CHAPTER 43

820 63 0
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 43

Pagkatapos ng klase namin ay nagpasya kami ni Kenzo na pumunta sa isang pizza parlor. Ngayon nga ay namimili ako ng mga ita-toppings ko sa pizza dough na nakapatong naman sa bilog na tray na hawak ni Kenzo kaya nasa tabi ko lang siya at laging nakasunod sa akin.

Maihahalintulad kasi sa buffet ang pizza parlor na ito 'yun nga lang sa halip na sari-saring pagkain ang makikita ay mga toppings sa pizza ang mga nakapatong sa mahabang mesa kung saan ang mga customers ang bahalang mag-customize ng pizza. Medium size na pizza ang pinili namin ni Kenzo dahil ito ang sa aming tingin ay mauubos naming dalawa.

Mula sa pepperoni, ham, iba't-ibang klase ng cheese, bell pepper at kung ano-ano pa. Kung ano-ano na nga ang nilagay ko kaya hindi ko na alam kung anong flavor ang magiging kalalabasan ng pizza namin.

Wala namang reklamo itong si Kenzo at hinahayaan lang ako. Pamaya-maya ay natapos na rin ako. Nagpasya na kaming mamili ng mesang ookupahan naming dalawa at kaagad naman kaming nakahanap. Sa bandang dulo kami pumwesto.

Pabilog na malaki ang mesa kung saan sa gitna niya ay may malaking bilog na parang takip.

"Buksan daw 'yan at diyan natin iluluto itong pizza." Sabi ni Kenzo.

Napatango-tango ako. Binuksan ko nga iyon. Hindi naman ganun kalalim ang butas na iyon pero may mga wirings siya sa loob na parang maihahalintulad sa isang electric oven.

Nilagay naman ni Kenzo ang tray na naglalaman ng hilaw pa naming pizza doon sa butas saka muli kong tinakpan. Sa gilid, may mga pindutan. Pinindot ko ang on at ang sabi ng nag-assist sa amin kanina ay maghintay daw ng 10 minutes para maluto ang pizza.

Self service din kasi dito sa pizza parlor kung saan kapag may katanungan, pwede namang tumawag ng pwedeng mapagtanungan pero kadalasan, ang mga kakain talaga ang siyang kumikilos. Kakaiba nga e kaya hindi malayong dinadayo rin ito ng mga parokyano.

Habang naghihintay kami ni Kenzo ay nagkwentuhan muna kami. Nasa tapat ko lang siya.

"Pasensya ka na kung ang dami kong nilagay na toppings." Sabi ko.

"Ok lang." Sagot niya.

Napangiti ako.

"Sana lang masarap ang kalabasan." Sabi ko.

Napangiti siya ng tipid.

Tiningnan ko ang paligid ng pizza parlor. Malaki ito at ngayon nga ay maraming tao, karamihan ay mga magbabarkadang estudyante na nasa high school dahil sa nakasuot pa ng school uniform. Napangiti tuloy ako.

"Bakit ka ngumingiti diyan?" narinig kong tanong ni Kenzo kaya napatingin ako sa kanya.

"Wala... nakakatuwa lang kasing tingnan ang mga magbabarkadang estudyante... siguro tapos na ang finals nila kaya chill-chill na lang muna sila." Sabi ko.

Napatango-tango si Kenzo. Tiningnan rin niya ang mga magbabarkadang estudyante na nasa kabilang mesa.

Napatingin muli ako sa mga iyon. Napabuntong-hininga ako.

"May problema ba?" tanong ni Kenzo.

Napatingin ako kay Kenzo. Napangiti ako ng tipid.

"Wala... bigla ko lang naisip 'yung buhay high school ko. Sa totoo lang, hindi ko naranasan na magkaroon ng barkada na gaya nila... 'yung sama-samang magha-hang-out at magsasaya. Gustuhin ko mang sumama pero nauunahan ako ng hiya at isa pa sa tingin ko... ayaw rin nila akong isama." Sabi ko.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon