CHAPTER 27

850 56 7
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 27

Magkakasama kami ngayon nila Cedric, Jaime, Ericka at Kenzo at nasa iisang mesa lamang kami na nandito sa loob ng school garden. Bilang grupo kami sa cooking class, kailangan naming magusap-usap tungkol sa lulutuin naming putaheng ibinigay ni Sir Dylan at lulutuin namin bukas sa cooking class.

Iisa lang ang iluluto ng lahat ng grupo kaya naman ibinigay ang mga ingredients at kailangan. Iju-judge ang luto ng bawat grupo base sa presentasyon at lasa. Pwede namang magdagdag ng iba pang sangkap basta hindi mawawala ang orihinal na mga sangkap na ibinigay at pwede ring gawan ng sariling bersyon basta dapat lumabas pa rin sa luto ay ang talagang ibinigay na putahe.

"Nailista mo ba ang lahat ng kakailanganin natin?" tanong ni Cedric kay Ericka. Note taker nga kasi si Ericka kaya ito ang bahala sa paglilista.

Napatingin si Ericka kay Cedric. Napangiti ito.

"Oo... wait lang at kukunin ko." Sabi niya.

Kinuha ni Ericka ang kanyang shoulder bag para kunin ang listahan. Nakatingin kaming lahat sa kanya. Napansin ko na nawala ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng kanyang mukha na aking ikinataka.

Todo ang pagkalkal ni Ericka sa loob ng bag niya. Mukhang may problema a.

"Nawawala mo ba 'yung listahan?" tanong ni Jaime na katabi lamang ni Ericka. Katabi naman ni Jaime sa kanan si Cedric habang magkatabi naman kaming nakaupo ni Kenzo sa mga upuang nasa kaliwang side ng mesa.

Napatingin si Ericka kay Jaime. Puno ng pag-aalala ang mukha nito. Hindi kasi pwedeng mawala iyon lalo na at mahirap ang putaheng ibinigay sa amin. Baka kapag may magkulang na ingredients e 'yun pa ang ikabagsak naming lahat.

"Hanapin mong mabuti." Sabi ni Cedric na nakatingin rin kay Ericka.

Muling naghanap si Ericka... halos ilabas na nga niya ang lahat ng gamit niya sa bag. Hanggang sa sumuko rin siya at isa-isa kaming tiningnan.

"Sorry guys... Nawawala ko." Sabi ni Ericka na nagpasinghap sa amin.

"Hindi kasi nag-iingat e... Paano na 'yan kung bumagsak tayo?" sabi ni Cedric.

Napatingin si Ericka kay Cedric.

"Sorry talaga." Sabi nito.

"Hanapin na lang natin sa internet 'yung ingredients... sigurado naman na nandoon lang iyon..."

"Hindi ka ba nakikinig Jaime sa sinabi ni Sir Dylan? Sariling recipe daw iyon kaya hindi basta-basta mahahanap sa internet." Sabi kaagad ni Cedric.

Napatingin ako kay Cedric. Sinasabi nang tingin ko na kumalma siya. Sinimangutan lang ako tapos umiwas nang tingin sa akin.

"Sorry Kenzo." Sabi ni Ericka na nakatingin kay Kenzo.

Napatingin din ako kay Kenzo. Parang hindi man lang nag-aalala ang isang 'to. Cool na cool pa rin e.

Huli na para umiwas ang tingin ko kay Kenzo dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya dahil tumingin rin siya sa akin.

"Pahiram ng ballpen at papel." Sabi niya.

Napatango na lamang ako at kinuha ang notebook at ballpen ko sa loob ng aking bagpack saka ibinigay sa kanya.

Umiwas nang tingin sa akin si Kenzo. Binaligtad niya ang notebook at binuksan ang likod nito. Ilang sandali lang ay nagsimula na siyang magsulat.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon