#BecauseILoveYou
CHAPTER 10
Nasa loob ako ng cafeteria. Sa bandang dulo nakapwesto ang mesang inookupa ko. Abala akong kinakain ang binili kong pagkain. Mag-isa lamang ako dahil wala si Cedric na sa hindi ko malamang dahilan ay bigla na namang nawala sa paligid ko. Sa susunod talaga ay makakatikim na siya ng batok sa akin dahil sa lagi na lang siyang nawawala.
"Excuse me... pwede maki-share kami ng table?"
Napatigil sa ere ang kutsarang may lamang pagkain na isusubo ko na sana. Napatingin ako kay Ericka at sa kaibigan niyang hindi ko pa kilala na nakatayo sa harapan ng mesa.
Ibinaba ko ang hawak kong kutsara saka tumango. Ginawaran ko rin sila ng ngiti na sinuklian naman nila saka naupo sa mga upuan na nasa kabilang side ng mesa at nasa tapat ko.
"Mukhang naabala ka yata namin sa pagkain mo." Sabi ni Ericka pagkalapag nito ng tray na may lamang pagkain niya.
"Hindi naman." Sabi ko.
"Nakita ka kasi naming mag-isa kaya naisip ko na sayo na kami sumabay kumain." Sabi ni Ericka. "Mukhang wala ang bestfriend mo... Nasaan siya?" tanong pa nito.
Napakibit-balikat ako saka nag-aalangang ngumiti. "Hindi ko alam e." Sabi ko.
Napangiti naman si Ericka saka napatango. Napatingin ito sa kaibigan.
"By the way... si Jaime, friend ko." Pagpapakilala ni Ericka sa kaibigang kasama niya.
Tiningnan ko naman si Jaime. Masasabi kong tipikal lang ang itsura niya. Ordinaryo kumbaga pero maganda naman siya at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan. Makinis rin ang kanyang morenang balat.
Ningitian ko si Jaime.
"Hi." Pagbati ko.
"Hi din." Sabi nito saka ngumiti.
"Oo nga pala Miko." Sabi ni Ericka na muling ikinatingin ko sa kanya. "Tungkol sa nangyari kagabi... I'm sorry talaga ha." Sabi pa nito.
Napangiti ako.
"No worries... wala na iyon sa akin." Sabi ko.
"Hindi ko lang kasi maiwasang makonsensya... alam kong nasaktan kita." Sabi ni Ericka. "Anyway... next time I will be careful sa mga sasabihin ko." Sabi pa nito.
Napatango-tango na lamang ako.
"Huwag mo sana akong i-unfriend a." Sabi ni Ericka.
Napailing-iling naman ako saka medyo tumawa.
"Hindi... Bakit ko naman gagawin iyon?" sabi ko.
"Baka kasi pagkatapos nung nangyari ay ayaw mo na akong maging kaibigan." Sabi pa nito.
Napangiti ako.
"Ikaw na rin ang nagsabi na magkaibigan na tayo di ba?" tanong ko. Napatango naman si Ericka na hindi nawawala ang ngiti sa labi. "Natutuwa nga ako na gusto mo pa akong maging kaibigan." Sabi ko pa.
Mas lalo namang napangiti si Ericka.
"Tara kumain na tayo." Sabi nito.
Napatango naman ako at iyon nga habang kumakain kami ay nagkwekwentuhan din kami.
Medyo nakilala ko si Ericka. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya. Ang sabi niya sa akin ay may-ari ng isang gasolinahan ang mga magulang niya. Nung high school siya ay mahilig siyang sumali sa mga beauty contest. Hindi naman kataka-taka iyon dahil sa gandang taglay niya. Mahilig siya sa badminton at volleyball at ang hate naman niya ay ang kumanta dahil boses palaka daw siya. Natatawa nga ako nung sinubukan niyang kumanta. Medyo sablay nga siya sa aspetong iyon.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020