CHAPTER 23

930 65 1
                                    

#BecauseILoveYou

CHAPTER 23

Nasa loob ng kitchen laboratory ang buong klase. Suot na namin ang aming chef uniform at handang-handa na kaming lahat para sa pagluluto.

"Ngayong araw ang simula ng pagluluto ninyo dito sa klaseng ito. Dito ko makikita at masusukat kung may mga natutunan nga ba kayo sa mga lectures na itinuro sa inyo." Sabi ni Sir Dylan na nasa harapan at tinitingnan naming lahat. Kahit siya ay nakasuot ng chef uniform na sa totoo lang ay bagay na bagay sa kanya. Para na nga siyang isang tunay na chef kung titingnan pero napag-alaman ko kasi na isa rin siya sa mga senior namin. Bale ginawa lang siyang teacher assistant dahil bukod sa part time job niya ito ay nakitaan rin kasi siya ng husay ng mga professor namin dito sa school.

"Anyway... naigrupo ko na kayo sa lima... Nakapili na ba kayo ng magiging leader at secretary ninyo?" tanong niya.

Nagkatinginan kami nila Cedric, Ericka, Jaime at Kenzo. Hindi pa kasi kami nakakapili kung sino sa amin ang tutugon sa tungkulin na iyon.

"Sinong gusto ninyong maging leader?" tanong ni Cedric.

Napatingin sa akin si Ericka, bagay na ipinagtaka ko.

"Paano kung si Miko na lang? Sa tingin ko naman ay magagawa niyang maging leader sa atin dahil magaling naman siya." Sabi nito.

"A... Ano kasi..." kahit kailan ay hindi pa ako nagiging leader kaya hindi ko alam kung kakayanin ko iyon.

Napatingin sa akin si Cedric. Napangisi ito. May nais siyang ipakahulugan at alam ko na kung ano. Hindi ko na lamang pinansin ang bagay na iyon.

"Ano Miko? Payag ka ba?" tanong ni Ericka.

Napakamot naman ako sa batok. Hindi ko alam talaga kung makakayanan ko...

"Ako na lang." Sabi ni Kenzo na ikinatingin naming lahat sa kanya.

"Sigurado ka?" tanong ni Cedric.

Napatango-tango si Kenzo.

"Ok... Ako naman ang note taker." Sabi ni Ericka.

Umayon naman kaming grupo sa sinabi niya.

"Ngayong nakapili na kayo ng magiging leader at secretary ninyo... oras na para simulan ang cooking demo. Para sa araw na ito, pasta ang pagiging main ingredient natin. Kayo ng bahala kung anong klaseng pasta dish ang nais niyong iluto, pwedeng imbento ninyo o di kaya ay 'yung karaniwang natitikman ninyo sa mga restaurant." Sabi ni Sir Dylan. "Mayroon kayong isang oras para magluto... Nakahanda na ba ang lahat?" tanong pa nito.

"Yes Sir." Sabay-sabay naming sagot sa kanya.

"Ok... Paalala lang, Mag-ingat sa paggamit ng mga matatalim na bagay at paghawak sa mga lalagyanan na nakasalang sa kalan. Alam kong normal lang ang mapaso o mahiwa lalo na sa paggawa sa kusina pero hangga't maaari ay iwasan na mangyari ang mga iyon. Sa pagtatapos ng klaseng ito ay ako ang magiging hurado na titikim sa inyong mga niluto at magbibigay ng grado sa bawat grupo." Sabi ni Sir Dylan.

"Ok Sir." Sabi naming lahat.

"That's good... So pumunta na kayo sa mga designated places ninyo at..." sabi ni Sir Dylan. Tiningnan nito ang orasan na nakasabit sa pader. "Timer start now." Dugtong pa nito sa sinasabi.

Kaagad na kaming pumuntang lima sa designated kitchen namin. Nakahanda na roon ang mga gagamitin namin.

"Kayo ng bahala sa kung anong gusto ninyong gawin para makatulong... Iwasan na lang natin ang magkagulo." Sabi ni Kenzo.

BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon