CHAPTER 40

973 69 1
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 40

"Sa tingin mo ba siya 'yung nasa litrato?"

"Posible... di ba naisyu siya dati na isa siyang retokado?"

"Oo nga... at tinawag pa siyang halimaw ng high school classmate niya na pumunta dati dito sa school."

"Ay grabe pala... Buong mukha ang pinagawa."

"Sinabi mo pa... sa sobrang pangit niya noon ay kailangan niyang ipagawa lahat."

"Hay! Kawawa naman... naging pangit na sa kanya ang mundo noon pa man."

"Pero tingnan niyo naman ngayon... Isa na siya sa may pinakamagandang mukha dito sa campus."

"Iba talaga ang nagagawa ng pera at science."

Napapabuntong-hininga na lamang ako sa mga naririnig ko. Hindi ko nga alam kung nagbubulungan ba talaga siya o sadyang ipinaparinig lang nila sa akin ang kanilang pinag-uusapan. Tahimik sila ng pumasok ako dito sa classroom pero nung makaupo na ako, kanya-kanya na silang kwentuhan at bulungan.

Talk of the town pa rin hanggang ngayon ang tungkol sa picture ko na ipinost sa bulletin board. Kanya-kanya silang haka-haka na ako nga ang nasa litrato pero dahil alam ko naman ang totoo na ako nga iyon, hindi ko maiwasang maapektuhan sa mga naririnig kong sinasabi nila.

"Huwag mo na lang silang pansinin... lilipas rin 'yan."

Napatingin ako kay Cedric na nakaupo naman sa upuan niya na nasa tabi ko. Napatango-tango na lamang ako. Ano pa bang magagawa ko? Wala naman at kahit na sabihin ko sa sarili kong pasok sa kanang tenga labas sa kaliwa, alam ko pa rin sa sarili ko na may bahagi pa rin sa mga naririnig ko ang tutusok sa kaibuturan ng puso ko.

Gusto ko lang naman na maging normal ang buhay ko ngayong nasa kolehiyo na ako pero bakit nangyayari ang lahat ng ito ngayon?

Napatingin ako sa kinaroroonan ni Ericka. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panibugho pagdating sa kanya. Nakakatawa pa siya ng ganyan pagkatapos ng mga nagawa niya. Hindi man lang siya nakokonsensya... o baka naman wala na rin siya nun.

Umiwas ako nang tingin kay Ericka pero hindi sinasadya ay napatingin ako sa kinaroroonan ni Kenzo. Nasa ikaapat na row siya sa bandang dulo tabi ng bintana. As usual tahimik at nakatingin lamang ang mga mata ng diretso sa harapan.

Napabuntong-hininga ako saka iniwas ko na ang tingin kay Kenzo. Napabuntong-hininga ako.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ni Ericka sa akin. Hanep talaga at nakakangiti pa siya sa akin ng ubod ng tamis.

Nakatayo kami ng harapan sa gilid ng football field. Walang tao ngayon dito sa lugar na ito kundi kaming dalawa lang. Dito ko siya inaya para makausap.

Nakatingin ako ng diretso kay Ericka. Once and for all gusto ko ng matapos ang lahat ng ito sa pagitan naming dalawa. Gusto kong malaman kung bakit tila galit na galit siya sa akin.

"May gusto lang akong malaman." Sabi ko sa kanya.

Nangunot ang noo ni Ericka.

"Anong gusto mong malaman?" tanong niya.

Napabuntong-hininga muna ako bago magpatuloy.

"Ikaw ba talaga ang may gawa ng pagpapaskil ng litrato ko sa bulletin board?" tanong ko.

Ang matamis na ngiti ni Ericka ay naging ngisi.

"Bakit? Nagustuhan mo ba? Instant sikat ka na kaagad." Sarkastikang sabi niya.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon