CHAPTER 15

1.2K 75 2
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 15

High school graduation...

Halos lahat ng classmates at schoolmates ko ay masayang nagtitipon-tipon sa eskwelahan. Hindi mapagsidlan ang excitement na kanilang nararamdaman sa napipintong pagtanggap ng diploma sa harapan ng stage at sa pagtatapos na hinihintay.

Habang ako... ito at nakapangalumbaba sa bintana ng sala sa bahay namin. Nakatingin lamang ang mga mata sa labas at pinagmamasdan ang ganda ng paligid. Kabaligtaran nito ang itsura at pakiramdam ko.

Naramdaman ko na lamang na may humaplos sa aking likod. Napatingin ako kay Mama. Nabanaag ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata at buong mukha. Marahil nakita niya ay maluha-luha kong mata at ang kalungkutang bumabalot sa akin.

"Sigurado ka ba anak na hindi ka dadalo sa graduation mo?" tanong niya sa akin.

May pait ang aking naging ngiti. Napatango-tango ako.

"Pagtitinginan at pag-uusapan lang nila ako doon Ma." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Miko..." bakas sa boses ni Mama ang awa.

Umiwas ako nang tingin kay Mama. Muli kong tiningnan ang paligid sa labas.

"Mabuti pa ang paligid... maging pangit man ito pero bumabalik din sa dating ganda kung aayusin samantalang ako, kahit anong ayos ang gawin ko sa sarili ko...hindi na magiging maganda sa paningin ng iba... kailangan pa yata ng hirap at sakit para mangyari rin sa akin ang nangyayari sa paligid." Sabi ko.

Naramdaman ko ang yakap sa akin ni Mama mula sa likod.

"Anak... lagi mong tandaan na mas mahalaga pa rin ang kabutihan ng loob kaysa sa itsura sa labas." Sabi niya.

"Alam ko naman iyon Ma... Kaso hindi nila nakikita ang kabutihan ko bagkus nauunang makita ng kanilang mga mata ang mayroon sa aking mukha." Sabi ko. "Ewan ko Ma pero sana naging masama na lang ako basta may kaaya-ayang mukha kaysa iyong ganito." Sabi ko pa.

"Anak... makikita rin nila ang halaga mo... Makikita rin nila na higit sa itsura mo... mas maganda ang kalooban mo. Darating ang araw na iyon ang mapapansin nila." Sabi ni Mama. Hindi talaga pumalya si Mama na pagaanin ang aking loob.

"Huwag mong kalimutang maging mabuti sa kabila ng lahat... Matatapos rin ang paghihirap mo ipinapangako ko 'yan." Sabi pa ni Mama.

Napangiti ako. Tiningnan ko si Mama.

"Salamat Ma." Sabi ko.

Napangiti sa akin si Mama.

Pinunasan ko ang kumawalang luha mula sa aking mga mata. Kapag talaga nag-iisa ako, hindi ko maiwasang sariwain ang mga alaala ng nakaraan. Ang mga alaalang gusto ko mang kalimutan ngunit hindi ko magawa. Kasing pait ito ng kape at gaya nito, mapait man pero kailanman ay hindi na mawawala sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Matatanggal man sa lifestyle pero siguradong babalik din ito.

Tiningnan ko ang paligid. Walang katao-tao ngayon sa football field at sa kahit saan mang sulok nito. Gustong-gusto ko ang katahimikan ng lugar na ito.

Umayos ako ng upo sa bleacher na inookupa ko.

Napangiti ako nang tipid. Naalala ko si Kenzo. Kahit papaano ay nagiging masaya ako sa tuwing iisipin kong magkaibigan na kami. Hindi ko iyon inaasahan at lalong hindi ko inaakala sa buhay ko na may isang taong gugustuhing maging kaibigan ako sa kabila ng alam niya sa likod ng mukhang meron ako ngayon. Bukod kay Cedric, may isang taong tanggap ako sa kung sino ako.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon