CHAPTER 13

1.2K 70 1
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 13

Sa loob ng classroom...

Nakaupo ako sa upuan ako. Panaka-nakang tinitingnan si Kenzo na nakaupo naman sa sarili niyang upuan at tahimik lamang na nakatingin sa harapan. Kanya-kanya namang daldalan ang mga iba naming kaklase dahil wala pa ang professor namin sa mga oras na ito.

'Ano kayang mangyayari sa panunuod namin ng pelikula?' tanong ko sa isipan.

Sa totoo lang, kung ano-anong pumapasok sa isipan ko na nagdudulot sa akin ng kakaibang pakiramdam. Napapailing-iling na nga lang ako sa tuwing makakaisip ako ng kakaiba e.

'Project ang gagawin namin at hindi kung ano kaya tumigil ka na nga sa pag-iisip mo ng kung ano-ano Miko.' Sabi ko pa sa isipan ko.

Totoo naman e... dapat tigilan ko na ang pag-iisip ng kung ano-ano dahil hindi naman dapat. Sigurado ako, dahil sa project kaya gusto ni Kenzo na manuod kami ng pelikula at wala na siyang iba pang dahilan.

Napabuntong-hininga ako. Ewan ko ba pero hindi ko mapigilan mag-isip e. That's the first time na may makakasama akong ibang tao na manunuod ng movie at hindi si Mama ang kasama ko.

Pigilan ko man ang sarili ko na mag-isip ng kung ano-ano pero nauuwi pa rin ako sa pakiramdam na nae-excite at muli na namang mag-iisip ng tila sa libro lamang nababasa na mga pangyayari.

Hay!

"Hoy!"

Napatingin naman ako kay Cedric na nakaupo sa tabi ko. Diretso ang tingin niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Napangiti ito.

"May partner ka na ba para sa project natin?" tanong nito.

Hindi ako nakasagot kaagad. Paano kapag nalaman niyang si Kenzo ang partner ko? Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

"Ano?..."

"Ikaw ba may partner na?" tanong ko kaagad.

Napatango-tango siya.

"Si Christopher." Sabi niya.

Napatango naman ako. Ang tinutukoy niya ay ang gwapo pero bansot naming classmate. Ang liit kasi parang si John Prats lang.

"Ikaw? Sino ang partner mo?" tanong ni Cedric.

Nag-aalangan man ako na sabihin kay Cedric pero sigurado namang malalaman rin niya kaya sasabihin ko na lang. Napatango na lamang ako.

"Si..."

"Hi Miko."

Naputol ang sasabihin ko na sana kay Cedric at napatingin ako kay Ericka na nasa harapan ko na at nakatayo. Nakangiti.

"Hi Cedric." Pabati rin nito sa bestfriend ko.

Napatango lamang si Cedric bilang sagot kay Ericka.

Muling bumalik ang tingin sa akin ni Ericka.

"Gusto ko sanang tanungin kung may partner ka na... Mero na ba?" tanong ni Ericka.

Bigla akong napatingin kay Kenzo at nahuli ko siyang nakatingin sa akin. As usual seryoso pa rin ang mukha niyang hindi na yata magbabago ang expression kahit kailan. Naririnig niya ba ang usapan mula sa pwesto namin?

Napaiwas ako nang tingin kay Kenzo. Tiningnan ko si Ericka at nag-aalangang ngumiti. Napakamot pa ako sa batok ko.

"Meron na e." Sabi ko. Nakakahiya naman kay Kenzo kung sasabihin ko kay Ericka na wala pa gayong nag-aya na siya. Sabihin na nating hindi pa ako umu-oo pero dahil mukhang wala rin naman akong choice para tumanggi dahil nagtanong na si Kenzo kung saan at kailan kami manunuod e di siya na nga ang partner ko.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon