#BecauseILoveYou
CHAPTER 39
"Sino kaya 'yung nasa picture na nakadikit sa bulletin board?"
"Grabe ang pangit noh."
"Sinabi mo pa... nakakasuka ang itsura."
"Nasira nga ang umaga ko dahil sa litratong iyon e."
"Halimaw sa kapangitan talaga."
"Bakit kaya may ganung mukha pa na nag-eexist sa earth?"
"Tange... sila kasi ang nagbabalanse ng earth... kung may maganda siyempre dapat may pangit."
"Ano bang pinag-uusapan nila?" tanong sa akin ni Cedric na kasabay ko ngayon sa paglalakad papunta sa building namin.
Napakibit-balikat ako. Kahit ako ay walang ideya sa pinag-uusapan nila.
Parehas pa rin kami ni Cedric na nagtataka. Bawat dumadaan at nalalagpasan naming schoolmate ay pinag-uusapan ang sinasabing pangit na picture na nakadikit sa may bulletin board.
Hanggang sa makalapit na kami sa building namin. Sa gilid nun ay nakita namin ang mga nagkukumpulang mga estudyante sa tapat ng isang malaking bulletin board. Panay ang bulungan at usapan.
Napahinto tuloy kami sa paglalakad.
"Doon kaya nakadikit 'yung sinasabi nila?" tanong ni Cedric.
"Malay ko... magkasama kaya tayo na wala pa ring ideya sa mga nangyayari." Sabi ko.
Natawa sa akin si Cedric.
"Teka lang at aalamin ko ang puno't dulo ng mga usapan." Sabi niya.
Kaagad na tumakbo palapit sa mga nagkukumpulan si Cedric at naiwan naman ako sa kinatatayuan ko. Nakita ko siya kung paano makipagbalyahan at sumingit sa mga estudyante hanggang sa mawala na ito sa paningin ko, marahil ay nasa pinakaharapan na ito.
Ilang minuto akong naghintay nang makita kong umalis na sa mga nagkukumpulang estudyante si Cedric. Nangunot ang aking noo ng makita ko ang pagkabahala sa kanyang mukha habang palapit sa kinaroroonan ko. Hindi ko rin tuloy maiwasang kabahan dahil sa itsura niya.
"O... Anong nakita mo?" tanong ko ng makalapit na si Cedric sa akin.
"M-Miko." Parang nag-aalangan pa kung sasabihin ni Cedric sa akin kung ano ang nakita niya.
"Uy! Magsalita ka... Pinapakaba mo naman ako e." Sabi ko.
Umiwas nang tingin sa akin si Cedric. Napabuntong-hininga ito. Tumingin sa paligid bago ibalik sa akin.
" 'Yung... 'yung... 'yung..."
"Ano nga?" tanong ko kaagad.
" 'Yung picture mo nung high school." Nanghihinang sabi ni Cedric sa akin.
Mistulang nawalan din ako ng lakas sa narinig ko. Ang kaba ay mas lalong tumindi. Nalipat kaagad sa mga nagkukumpulang estudyante ang paningin ko.
"Hindi maaari..." bulong kong sabi.
Lalapit na sana ako sa bulletin board para tanggalin ang picture doon pero hinawakan ako ni Cedric sa braso para pigilan.
"Huwag mong gagawin 'yan."
Napatingin ako kay Cedric.
"Pero pinagpyepyestahan na nila 'yung picture ko." Sabi ko.
Napailing-iling si Cedric.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020