WAI 31

52 0 0
                                    

Renee's Pov

Habang naghahanda ako ng tanghalian, nakikita ko si mama na naghihiwa ng mga kalabasa. Oo kasama ko na siya dito, sabi ko magumpisa kami ulit, kasama si Tito Zac.

"Bakit ngiting ngiti ka anak?"

"Sobrang saya lang ma, di ko lubos akalain na kasama na kita ngayon, ayan ka, totoong nandito kana"

Niyakap niya ko ng sobrang higpit. Pinaliwanag niya sakin kung bakit nagtago siya, kung bakit ang tagal bago siya bumalik sakin at magpakilala, tinanggap ko naman dahil naiintindihan ko siya saka mahal ko ang mama ko, I'll accept everything even if it hurts, well ganon naman talaga diba? Truth hurts, but I'm still thankful dahil nandito na siya.

Nakita ko naman sa salas si Jiro at Ate Cassie, nakakaloka tong baklang to, ang gwapo, mas gwapo pa kesa sa mga naging lalaki sa buhay ko, at eto pa, inamin sakin ni Taf na may gusto siya kay Jiro, pero sinabi ko sa kanya na wag na dahil may Cassie na si Jiro, at isa pa, alam kong mahal niya pa si Achi, and speaking of Achi? Napatawad na din ako ni Taf dahil sa pagtago ko ng totoo, hindi naman daw mahirap magpatawad, lalo na't ginawa ko lang naman daw yun para sa kanya.

"Renee.. can we talk for a minute?" Sumama naman ako kay blue sa may likod bahay para may privacy kami.

"Nakita ko ung Achi sa palengke kanina, di niya ko kilala but perhaps baka pumunta siya dito"

"What?!"

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Fuck too late.

Pumasok na kami agad sa loob dahil narinig namin yung sigaw ni Taf, di ako nagkakamali, si Achi nga at kasama niya si Gen.

"Achi, anong ginagawa mo dito iho?" -Tito zac

"I was tend to believe a lie in my whole life Tito Zac, naniwala akong kapatid ko si Taf sayo" pati ako naguluhan na din.

"What? Zac ano to?" Pinuntahan ko si mama at hinatid muna siya sa kwarto.

"Ma, magpahinga ka muna dito, leave this issue to us please"

"No! Involve ako sa issue na to anak, asawa ko si Zac!"

"I know ma, its just a small misunderstanding okay? Hayaan mo nang si Tito zac ang magpaliwanag sayo"

Lumabas na ako ng kwarto at sa di inaasahan, malumanay silang nakaupo lahat sa sala, lahat nandoon para makinig at mailabas ang katotohanan.

"Ngayon nandito na kayo, ako muna ang magsasalita" sabi ni tito zac sabay buntong hininga. "Naging girlfriend ko ang mommy niyo Achi, oo totoo yun, aaminin ko din na may nangyari nga samin pero walang nabuo, kasalanan ko kung bakit ganoon na lang ang galit niya sakin, di ko naman siya masisisi, dahil ako ang kumuha ng pagkababae niya, ako ang nagmulat sa kanya sa totoong mundo dahil napakainosente niya noon, at noong nakilala ko ang mommy ni Taf na si Dhalia, nabuhayan ako at nawala ang pagmamahal ko kay Ginny, hindi pa kami break pero niligawan ko na si Dhalia, naging two timer ako nung panahong iyon, kaya malaki ang galit niya sakin dahil bukod sa niloko ko siya, ako pa ang may lakas ng loob na iwan siya. Si Troy, ang tunay niyong ama"

"Paano niyo nalaman ang pangalan ng daddy namin?" Takang tanong ni Gen.

"Barkada ko si Troy, noon pa man, ramdam ko nang may gusto siya kay Ginny, kaya nung iniwan ko siya, si Troy ang sumalo sa kanya, pero di niya minahal si Troy, nagkaron siya ng dalawang anak, at kayo yun, oo alam ko dahil nakakausap ko pa din si Troy hanggang ngayon. Kaya Achi at Taf, ako na humihingi ng tawad sa lahat ng nangyari, kung hindi dahil sakin, hindi maiisipan ni Ginny na gumanti"

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon