila nag-argue?

"Wag mo sila tignan, hayaan mo na muna sila, for sure naman babalitaan tayo ni Achi later, lets just enjoy this night" hinawakan ni Renee ung kamay ko, lalo tuloy ako nanlamig at dinaloy ng kaba yung dibdib ko.

Habang kumakain kami ni Renee, pareho kaming tahimik, hindi usual tong ganito, alam kong madaldal si Renee pag magkasama kami, pero medyo naninibago ako sa kanya ngayon, ano kayang problema?

"Is there something wrong Renee? Kanina ka pa tahimik"

"Alam kong may sasabihin ka Blue, spill it" napalunok ako ng laway ng di oras, may alam na kaya siya sa gagawin ko ngayon?

"Renee.. I-I've been waiting for this long to ask you this.."

Lumuhod ako sa may gilid niya na ikinalaki naman ng mga mata niya.

"Will you marry me?"

Napatayo siya at halatang gulat pa din sa ginagawa ko, wala na kong iniisip na iba kundi ang sagot niya, kahit ano man ito, tatanggapin ko, hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kanya kung ayaw niya at kung hindi naman siya sasaya sa akin, ayokong ipagkait sa kanya ang kasiyahan na gusto niya.

"Yes blue.."

Natauhan ako nang sumagot siya, tumayo ako at niyakap ko siya sabay halik sa matatamis niyang mga labi.

Umuwi kaming masaya ni Renee, nagpaplano na kami kung kailan, saan at kung anu ano pa tungkol sa magiging kasal namin.

Actually hindi ko na inisip na tanungin si Renee kung gusto niya ko maging boyfriend, dahil sa loob ng ilang taon na magkasama kami ay para na din kaming mag live in partner, nasa tamang edad na din naman kami at nasa nararamdaman na namin ang nagdedesisyon tulad nang nangyari ngayon.

"I want a Red wedding gown!!"

"Alam mong Blue yung name ko pero red pa din pinipili mo" inirapan ko siya ng pabiro sabay hampas naman niya sa braso ko

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon