CHAPTER 37

794 63 2
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 37

Maaliwalas ang panahon pero hindi ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ng aking mga paa habang papalapit ako sa lugar kung saan magkikita kami ni Ericka.

Ewan ko ba, pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda sa pag-uusap naming dalawa o baka nago-over react lang ako.

Naramdaman ko na lamang na nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa ng suot kong pantalon. Kinuha ko iyon at tiningnan, nakita kong may bagong text at galing iyon kay Ericka.

"Nasaan ka na? Nandito na ako."

Napabuntong-hininga ako. Muli kong itinago ang cellphone ko sa bulsa at medyo binilisan ko na ang lakad para makarating na ako sa pagkikitaan naming dalawa.

Hanggang sa malapit na ako sa lugar. Mula sa kinaroroonan ko, nakikita ko na si Ericka na mag-isang nakatayo sa ibabaw ng tulay na bahagi ng school garden. Muli akong napabuntong-hininga saka nagpasya ng lapitan siya.

Napangiti si Ericka nang makita niya ako. Napangiti rin ako ng tipid bilang ganti sa kanya.

"Hi Miko." Pagbati niya.

Napatango ako kay Ericka.

"Pasensya ka na kung naabala kita a." Sabi niya.

"Ok lang... Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko sa kanya.

Matamis ang naging ngiti ni Ericka.

"May gusto sana akong ipakiusap sayo... iyon ay kung ok lang." Sabi niya.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Pasensya ka na kung ikaw ang nahingan ko ng tulong... alam ko kasi na ikaw lang ang makakatulong sa akin." Sabi niya.

"Ano ba iyon?" tanong ko.

"Nakikita kong close na kayo ni Kenzo at bilang sa tingin ko ay kaibigan ka niya... i think na magagawa mo ang pakiusap ko." Sabi ni Ericka. So may kinalaman kay Kenzo?

Naghihintay naman ako ng iba pang sasabihin ni Ericka.

Napabuntong-hininga si Ericka bago magsalita.

"May gusto ako kay Kenzo." Sabi niya na hindi ko naman na ikinagulat. Halata naman kasi. "Pwede bang tulungan mo ako mapalapit sa kanya?" tanong pa niya na iyon ang ikinagulat ko. Bakit siya sa akin manghihingi ng tulong?

"Pero..."

"Alam kong kaya mo... Kaya sana matulungan mo ako sa kanya." Sabi kaagad ni Ericka.

Umiwas ako nang tingin kay Ericka. Paano ba ito? Napabuga ako ng hangin bago siya muling tingnan.

"I'm sorry Ericka pero mukhang hindi ko magagawang matulungan ka..."

"Pero bakit? I thought na magagawa mo kaya nga kita nilapitan." Sabi kaagad ni Ericka.

"Hindi naman kasi kami masyadong close... isa pa baka hindi niya magustuhan ang ipinapagawa mo sa akin." Sabi ko.

Nawala ang ngiti ni Ericka. Nakatingin lamang siya sa akin.

"Pasensya ka na talaga... saka sa tingin ko naman magagawa mong maging malapit sa kanya ng hindi kinakailangan ang tulong ko... Maganda ka... matalino... lahat ng katangian na hinahanap ng isang lalaki sa isang babae, nasa iyo na." Sabi ko.

"So hindi mo talaga ako matutulungan?" tanong ni Ericka.

"Pasensya na talaga..."

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon