#BecauseILoveYou
CHAPTER 47
"Ok... class dismiss. Next meeting ipasa niyo na sa akin ang individual report niyo ok?"
"Yes Prof." Sabay-sabay naming lahat na umattend sa klase niya.
Napangiti naman si Prof saka inayos na nito ang gamit niya at lumabas na ng classroom. Kanya-kanya ring ayos ng mga gamit ang mga kaklase ko at siyempre, hindi kami papahuli ni Cedric.
"Oy Cedric... Anong kakainin mo ngayon?" tanong ko.
Napatingin sa akin si Cedric. Napangiti ito nang nakakaloko.
"Ako ba dapat ang tinatanong mo niyan?" tanong nito sabay tingin sa likuran ko at ngumuso pa.
Napalingon naman ako sa likod ko at nakita ko si Kenzo na abala sa pag-aayos ng gamit niya.
Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Cedric. Napangiti ako saka napailing-iling din.
"SANDALI!" napatingin naman ako bigla kay Jaime na biglang sumigaw kaya ang buong klase ay nagulat at kaagad na napatingin sa kanya.
Napangisi si Jaime. Naglakad ito papunta sa harapan at tumuntong sa platform na nandoon.
"Anong meron?" pagtatakang tanong ni Cedric.
Napakibit-balikat lang ako. Hindi ko rin kasi alam kung anong meron.
"May big announcement akong kailangan ninyong malaman kaya huwag muna kayong umalis. Sit back and relax dahil talaga namang biggest revalation of all time ang malalaman niyo mula sa akin." Sabi ni Jaime.
Napapansin kong may tinitingnan si Jaime kaya sinundan ko ang tingin niya. Mas lalo akong nagtaka dahil si Ericka pala ang tinitingnan niya na nakaupo sa upuan nito at nakatingin rin kay Jaime.
Nagsibalik naman sa mga upuan nila ang iba kong mga kaklase. Handang makinig sa big revelation daw ni Jaime.
Ano kaya iyon?
"Alam niyo ba na ang isa sa pinakamagandang babae dito sa campus ay isang malaking sinungaling at mapagpanggap?" tanong ni Jaime. Tumingin pa siya sa aming lahat at ang huli ay kay Ericka.
Napangisi si Jaime. Umalis ito sa harapan at naglakad patungo sa kinaroroonan ni Ericka. Nang nasa harapan niya siya nito ay namaywang pa at tumaas ang kanang kilay. Infairness a... ibang Jaime ang nakikita ko ngayon.
"Naging totoo ako pero ikaw... isa ka lang palang dakilang sinungaling at manloloko." Sabi ni Jaime habang titig na titig kay Ericka.
Lahat ay nakatingin sa kanila, siyempre hindi kami magpapahuli ni Cedric. Tiningnan ko rin si Kenzo at ang loko-loko, ayun at nakahiga lang ang ulo sa desk at mukhang natutulog pa. Oo nga pala, inaantok pa rin siya dahil sa kulang ang tulog. Walang pakiealam sa mundo.
"Jaime... anong ibig sabihin nito?" tanong ni Ericka.
"Kunwari mabait... pero ang totoo, nagpapanggap lang at ang mas malala... pati ang pagkatao pinepeke." Sabi ni Jaime.
Nagsimula ang bulong-bulungan. Lahat ay nagtataka sa kung ano ang ibig sabihin ni Jaime.
Tiningnan kaming lahat ni Jaime. Napangisi ito.
"Alam niyo ba na ang babaeng ito ay isang kahig isang tuka lang... taliwas sa alam niyong lahat na mayaman siya at may sinabi ang pamilya sa buhay?" sabi ni Jaime na ikinagulat naming lahat.
"Jaime..."
"O bakit? Nahihiya ka na ba sa katotohanang nalaman ko?" tanong kaagad ni Jaime at matalim pa ang tingin nito kay Ericka. "Bakit kailangan mo pang ipagkalat na mayaman ka pero ang totoo... sa iskwater ka lang naman nakatira? Sinabi mong patay na ang lola mo pero ang totoo... kasama mo lang siya sa bahay at ang mas malala... sinabi mong wala ka ng mama pero ang totoo iniwan ka lang niya para sumama sa bago niyang pamilya." Mahabang sabi pa nito.
BINABASA MO ANG
BECAUSE I LOVE YOU (BL) ROM-COM, COMING OF AGE - COMPLETED
Teen Fiction"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020