WAI 9: Halfsister

123 2 0
                                    

A/N: Merry Christmas
Guys! Support me on this! THANKYOU ♥

--

Tinitignan ko yung locket na nahulog ni renee last night.

Dalawang picture ang nandito,isang nasa mid 30s tapos siya ata yung isa.

Luma na din kasi yung locket eh,tapos malabo-labo na din yung picture.Balak ko sanang ibalik to kay renee kaso baka ayaw niya ako makita dahil sa nangyare kagabi.Awkward din yun ah!
"Hoy yuan"

"Oh?"

"Wala ka bang lakad ngayon?"

"Bat' mo natanong?"

"Gusto ko mag-bonding tayo eh!"

"Bat' di na lang si jace yayain mo?"

"Eh para naman maramdaman kong kapatid kita!"

"Stepsister"

"Stepsister na kung stepsister!"

Si erza na stepsister ko,actually malaki-laki na si erza nang ampunin siya ng magulang ko.Nag-iisang anak lang kasi ako at gusto din nila ng babae kaya nagampon sila.

Wala akong kaalam-alam kung ano nakaraan ni erza,ang alam ko lang ay ex niya si jace na kaibigan ko.

"Pag si renee ang nag-aaya sayo,payag ka agad! Daig mo pa si flash"

"Fine.Saan ba?"

"Sa mall.."

"Are you gonna treat me? Or I'm gonna trea--"

"I'm gonna treat you!"

"Saan ka naman nakakuha ng pera?"

"Wala pa sakin yung pera kaya samahan mo ko sa daddy ko"

"Si dad? Diba nasa U.S. sila?"

"Duhh,yung real dad ko silly"

"Nahanap mo na yung totoo mong tatay?"

"Correction 'daddy' not 'tatay' okay?"

"Eh saan mo nga siya nakita?"

"Actually si mom and dad ang nagsabi sakin,sa kanila kasi mismo lumapit ang tunay kong daddy"

"Sigurado ba silang yun nga yung totoo?"

"Yup.Nakausap ko na din naman siya eh,may mga tinanong ako sa kanya tungkol sa side ng mommy ko saka 5 taon niya akong hinanap"

"Diba patay na ang mommy mo?"

"Hindi ako sure kung tama nga yung balita na yun.Bata pa kasi ako nung nawala ako dito sa manila eh,10 years old ako tapos yun inampon ako ng mga madre at swerte na nga lang ako dahil wala pang isang linggo,inampon naman ako ng magulang mo"

"Paano ka nga ba nakapagtanong sa kanya? Eh samantalang 5 years na ang nakalipas"

"Mataas ang IQ ko remember? Kaya kahit bata pa ako nun,naiintindihan ko na ang sitwasyon ko"

Natahimik kami saglit,saka ko binasag ulit ang katahimikan.

"Sorry.."

"Para saan?"

"Sa pagsusungit ko sayo,una palang kasi ayaw na kita maging kapatid I'm so selfish pero ngayon naintindihan ko na lahat at may mga nakaraan ka palang hindi kanais-nais"

"Okay lang yun.Saka open naman akong mag-share ng past ko eh,ayaw mo lang magtanong"

"Pupuntahan ba talaga natin daddy mo?"

Who Am I? (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon